HOROSCOPE JULY 15, 2021
July 15, 2021 @ 7:00 AM
1 year ago
Views:
629
Irene Aquino2021-07-14T19:00:34+08:00
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Hindi kalugihan ang magpakababa. Bagkus itataas ka ng langit. Bagama’t kinaiingitan ka ng iba dahil sa iyong kalagayan ngayon na maalwan, gagayahin nila ang panuntunan mo sa buhay. Work hard lang at may patutunguhan ang iyong mga pagsisikap.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Huwag kang patatangay sa tagumpay. May pera ka, maimpluwesya at sikat sa inyong pamayanan. Isaisip lagi ang pagbagsak. Kung magiging mapagpakumbaba ka at magiging bukas-palad sa mga hikahos, hindi ka mawawalan at mananatili kang nasa itaas.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Ang malinis na budhi ay naghahatid ng mabuting kapalaran. Dahil sa iyong pagiging tapat, mapapansin ito ng mga executive sa pinaglilingkuran mong firm. Mapo-promote ka sa trabaho mo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ikaw ay isang punongkahoy na mabunga. Kaya, pilit na pinupukol upang malaglag ang bungang iyon. Pero, hindi ibig sabihin nito ay negatibo ang impresyon para sa iyo. Bigyan mo ang nangangailangan sa abot ng iyong makakaya. Sa ganitong paraan, nagtatanim ka ng kabutihan at ‘di ka nila malilimutan.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag bilangin ang nagawa mong tulong. Kung tutulong ka, huwag mag-antay ng kapalit. Lalo na kung ang pagbibigyan mo ay walang kakayahang magbigay. Ang langit na ang magpapalit noon sa iyo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Matutong magbayad kapag umutang. Alalahanin mong kailangan din ng inutangan mo ng pera. Kung meron kang sobrang pera, puntahan ang pinagkakautangan at bayaran siya. Hindi mapapatid ang biyayang darating sa iyo kapag ganito ang iyong ginawa.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Itatalaga ka sa mataas na posisyon sa inyong asosasyon. Bagama’t mabigat itong tungkulin at responsibilidad, tanggapin mo. Hindi ka pababayaan ng langit at ;’di ka pababayaan ng mga kasamahan mo rito.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag kang tumungga ng alak na may lason. Ganyan ka sa ibang bagay. Sinusubukan ang isang hamon kahit wala kang kasanayan para mapagtagumpayan ito. Gayunman, hinahangaan ka ng karamihan dahil sa katangian mong ito. Kung gusto mong maging matagumpay, sumangguni sa itaas at gagabayan ka Niya.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ang paggalaw ng mga planeta at ang pagkislap ng mga bituin ay nakaaapekto sa iyong kapalaran. Maging maingat at mapagmatyag. Sa hindi inaasahang pagkakataon darating ang biyaya at suwerte.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang lumagay sa lugar ay mainam. Pwedeng umawat at magpakalma sa dalawang taong ‘di nagkakaunawaan. Mabisa ang iyong salita at makikinig sila sa payo mo. Ang dalawang taong ito ay magiging kaibigan mo sa mga susunod na araw.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang paglalakbay sa mga susunod na araw ay magiging makabuluhan. Kaya, maging productive dahil magdadala ito ng pagpapala. Ingatan mo rin ang iyong kalusugan. Iwasan ang labis na pagpupuyat sa paglalaro ng online games.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Alalahanin mo ang iyong kinabukasan. mag-impok habang may malaking kinikita sa gayun ay may magagamit ka sa hinaharap. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan mo ang iyong mga magulang at mga kaanak na nangangailangan.
August 14, 2022 @5:00 PM
Views:
67
Manila, Philippines – Cremated na ang mga labi ng premyadong aktres na si Cherie Gil.
August 5 nang pumanaw si Cherie sa sakit na endometrial cancer.
Dinaluhan ng kanyang mga nagulang na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, mga anak na sina Jay, Bianca at Raphael at ilang malalapit niyang kaibigan ang idinaos na celebration of life in her honor.
Ayon sa artikulong inilathala ng PEP quoting QC Councilor Alfred Vargas, Cherie’s face lit up as she talked about her farm in Bukidnon.
Ayon naman kay Senate President Miguel Zubiri who hails from Bukidnon, nagpapasalamat siya kay Cherie for taking pride in the Mindanao province.
Bilang paggunita, pinalalabas ang mga natatanging pelikulang nilabasan ni Cherie spanning her long years in showbiz.
Mapapanood din ang one-on-one interview sa kanya ni Boy Abunda.
Matatandaang unang ibinalita ni Annabelle Rama sa kanyang Instagram account ang pagpanaw ni Cherie.
Isa si Sharon Cuneta sa mga huling dumalaw sa aktres sa sickbed nito sa New York.
Sa loob naman ng kanyang sasakyan nag-iiyak ang kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa nang malamang yumao na ang aktres.
Cherie was 59 when she passed away.
Nawala man pero patuloy na nasa puso’t isipan ang mga alaalang iniwan ng nag-iisang Evangeline Rose Eigenmann.
Mapayapang paglalakbay, Cherie. Ronnie Carrasco III
August 14, 2022 @2:00 PM
Views:
58
Manila, Philippines – Thirty eight years old na ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.
Bale ka-birthmonth niya ang asawa of eight years na si Dingdong Dantes who celebrated his birthday ahead.
Marian gave a treat to her friends sa pamamagitan ng pamamahagi ng kanyang mga senswal na larawan.
