HOROSCOPE JULY 19, 2022

HOROSCOPE JULY 19, 2022

July 19, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Makatatanggap ng isang magandang balita tungkol sa proposal mo sa isang kompanya. Gayunman, huwag mo muna itong ipagkakalat kahit sa iyong pamilya. Sa gayun ay hindi mabulilyaso ang gagawing proyekto. Makabubuting ipahinga rin ang katawan dahil sa nakapapagod na nagdaang linggo. Sa gayun ay marelaks ka at makapag-isip pa ng bagong ideya.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi sagot sa isang gusot ang pakikisusog pa sa diskusyon laban sa isang taong ‘di nakaunawaan ng isa mong kaibigan. Umiwas ka sa kanilang mainitang pagtatalo kung may kakampihan ka sa kanilang dalawa; kahit na alam mo kung sino o hindi sa kanila ang tama. Ingatan mo muna sa ngayon ang sarili mong interes dahil makabubuti ito sa iyo at sa lahat.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Makinig ka sa mga babala ng iyong kaopisina tungkol sa iyong pakikipagmabutihan sa isang bagong katrabaho. Kapakanan lang nila ang iniisip mo sa kabila na nahuhumaling ang iyong puso. Tapusin mo ang mga nakabinbing papeles at dokumento upang makasama ka sa ilang okasyong pangkasiyahan ng iyong mga kaanak.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Susuwertihin ka rin kahit na may ibang taong bumubulong-bulong na gusto kang bumagsak o manatiling payak na lamang ang pamumuhay. May magtatanggol at mag-aahon sa iyo sa kagipitan. Tandaan mo ang mga taong nag-turn down sa iyo at iwasan mo sila. Ang iyong tagumpay ang magsisilbing ganti at tila sampal sa kanilang pagmumukha.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Dahan-dahan lang sa pagrerelaks at baka mahuli ka na. Sa halip, mag-focus ka sa trabaho upang maging produktibo at ma-promote pa. Magiging masaya ka kahit kaunti lang muna ang nasa iyo. Sa susunod na araw ay may paparating nang biyaya.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Iwasang magkapagod dahil may iniinda kang karamdaman. Huwag mong akuin lahat ng gawain sa bahay kahit maluwag pa ito sa iyong kalooban. Hayaan mo ang mga kaanak ang magtapos ng nakabinbing trabaho. Masisiyahan ka rin dahil malapit nang matapos ang minimithi mo kaugnay sa pinapaayos na bahay.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Turuan mo ang ibang empleyado ng kasanayan upang may katuwang ka sa pagsasaayos at pagtapos ng mga gawain. Hindi mo kakayaning mag-isa. Sa gayun ay maiwasan mong sumbatan sila o masumbatan ka dahil inaako mo ang tasks na dapat ay para naman sa iba. Isang proyekto ang magbibigay sa iyo ng sobrang galak sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang iyong ngiti at pagiging masayahin ang maghahatak ng buwenas para sa iyo. Kahit medyo may kamahalan ang mga bilihin, may bibili at bibili pa rin sa mga paninda mo. Mahusay kasi ang iyong sales talk at naaaliw ang mga parokyano sa pinagsasabi mo. Hindi ka man komedyante o mukhang clown, gumagaan ang pakiramdam ng mga taong nakakakita sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi naman masama ang magtungo minsan sa mga kasiyahan. Basta, huwag lang itong masagwa o mahalay. Kailangan mo rin ‘yan upang makapag-unwind at relaks. Makinig ka sa mga taong may kabuluhang kausap. Makipag-usap sa mga taong ang topic ay kapupulutan ng aral at huwag ang buhay ng ibang tao ang pinag-uusapan.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mabubuo ang araw mo dahil sa kape. Ilang lagok mo lang, kumpleto na ang araw mo dahil marerelaks ka. Masasarado mo ang appointments mo na may positibong resulta. Kaya, mainam na yayain mo ang kasuyo o ilan sa malapit na kaanak o kaibigan na magdiwang. Pwede kayong magluto para magsalo-salo dahil sa biyayang dumarating.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Masarap sa iyo minsan ang makarinig ng tsismis. Para itong LSS song sa iyong pandinig at tila honey bee na matamis kapag nadikit sa iyong bibig. Wala namang masama kung kusa mo itong naririnig habang abala sa kaperahan o trabaho. Ang hindi lang maganda ay ikaw pa ang nagtatanong para malaman mo ang latest.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi okay ang binabalak mong mag-business ng ukay-ukay ngayong taon. Hindi rin okay ang pagtitinda ng white at read meat. Mainam na may kinalaman sa butil ang iyong ititinda. Mas suwerte ka sa feeds o kaya sa pagtitinda ng cat at dog food. Marami kasing lover ng gayung hayop sa lugar n’yo.