HOROSCOPE JULY 12, 2022

HOROSCOPE JULY 12, 2022

July 12, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Umiwas sa tukso. May makikilala kang makatatawag sa iyo ng pansin. Layuan siya habang maaga upang ‘di maging kumplikado ang sitwasyon at ‘di ka maperwisyo. Baka mabutas pa pati ang iyong bulsa. Yayain ang isang kabigan na ituloy n’yo ang naudlot na kabuhayan. Ikaw lang ang hinihintay niya para simulan ito.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Iwasan masyadong pagpapanggap o pagkukunwari dahil hindi mabuti ang epekto nito sa iyo. Maging totoo ka lang. Kung ‘di mo kaya, sabihin sa kaibigan o malapit na kaanak ang pagbigay ng solusyon sa iyong problema. Dadalawin ka ng iyong kaanak upang maghatid ng tulong at pera.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Buwenas ka sa linggong ito kung tataya ka o sasabak sa negosyo. Gayundin sa ilang patimpalak. Samantalahin ang mga dumarating na mabuting oportunidad upang makaahon sa buhay. Kapag nanalo ka sa isang sugal, iwasan mo na ito dahil mamalasin ka lang sa mga susunod na subok mo rito.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Susubukin kayo ng iyong minamahal ng tadhana. Kaya’t magpakatatag at huwag makikinig sa bulung-bulungan. Magiging suwerte sa iyo ang mabait na kabiyak o kasintahan dahil idinadalangin niya ang tagumpay n’yong dalawa sa larangang inyong tinuntungan.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May kasagutan ang matagal mo nang minimithi sa buhay. May darating na magandang balita sa iyong matalik na kaibigan. Isang Aries ang manliligaw sa iyo. Pero, huwag kang masyadong lalapit sa kanya dahil masama ang kanyang intensyon.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Piliing mabuti ang magiging kaibigan dahil may masamang intensyon ang ilan sa kanila at gusto ka lamang utangan. Tapos, ang tatakaw pa sa pagkain lalo na kung meryenda. Buti sana kung may ambagan. Isang mayaman ang iyong magiging kaibigan. Magiging malapit ka sa kanya dahil magaling kang magluto at magpokpok, este magkumpuni sa bahay gaya ng isang karpintero.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag kang masyadong mangarap ng marami at nakapa-imposible. Piliin ang mithiing may posibilidad na magkaroon ng katuparan. Sikaping mapagtagumpayan ang lahat ng minimithi na nasabakan mo na. Ito ang mag-aahon sa iyo sa hirap at magbibigay saya sa iyong pamilya.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Tratuhin ng maganda ang bago mong kakilala kahit medyo hambog. Purihin mo siya ng purihin sa kanyang sinasabi, totoo man o kahit nagbibiro lang o nagpapasikat. Malungkot kasi ang kanyang nakaraan at napagdaanan at ang atensyon mo ang magbibigay sa kanya ng ligaya. Makatutulong siya sa iyo sa oras ng kagipitan. Kung gusto mo, utangan mo at ‘di ka mapapahiya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang makuntento sa kalagayan mo ngayon. Papayag ka bang manatiling payak ang pamumuhay nyong mag-anak. Humanap ka o dumiskarte ng esktrang kabuhayan. Sapagkat maraming nakaambang gastusin sa mga susunod na araw. Pero, may paparating kang biyaya kung sasama sa isang kakilala na may proyekto tungkol sa kalsada at sa mga suplay ng pagkain.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Pakisamahang mabuti ang lahat, maging ang mas mababa ang pinag-aralan kaysa sa iyo. Iwasang maging mapagmapataas sa kilos man o pananalita upang lalong pagpalain. Makakakilala ka ng bagong kaibigan na masaya at mabait.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Isang sitwasyon ang susubok sa iyong kakayahan ngayon. Huwag magdadalawang-isip na humingi ng tulong kung kailangan. Isang kakilala na hindi naman gaanong close ang lalapit sa iyo at tutulungan ka sa suliraning iyong dala-dala.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag maging makasarili sapagkat yan ang makasisira sa relasyon ninyo ng iyong mahal. I-share mo lahat kahit ang kinakain mo kahit maanghang. Bahala na kahit umusok ang tainga at tumbong niya. Magiging malapit ka sa suwerte kapag ginawa mo ito.