Bandang gabi, nagkaroon ng selebrasyon sa Palacio de Memoria na dinaluhan ng ilang kaibigan.
Present on the night of August 12 ay si Kathryn Bernardo minus her boyfriend Daniel Padilla.
Kung maaalala, Kathryn played the young Marian in the Filipino adaptation of the Koreanovela Endless Love.
In attendance din ang rumored sweethearts na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.
Fauna-themed ang birthday event.
Pero ang agaw-eksena ay ang panganay ng mag-asawa na si Letizia o nicknamed Zia.
She went up the stage para handugan ang kanyang ina ng isang awitin popularized by Rey Valera, ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko.
Hindi napigilan ni Marian na magpaka-stage mother as she shouted, “Wow, anak ko ‘yan!”
In fairness, nasa tono si Zia!
Lalo pang mahahasa ang kanyang singing voice if she undergoes voice lessons. Ronnie Carrasco III
August 14, 2022 @11:45 AM
Views:
65
Manila, Philippines – Hindi napigilan ng actor/host na si Mateo Guidicelli na i-call out ang co-host nito na si Alex Gonzaga.
Sa isang episode kasi ng noon time show na LOL (Lunch Out Loud), biniro ni Alex si Mateo sa ex nito.
“Napanaginipan ko ‘to kagabi, sabi ko sa sarili ko, pinag-pray ko, ‘Lex tigilan na natin pagbiro sa mga asawa natin dahil mga ex na ‘yan, eh. Maawa naman tayo kay konsehal at asawa ko dahil kagabi umiyak na talaga ako dahil sa’yo,'” saad ni Mateo in a serious tone.
Sagot naman ni Alex, “Bakit ka naman umiyak sa ‘kin, ano’ng ginawa ko?!”
Tuloy tuloy naman ang pagsasalita ni Mateo at sinabing nasasaktan siya para sa asawa niyang si Sarah Geronimo.
Pahabol pa ni Mateo, “Tropang LOL irespeto natin mga asawa natin.”
Seryoso na ang lahat maging si Alex na mukhang nag-iisip na tungkol sa mga biro niya nang biglang ginawang biro ni Mateo sa huli at sinabing, “Mag-usap na lang tayo tungkol sa kuko mo!”
Ang dating, eh, biro lang pala ang pag-call out ni Mateo kay Alex pero umani ito ng papuri mula sa netizens na nagsasabing tama lang ang ginawa ni Mateo lalo’t laging below the belt anila ang mga joke ni Alex.
Kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ni Alex tungkol dito at mukhang sinagot niya ito sa pamamagitan ng isang tweet where she said, “Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.”
Negative na naman ito sa netizens at sinabing apologist si Gonzaga pero hindi marunong mag-apologize.
Hmmm. After this, maging maingat na kaya si Alex sa mga bibitawan niyang joke on screen? Paula Jonabelle Ignacio
August 13, 2022 @2:20 PM
Views:
154
Manila, Philippines – Cremated na ang mga labi ng premyadong aktres na si Cherie Gil.
August 5 nang pumanaw si Cherie sa sakit na endometrial cancer.
Dinaluhan ng kanyang mga nagulang na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, mga anak na sina Jay, Bianca at Raphael at ilang malalapit niyang kaibigan ang idinaos na celebration of life in her honor.
Ayon sa artikulong inilathala ng PEP quoting QC Councilor Alfred Vargas, Cherie’s face lit up as she talked about her farm in Bukidnon.
Ayon naman kay Senate President Miguel Zubiri who hails from Bukidnon, nagpapasalamat siya kay Cherie for taking pride in the Mindanao province.
Bilang paggunita, pinalalabas ang mga natatanging pelikulang nilabasan ni Cherie spanning her long years in showbiz.
Mapapanood din ang one-on-one interview sa kanya ni Boy Abunda.
Matatandaang unang ibinalita ni Annabelle Rama sa kanyang Instagram account ang pagpanaw ni Cherie.
Isa si Sharon Cuneta sa mga huling dumalaw sa aktres sa sickbed nito sa New York.
Sa loob naman ng kanyang sasakyan nag-iiyak ang kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa nang malamang yumao na ang aktres.
Cherie was 59 when she passed away.
Nawala man pero patuloy na nasa puso’t isipan ang mga alaalang iniwan ng nag-iisang Evangeline Rose Eigenmann.
Mapayapang paglalakbay, Cherie. Ronnie Carrasco III
August 13, 2022 @1:39 PM
Views:
133
Manila, Philippines – Totohanan na nga ang panliligaw ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose.
Sa podcast ni Nelson Canlas, inamin ni Rayver na nagpaalam siya sa mga magulang ni Julie Anne para umakyat ng ligaw.
Pagtatapat ni Rayver na si Julie Anne ang una niyang naging ka-close nang lumipat siya sa GMA 7. Lalo raw sila naging close nang makasama niya ang Asia`s Limitless sa Siquijor para sa musical trilogy ng actress.
Nagsimula sa tuksuhan at kantiyawan ang lahat, lalo na nang magsama sila sa All-Out Sunday! That time ay kapwa loveless ang dalawa kaya walang dahilan para sila mailang sa isa`t-isa.
Samantala, tuloy-tuloy ang tinatamasang tagumpay ni Julie Anne, bukod sa lucky in love ang singer/actress ay tumanggap din siya ng Silver Award para sa kanyang Limitless: A Musical Trilogy, mula sa New Yorkk Festivals TV and Film Awards 2022. May special collaboration pa sila ni Gary Valenciano na matagal nang pangarap ni Julie Anne. Gerry Ocampo