HOROSCOPE JULY 18, 2021

HOROSCOPE JULY 18, 2021

July 18, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Tanungin mo ang iyong sarili kung dapat ka bang magbago? Sapol nang magka-pandemya, naging introvert ka na. Bagay na ipinagtataka ng iyong mga kaibigan. Huwag magdamdam kung hindi ka nila natulungan noong gipit ka. Gipit din kasi sila.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nasa maayos ka nang sitwasyon. Kaya panatilihin ito para patuloy na maging tahimik ang iyong pamumuhay. Umiwas na sa mga kaibigang tambay at masamang impluwensya.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Isa kang mahusay na adviser. Kita naman sa sitwasyon ng iyong buhay. Kaya mong lutasin ang mga problema. Pero, ang totoo, sa itaas ka nagtitiwala. Iyon ang sikreto mo kaya ka successful.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Walang lihim na hindi mabubunyag. May isang taong maglalahad ng iyong sikreto. Ihahayag niya ang iyong kawanggawa. Ito ang sitwasyong itinataas ka. Kasi, hindi ka nagbubuhat ng sarili mong bangko.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi pa huli para matuto ng ibang kaalaman at kasanayan. Kung gusto mong mag-aral pa, mag-aral ka. Bata ka pa naman. Ikararangal ka ng iyong mga magulang dito. Tutal, may kakayahan naman silang pag-aralin ka. Pero, huwag mo na silang asahan dahil kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Isang sorpresa ang matatangap sa iyong mga ka-batchmate noong high school. Sa iyong kaarawan, mabibiyaan ka. Ito ang ganti nila sa pagtulong mo sa kanila noon para maka-graduate.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang pagiging mabuting ama ay ehemplo sa kanilang mga anak at pamayanan. Ganyan ka. Pati na rin ang iyong mga anak. Kaya, makatatanggap ka ng parangal para rito.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag kumain ng kumain bago matulog. Makasasama ito sa iyo. Para iwas sleep paralysis. Iwasang mag-isip ng mga negatibong bagay na nangyari noong nakalipas. Sa halip, makipag-bonding sa masayahing mga kaibigan.

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mahaba raw ang baba mo pero nakukyutan siya sa iyo. I-reverse psychology mo ang pambubuska ng isa sa ka-officemate mong lalaki. Sa halip na maasar ka, matuwa ka. Kasi, ang totoo, may gusto siya sa iyo. Nagpapansin lang ‘yun.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mahaba ang iyong pisi o pasensya. Kaya mainam ito upang hindi ka masadlak sa gulo. Ang taong laging nang-aasar sa iyo ay magiging kaibigan mo. At ang nakagugulat pa, siya na ang magtatanggol sa iyo.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Pagmalasakitan ang mga kaanak na kapos sa ngayon dahil sa pandemya. Alalahanin mo ang mga panahong kapos kayo. Na sila ang nilalapitan ng iyong mga magulang noon para mayroon kang baon at pambayad ng matrikula. May bahagi sila sa iyong tagumpay sa ngayon. Kaya huwag silang pagdamutan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Relaks ka lang. ‘Yung babaeng asar sa iyo e hindi talaga asar. Kunwari may problema sa reference code sa isang remittance center na kukuhanan mo ng pera. Pero ang totoo, wala naman. Gusto ka lang niyang makita ng matagal.


  •  
  •  
  •