HOROSCOPE JULY 16, 2021

HOROSCOPE JULY 16, 2021

July 16, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Lumalalim ang samahan n’yo ng iyong kaibigan. Para na rin kayong magkapatid. Siya ang makatutulong sa iyo sa oras ng kagipitan. Kaya, huwag mo siyang bibigyan ng sama ng loob.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi pa huli upang mag-aral ng mga bagong kaalaman at kasanayan. Magagamit mo ito sa pagtulong sa iyong mga kababayan sa inyong tribu. Ikaw ang magiging boses at kinatawan nila sa pamahalaan. Umaasa sila sa iyo.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Mabilis ngayon ang paglipas ng mga araw. Kaya, bilisan mo ring kumilos at tapusin ang mga makabuluhang proyekto at mga gawain. Sa gayun ay magbibigay ito sa iyo ng biyaya at pagpapala.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Umaayon sa iyo ngayon ang kapalaran. Nagiging maamo ang mga oportunidad. Ito ay sa kadahilanang lumakad ka ng matuwid. Kaya, ibubuhos sa iyo ng langit ang biyaya dahil kailangan mo ito.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Turuan mo ang bata habang bata pa sila, kagaya ng iyong mga anak. Sa gayun, ikukwintas nila ito sa kanilang leeg at kaisipan. Ang iyong mga anak ang magbibigay sa inyong mag-asawa ng magandang buhay.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kung alam mong gawin ang tama, gawin mo na. Huwag mo nang hintaying gawin pa ito ng iba. Ang nakikita mong pagkukulang sa inyong tahanan at sa trabaho ay punan mo. Ang langit na ang bahalang magtaas at magbigay sa iyo ng gantimpala.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Bawat bagyo ng buhay ay may katapusan. Kaya huwag mawalan ng pag-asa. Darating na sa iyo ang suwerte. Kapag ipinagkaloob ito sa iyo, huwag mo nang hayaang makawala pa.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi siya ang para sa iyo. Marami kayong pagkakaiba at hindi mapagkasunduan. Hindi maaaring magsawa ang liwanag sa dilim. May nakalaang pag-ibig sa iyo sa darating na mga panahon. Hindi na uso ang magpakamartir ngayon.

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mag-ingat sa mata at diwang mapanghusga. Sila ang mga taong walang kabatiran ng lubos sa iyo, pero hinuhusgahan ka. Hayaan mo sila. Pagbutihin mo na lang ang trabaho mo para matuwa sa iyo ang boss mo.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ikaw ang bida ngayon sa mga lakaran. Pero huwag papayag na ikaw ang gagastos sa lahat. Kanya-kanya pa ring bayad. Mahalaga ang hang-out n’yo ng mga kasamahan mo sa trabaho upang makapagrelaks. Sa ganitong paraan, mapag-uusapan n’yo ang makabuluhang proyekto.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag mong sabihing ‘di mo kaya. Kaya mo ang task na pinagagawa sa iyo. Kailangan mo lang na maging seryoso at tamang time management. Kapag nagawa mo ito, may reward ka sa boss mo. Kaya, grab the opportunity.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Darating ang panahon na bubukod ka sa iyong pamilya. Tumatanda ka na rin kasi. Ito ang reyalidad ng buhay. Gayunman, hindi roon natatapos ang paggabay at pagpapaalala nila sa iyo. Kaya, panatilihin pa rin ang utang na loob.


  •  
  •  
  •