HOROSCOPE JULY 12, 2021

HOROSCOPE JULY 12, 2021

July 12, 2021 @ 7:00 AM 1 year ago


 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Walang malaking bato na nakapupuwing. Ganyan ang iyong personalidad. Kahit malaki ang nasasagupa mo, natatalo mo dahil sa iyong karunungan. Hindi basehan ang laki o sukat ng isang tao para magtagumpay.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mainam na ituro mo sa iyong mga anak, kamag-anak, kaibigan at mga katrabaho ang iyong kaalaman at sikreto sa kalusugan. Malaki ang magiging pakinabang nila rito. Marahil nagtataka sila sa iyo, na kahit nasa 50’s ka na, mukha ka pa ring nasa 30’s. Kapag ganito, palagi kang busog at bibigyan ka nila ng regalo.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Batak ka sa trabaho. Pero, kakarampot ang suweldo. Dagdagan pa ang iyong raket upang makaipon. Matuto ng ibang mga bagay at kasanayan upang maging pasaporte sa pagpasok ng pinansyal na aspekto.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Dahil sa sobra mong bait, baka siyam na raw ang buhay mo. Ituloy mo ang iyong planong magtatag ng shelter para sa stray cats at dogs. Marami ang susuporta at tutulong sa iyo. Pagpapalain ka ng langit dahil d’yan.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Palikero ka noon. Pero ‘di na ngayon. Kasi, nasaktan ka sa taong minahal mo nang todo. Nagtatanong ka, kung kelan ka naging seryoso, saka ka pa naloko. Huwag kang mag-alala, sa iyong pagbabago, darating na ang tunay na pag-ibig.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Mapalad ka dahil maraming taong nagmamahal sa iyo. Kasi, mabuti kang tao. Kahit nagawan ka ng isang tao ng hindi maganda, pinatawad mo. Hindi ka kailanman nagtanim ng sama ng loob. Kung kaya, bibiyayaan ka ng langit dahil sa iyong kabutihan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May himalang darating sa buhay mo. Matatangap ka sa trabaho, gagaling ang sakit ng lolo mo, mai-inlove sa iyo ang kapitbahay mo na anak ng mayaman. Kung bakit, iyan ay dahil sa iyong pananampalataya. Lahat ay posible sa iyo ngayon sa tulong ng langit.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Nawala ang cellphone mo. Pero, mapupulot ito ng cashier sa isang fast food. Kilalanin mo siya. Siya na ang princess ng buhay mo. Kayo ang itinakda ng tadhana. Panalo ka rin naman sa beauty niya. Bukod dito, mapagmahal siyang tao, tapat at may takot sa Diyos.



 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Para ka raw ulap na walang dalang hangin at ulan. Maingay raw pero wala namang napatutunayan. Puwes, baguhin mo ang impresyon na ito ng tao sa iyo. Patunayan mo na may ibubuga ka, dahil meron naman. Titigil lang sila sa maling panghuhusga sa iyo kapag may napatunayan ka.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag kang palilinlang sa ganda, pare. Parang ginto na kapag sinuri ay tanso pala. Huwag kang mahuhulog sa ka-chat mo. Paiikutin ka lang niya. Ang tindera sa palengke ang mahalin mo. May libreng gulay ka na, may isda ka pa.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Tunay na magdadala ng suwerte ang iyong pagiging mabait. Nagpapautang ka sa kapus-palad na walang hinihinging kapalit. Yayaman ka na dahil dito. Sa susunod na taon, makapagpapatayo ka na ng bahay.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Malakas ang ulan, ang unos na nagdaan sa iyong buhay. Pero, nalampasan mo. Kaya, gagantimpalan ka ng langit. Kung kinakapos ka sa nagdaang mga panahon, lalabis naman ang biyaya sa iyo ngayong taon.