HOROSCOPE JULY 14, 2021

HOROSCOPE JULY 14, 2021

July 14, 2021 @ 7:00 AM 1 year ago


 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ang pagiging kalmado at pagiging mapagpakumbaba ay makaaakit ng maraming kaibigan. Kahit siga ay magiging kaibigan mo at maiimpluwensyahan mo. Takot sila sa iyo. Bakit? Dahil ikaw ay marunong at maraming alam sa mga bagay-bagay.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang iyong pananahimik ay magbibigay ng kakaibang impresyon. Na ikaw ay mapanganib ay may binabalak sa iyong mga kaaway sa negosyo. Pero, mainam ito upang itigil na nila ang tsismis at paninira sa iyo.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kayang sirain at wasakin ng dila ang mundo. Ganyan ang iyong dila. Makamandag. Huwag magbibigay ng balita na hindi naman totoo. Kasi nag-e-enjoy sa kwento mo ang kakilala’t mga kaibigan mo. ‘Di mo namamalayan, may natatapakan ka na palang tao.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ang iyong pagiging mapagbigay kahit salat ay magdudulot ng mabuti. Ikaw ay bibigyan din. Mas higit sa iyong binigay. Huwag mong alalahanin ang iyong kailangan sa araw-araw. Dahil ang langit na ang magkakaloob sa iyo.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — K-Pop addict ang iyong mga anak at asar na asar ka. Bakit? Hindi mo pwedeng isubo sa kanila ang kinamulatan mong kultura at uso noon. May kanya-kanyang bagay sa bawat panahon. Sa halip, gabayan mo na lang sila kung ang kanilang hinahangaan ay nagbibigay na ng masamang impluwensya.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kapag magpapatugtog ka sa umaga habang nagkakape, hina-hinaan mo lang. Hindi lahat ay gustong makinig ng pinapatugtog mo. Naiistorbo rin sila sa mga gawain nila. Acoustic lang muna ang sounds mo para mapansin ka ng crush mo.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag makikinig sa pagtutulak sa iyo ng iyong mga ka-barangay na tumakbo ka halalan. Binobola ka lang nila. Hindi para sa iyo ang mundo ng pulitika.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hinahangaan ka dahil sa husay mong magsalita. Mahusay kang orador o magtalumpati. Kung mag-a-apply ka bilang DJ o radio talent, tiyak na matatangap ka. Kaya, huwag itago ang talento mong ito. Ipamalas mo dahil may ibubuga kang talaga.

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) ‘To see is to believe.’ Ganyan ang peg ng iyong paniniwala. Pero, dapat mong tanggapin na totoo ang isang bagay kahit hindi mo pa ito nakikita o namamalas. Paghandaan din ang isang pagpupulong na malaki ang dulot sa iyong pakinabang.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag masyadong magpakatapang. Huwag din akuin ang mga pananagutan na hindi mo naman dapat saluhin. Isipin mong tao ka rin na may limitasyon. Mas maigi na may katuwang ka sa pagbabalak at pagsasagawa ng mga plano.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Para kang bituing kumikislap sa kalawakan. Ganyan ang tingin sa iyo ng iyong mga kasamahan sa trabaho. Papaano ba naman kasi, nag-iba na ang image mo. Mainam ito kaysa noon na para kang haggard at wasted. Kaya naman, malami na ang mag-a-approach sa iyo at kagigiliwan ka nila.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Imbes na pambili ng pagkain, nauuwi pa sa pagbili ng alak. Kaya, wala nang budget para ru’n at uutang ka na naman sa tindahan. Iwasan na ang labis na pag-inom at paglalasing. Ang problema ay malulutas kung lalapit ka sa Itaas at sa mga taong gagamiting instrumento upang ikaw ay tulungan.