HOROSCOPE JANUARY 9, 2023

HOROSCOPE JANUARY 9, 2023

January 9, 2023 @ 7:00 AM 4 weeks ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Sabihin man nilang nananaginip ka ng gising, kay maigi iyon kaysa sa binabangungot ka ng nakahilata. Ibig sabihin, may mga pangarap ka na gustong maabot at matupad. Bilisan mo na ang pagkilos sapagkat magtatagumpay ka at upang mabawas-bawasan ang maririnig mong negatibong mga salita.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Huwag kang manghinayang sa mga nawala sa iyo. Maging ito man ay oportunidad o mga materyal na bagay. Ang mga iyan ay ibibigay sa iyo ng langit ngayong taon. Kaya huwag kang mabahala kung ano ang mangyayari dahil wala ka namang ginagawang masama. Basta, pagbutihin mo lang ang iyong ginagawa at mapapasaiyo ang grasya.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Iwasan mo muna ang isang taong kakakilala mo lang ay naging close mo agad. Baka gumulo lang ang buhay mo. May tamang panahon para ma-fall sa isa’t isa at hintayin mo na lang ang sandaling iyon. Pagtuunan ng pansin ang mga proyekto at gawin na lang muna siyang inspirasyon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Ang pagkairita at pagkainis sa mga maliliit na bagay ay hindi na dapat palalain pa. Talagang maaburido ka lang at maiinis. Huwag mong i-level ang iyong pag-iisip sa isip ng ibang tao. Mas may pinag-aralan ka sa kanila at malawak ang iyong pang-unawa. Maasikaso na ng taong pinagkakatiwalaan mo ang dokumento at papeles para maisagawa ang iyong proyekto.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Mas dapat mong pagtuunan ng pansin ang iyong kalusugan kaysa sa dagdag pa na negosyo. Mas mapapagod ka lang sa kaiintindi kapag ganu’n. Ang kailangan mo ay aliwin ang sarili na kaugnay ang kalikasan at magandang ugnayan ng buong pamilya o kaanak. Huwag kang basta-basta mahuhulog sa pungay ng kanyang mata. Baka may nagmamay-ari na sa kanya.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Hindi ito ang panahon upang gunitain mo ang mga masasayang bagay, subalit magdudulot naman sa iyo ng lungkot. Sa halip, isipin mo kung papaano ka sumaya nang walang natatapakang tao. May isang tao ang magiging bahagi ng iyong buhay na matatakot ka na mawala pa siya sa iyo at gayundin siya sa iyo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Sa bawat tanong ay may katapatan na kasagutan. Sa bawat suliranin ay may katapat na solusyon. Kaya huwag mong itanong sa iyong sarili kung bakit nasa ilalim ka ngayon dahil ikaw rin kung tutuusin ang may kasalanan. Kalimutan mo na ito at kung taos sa puso ang pagsisisi’y ikaw ay mamarapatin. Hayaan mo ang mga nang-uupat sa iyo dahil mas magtatagumpay ka habang ginagawan ng ganu’n.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Sa malao’t hindi ay malalaman din niya ang lihim mong pagmamahal sa kanya. Hindi mo man ito sabihin ay mahahalata niya sa iyong mga tingin at kilos. Pero, kahit medyo nakahahalata ka na medyo alam na niya, huwag mo pa ring sasabihin o aaminin. Hayaan mo siyang magsiyasat pa. Sa gayun ay siya na mismo ang kusang ma-develop sa iyo.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Huwag mong itanim o sabihin sa iyong isip na hanggang dito ka na lang dahil sa tindi ng sama ng loob at hirap na dinaranas mo ngayon. β€˜Yan ay nagdaraan lamang at iyong malalampasan. Sa susunod na araw ay sisiw na lang sa iyo ‘yan. May biglaang darating na oportunidad na magpapaangat ng iyong buhay ngayong taon.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Iwasan mong makadama ng takot sa isang gawain o proyekto na hindi mo gamay. Kailangang malakas ang iyong loob at tamang tao lang ang dapat makasama sa proyektong iyon. Pag-aralan mo ang kaukulang kasanayan at pamamaraan ukol dito at magtatagumpay ka sa iyong gawain.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Kung batid mong niloloko ka lang ng taong pinagkakatiwalaan, aba’y bumalikwas ka na. Maging ito man ay sa pag-ibig o sa negosyo. Hindi mo dapat maranasan pa ang isang kabiguan. Kusang darating ang tunay na pag-ibig. Sa negosyo, sa malao’t hindi ay agad itong lalago kung magsisikap nang husto.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” May taong lihim na nai-insecure sa iyo. Kahit halata mo na siya, huwag kang paaapekto. Sa halip, ipakita mo na hindi ka dapat pakitaan ng ganu’n at handa kang umagapay sa kung anoman ang kakulangan nila sa trabaho. Mas mainam na kagiliwan ka ng mga tao kaysa sa kainisan dahil sa pagiging mapagtago ng kakayahan at kaalaman.