HOROSCOPE JULY 13, 2021

HOROSCOPE JULY 13, 2021

July 13, 2021 @ 7:00 AM 1 year ago


 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Hindi mo maalis sa iyong kasuyo ang magselos. Natural lang ito dahil mahal ka niya. Gayunman, ipaliwanag mo sa kanya kung sino at kung tungkol saan ang pinag-uusapan n’yo ng babae. Huwag maglihim sa iyong asawa.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ipagpaliban ang iyong binabalak na paglalakbay. Ang pagbabago ng ilang gawain ay makatutulong upang mayroon kang matapos na proyekto. Mas mahalaga ito upang pumasok ang salapi.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kiss and tell ka raw. E, totoo naman. Wala namang masama kung ipagmamalaki mo ang something ninyo ng iyong katipan. Pero, huwag ipagsasabi ang inyong mga sikreto.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Sunod-sunod ang biyaya na iyong matatanggap. Gayunman, papalaki rin ang mga gastusin. Pero, alalayan ang iyong malaking kikitain sa mga biglaang gastusin. Kaya huwag mag-alala. Mas malaki ang papasok na pera kaysa palabas.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi lahat ng iyong gusto ay makukuha mo. Iyan ang reyalidad ng buhay. Pero, wala namang imposible kung posible itong mangyayari. Ang kailangan lamang ay maghintay ng tamang panahon at pagkakataon.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Taliwas sa iyong inaasahan, mas papabor sa iyo ang tadhana. Ikaw pala ang type ng foreigner kaysa sa iyong kaibigan. Gayunman, nagdadalawang-isip ka dahil ayaw mong may pusong masasaktan. Pero, kailangan mo ring tanggapin ang katotohanan na para sa iyo ang oportunidad. Kaya, huwag magpakamartir ng wala sa lugar.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Bad trip ka dahil ‘di ka na tinatawagan ng kasintahan mo. Ni chat sa social media, wala. Pero, hindi naman ibig sabihin nito ay nanlalamig na ang inyong relasyon o nanlalamig na siya sa iyo.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Panahon na ng paggapas. Aanihin mo na ang iyong mga itinamin. Hindi ito literal na pananim. Kundi ng kabutihang-loob. Susuklian ng iba ng kabutihan ang ginawa mong kawanggawa sa mga nangangailangan.

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi pwedeng always sky is the limit ang peg mo sa iyong mga kaanak. Umaasa na lang sila sa iyo dahil malaki ang kinikita mo. Hindi masamang magbigay. Pero, kinakailangan mo ring tipirin ang sarili mo. Kailangan mo ring mag-ipon para sa pinapangarap mong magkaroon ng sariling pamilya.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi ito ang panahon ng marahas na paggastos. Malakas ang loob mong bumili dahil malaki rin ang kinikita mo. Matutong magtipid. May dadaluhang mahalagang meeting para sa aspektong pinansyal. Magdadala ito sa iyo ng mas malaking biyaya. Huwag makalimot magpasalamat sa itaas.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May matutuklasan kang lihim sa iyong kabiyak. May kakaiba rin sa kanya. Huwag mag-alala, para sa inyo ang kanyang ginagawa. May sorpresa siya sa iyo. Balak na niyang mag-propose with matching house in lot.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maraming bagay na maayos pagkatapos ng tampuhan n’yong magkaibigan. Lalo nitong pasasarapin ang inyong pagsasama. Makinig ka rin sa payo ng mga matatanda. Malaki ang maitutulong nito para sa iyong mga binabalak.