HOROSCOPE JULY 17, 2021

HOROSCOPE JULY 17, 2021

July 17, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Mahirap kang magtiwala agad sa isang tao. Kasi, marami ka nang karanasan na sinira ang iyong tiwala. Pero, hindi sa isang tao ngayon na malapit sa iyo. Maaasahan mo siya at siya ang isa sa magiging susi sa iyong pagtatagumpay.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Makinig sa payo ng iyong mga magulang. Tama naman ang kanilang hinuha sa iyong lover ngayon. Gayundin sa iyong mga kapitbahay. Hindi nila sinisiraan ang lover mo. Talagang two timer ito. Kaya, kalasan mo na kahit mahal mo pa siya.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Ikaw ay gaya ng isang kuneho na gumagawa ng bahay sa ibabaw ng bato. Matatag at kongreto ang iyong mga desisyon sa buhay. Kaya, hindi ka basta-basta naigugupo ng mga pagsubok.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magtiis pa ng magtiis. Lahat ng masamang karanasan sa buhay mo ay may katapusan. Magtiwala lamang sa nasa itaas,  iaangat ka Niya sa lalong madaling panahon.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magtipid sa mga susunod na araw. Makararanas ng kakapusan sa susunod na buwan. Pero, agad ding makababawi sa paghina ng iyong negosyo. Kaya, huwag mabalisa sa araw-araw na pangangailangan.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ito ang sandaling dapat mong pag-aralan ang mga nangyayari sa iyong buhay. Kung saan ka nabuwal, doon ka bumangon. Maging mahinahon dahil ang iyong pagtatagumpay ay siyang sweet revenge sa mga taong nag-turned down sa iyo.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mahirap lumagay sa sitwasyon na hindi mo alam ang kaukulang solusyon. Kailangan mo ng karamay. Mas madali ang isang trabaho kung may sinasabihan ka ng iyong saloobin. Hindi ka mabibigo dahil tutulungan ka ng taong ito.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi lamang sa panlabas na anyo ang batayan ng isang kagandahan. Kundi sa panloob at sa angking kakayahan. Hindi ka man kagandahan, pero marami ang nagkakagusto sa iyo. Kasi, kalog ka at mahusay makisama.

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May umaalis at may mga taong dumarating sa iyong buhay. Mas mahalaga ang bagong nakasasalamuha dahil sila ang may kaugnayan sa buhay mo ngayon. Kaysa sa mga umaalis na walang paramdam sa iyo. Gayunman, huwag kalilimutan ang mga taong nakatulong sa iyo sa oras ng kagipitan.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang iyong buhay ngayon ay gaya ng ulan. May negatibo at positibong taglay. May hatid na pagsubok at biyaya. Huwag isipin na pinaglalaruan ka ng tadhana. Bahagi ng buhay ng isang tao ang ups and downs.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Totoong nagsasabi ka ng katotohanan. Pero, marami ang hindi maniniwala sa ngayon. Pero, kalaunan, maniniwala na sila. Ihanda rin ang sarili sa isang bagong proyekto na magdudulot ng labis na pagod sa iyong katawan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag sumugal sa bagay na walang kasiguraduhan. Hindi natin hawak ang ating kapalaran. Bagama’t tayo ang gumawa at nagpapasya sa buhay natin kung ano ang nais nating mangyari, ang nasa itaas pa rin ang magpapatupad nito. Piliin ang tamang landas kaysa sa buhay na liko.


  •  
  •  
  •