HOROSCOPE JULY 1, 2022

HOROSCOPE JULY 1, 2022

July 1, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Maglaan ng panahon sa iyong kaanak na nasa malayong lugar. Kinasasabikan ka kasi nilang makita. Magdala na rin ng pasalubong. Magdadala ito sa iyo ng suwerte dahil pag-uusapan dito ang parte ng lupang napagbentahan sa bawat kaanak.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Maging handa sa isang pagsubok na darating sa iyo. Pero, light lang naman. Kasi, kapag papasok ka na sa work, saka naman uulan. Pero, ‘wag kang magdadala ng payong. Sumbrero lang saka ekstrang medyas. Uutusan ka ng boss mo na iyo namang ikatutuwa.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Iwasan ang mabubutong pagkain pati na rin ang maaalat. Nasobrahan ka na kasi kaya ka namamanas. Panahon na rin upang ilagak mo ang naipon mo sa isang savings account mo na magpundar ng negosyo. Ipagkatiwala ito sa malapit na kaanak o sa pinakamatalik na kaibigan. Tiyak itong lalago at aasenso.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kapos ka ngayong araw pero may paparating naman na biyaya. Ang salaping nahahawakan mo kahit maliit man ay matagal maubos at tila nadaragdagan pa. Sipagan pa at pagtiyagaan ang mumunting kabuhayang nasa iyo. Sapagkat hindi ka naman kukulangin sa araw-araw at ‘di ka pababayaan ng nasa Itaas.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag damdamin ang iyong nararamdaman. Relaks ka lang dahil lilipas din ‘yan. Magiging masaya ka sa susunod na araw dahil sa biyayang paparating. Iwasan din ang sobrang pagpapakapagod at magpaghinga kapag inaantok. Matulog ka sa tanghali after ng lunch para tumangkad ka.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Maraming pagbabago sa iyong buhay ang magdudulot sa iyo ng kasiyahan. Iwasan ang mga tsismosa at mga mahilig makipagtalo dahil sasakit lang ang bulsa at ulo mo sa kanila. Huwag kang papayag na gawin nilang hideout ang haybol mo para roon magtsismisan at ikaw pa ang magpapameryenda. Sa ibang bahay na lang kako.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Iwas-iwasan ding mag-iinom ng kape. Grabe ka naman kasi kung uminom, mga 5 baso kada araw. Kaya ka nagiging makalilimutin. May dadaluhan ding pulong na kung saan ay itatanyag ka ng isang kaibigan. Kung aalukin ka niyang mag-uwi ng pagkain, mag-uwi ka para may pasalubong ka sa iyong pamilya.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Nang dahil sa donut, makokompromiso ka ng iyong boss na ligawan ang kanyang inaanak. Alam niya kasi ang trip mong pagkain. Pumayag ka tutal single ka naman at may trabaho. Saka mayaman naman ‘yung babae. Huwag kang mag-alala, hindi naman pahuhuli ang hitsura nu’n. Panalo ka na ru’n.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa hindi inaasahan, mahuhulog ang loob mo sa isang taong iyong kinaiinisan. Pero, na-miss mo noong hindi mo na ito nakikita. Iwasan din munang magpautang sa isang taong alam mong may pera naman. Pero, ayaw galawin. Tiyak kasi na hindi ka agad nito mababayaran.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Maraming magandang pagkakataon ang darating sa iyo ngayon. Ilang bisita rin ang darating na magiging dahilan ng iyong kaabalahan sa gawaing bahay at sa paghahanda ng makakain nila. Huwag mag-aalala, may dala naman silang pagkain na iluluto mo. ‘Yung ipabibili pang iba, otomatikong sa iyo na ang sukli.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May pampamilyang okasyon din na idaraos sa linggong ito. May nagbabalik bayan kasi. Ikaw ang magiging tampuhan ng tukso at biruan. Pero, relaks ka lang, ikaw ang kukubra ng alat sa pustahan. Tanggapin mo na lang lahat ng pang-aalaska tutal magkakapera ka naman.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maaaring mapikon ka sa biro at puna ng iyong kaibigan. Pero, huwag itong seryosohin. Hinuhuli ka lang niya kung gusto mo ang tindera ng balut na malapit sa inyong opisina. Gayunman, papabor ang ilang proyekto sa tulong ng kaibigan mong ito na mahilig mang-alaska.