HOROSCOPE JULY 19, 2021

HOROSCOPE JULY 19, 2021

July 19, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kung ‘di mo na kayang makipag-long distance relationship, tigilan mo na. Kung mahal mo siya, ikaw mismo ang lumapit o pumunta sa kinaroroonan niya. Kasi, siya lang naman ang nag-e-effort para maging matatag ang inyong relasyon. Kaya, ikaw naman ang kumilos para matuwa ang iyong kasintahan.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Madaya ang timbangan ng iba, sakto lang ang sa iyo. Kaya pinagpapala ang inyong kabuhayan. Ang iyo ring pagtulong sa mga kapus-palad ang magiging susi ng mas lalo pang bubuhos na mga biyaya’t pagpalala.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Masakit man aminin, kailangang tanggapin na tumatanda ka na. Pero, kung kelan ka sumapit sa 40’s saka ka naman na inlove nang todo. Huwag mag-alala, hindi ka naman alangan sa tao o sa babaeng minamahal mo dahil baby face kang tingnan. May pag-asang maging kayo kung kikilos ka.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Masyado mong napababayaan ang iyong lovelife. Kailangan mo rin ng inspirasyon para lalo ka pang ganahan sa iyong ginagawa. Naghihintay lang sa tabi ang taong magmamahal sa iyo. Huwag sayangin ang pagkakataong ito.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang iyong paghihiganti ay walang maidudulot na maganda. Ang pagsara ng pintuan at komunikasyon sa mga kaibigan at mga kaanak na nagdulot ng hapis sa iyo ay kalimutan na. Patawarin mo sila at pagpapalain ka. Babawi sila sa iyo at gaganti ng kabutihan sa utang na loob nila noon.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Okay ang maraming raket at trabaho. Pero, isaalang-alang mo rin ang katawan at kalusugan mo. Ingatan ito. Magpahinga kapag ‘di oras ng trabaho. Papaano ka magiging productive kung masama ang pakiramdam mo? Balansehin mo lang ang lahat.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi man ngayon, pero malapit mo nang maabot ang magandang bukas. Ang pagtatagumpay sa iyong proyekto. Kapag dumating ito, makalilimutan mong lahat ng kabiguang dinanas noon.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Oo nga’t pretty ka. Pero, bakit ayaw sa iyo ng iba? Bakit ang kasamahan n’yo sa work ang gusto ng guys? Kasi, nakabusangot kang lagi. Baguhin mo ang iyong image. Be cheerful. Para malaman din nila na bukod sa maganda ka na, kalog pa.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag mong sayangin ang pagkakataon at panahon. Makukulayan mo pa ang iyong mundo kung tatanggapin mo ang mga bagong oportunidad. Huwag ka nang magmukmok. Hindi lahat ng tao ay hinuhusgahan ka ng negatibo.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magpasalamat agad sa nasa itaas kapag nakatatanggap ka ng mga biyaya. ‘Yan ang susi sa patuloy mong pag-asenso at pag-unlad. Huwag ding kalilimutang pasalamatan ang mga taong tumulong sa iyo upang makaahon ka sa lusak.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Madilim man ang iyong pinagdaanan, may liwanag sa dulo ng daan. Huwag mawalan ng pag-asa. Matatapos na ang iyong pagdurusa. Panahon mo na ngayon. Kaya, magalak ka at magdiwang.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Patuloy kang magtatagumpay kung lagi kang maging mapagpakumbaba. Tinitingala ka ng iyong kapwa at tinutuluran nila ang iyong mabuting gawa.


  •  
  •  
  •