HOROSCOPE JULY 20, 2021

HOROSCOPE JULY 20, 2021

July 20, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nice try. Pero, kulang pa. Hindi lahat ng bagay o tagumpay ay nadaraan sa madalian. Kailangang pagbutihin pa ang proyekto at eksperimento. Sa gayun, kapag nagtagumpay ka na, sunod-sunod naman ito.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  May nag-alok na madodoble ang pera mo kapag in-invest sa lalong madaling panahon. Ito ay isang panlilinlang. Walang taong magbibigay ng gayun. Gusto ng tao, laging pakabig. Kaya huwag isusugal ang pera.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Kala nila meron ka. Pero, ang totoo, wala. Wala kang tinatagong lihim kaya maging panatag. Hayaan mo silang mag-research sa buhay mo. Ang totoo, interesado lang sila sa iyo dahil misteryoso kang tao.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) May matutuklasan kang kaalaman upang pagkakitaan. Ito ay ibinigay at ipinatuklas sa iyo ng langit. Ito ay dahil sa may kabuluhan mo ginagamit ang pera at hindi sa pagpapasarap sa kalayawan.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mahimbing ang tulog ng isang payak na trabahador, kaysa sa isang negosyante na ayaw dalawin ng antok. Kaya, huwag ikahiya ang uri ng iyong trabaho dahil marangal naman. Kumikita ka pero walang tinatapakang tao.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ang pagiging mapagmasid sa paligid ay makapagbibigay ng bagong ideya sa mga proyekto. Ang malinis na kabahayan at paligid ay magdudulot sa iyo ng good vibes. Kaya, magugulat sila sa pagiging productive mo.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang pagtatanim ay hindi biro. Ganyan din ang pagtatanim ng utang na loob. Pero, alam ng langit na marunong kang tumanaw nito. Kaya, magbubukas bintana ng mga biyaya sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi ka sanay mag-isa. ‘Yun ang sabi nila. Pero, ang totoo, ayaw mo nang may kasama. Ito ay sa kadahilanang ayaw mong makita ng iba ang iyong kahinaan at kapintasan. Gayundin ka rin naman sa kanila.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magdiwang ka ngayon dahil sa paparating na suwerte at biyaya. Mapo-promote ka sa trabaho mo. Plus, maa-ice-break n’yo ng hubby mo ang ikinasang deal sa isang business.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Makulay naman talaga ang buhay. Ikaw lang ang nagsasabing hindi dahil sa mapait na karanasang sinapit mo. Matuto ring pahalagahan ang mga magagandang bagay na naranasan mo. Matutong lumapit at magpasalamat sa nasa itaas.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Talagang ang pera ngayon ay nasa online na. Kaya, ang mga itinitinda n’yo ay pwedeng ibenta sa rito. Huwag mahiya sa produktong ibebenta dahil garantisadong magugustuhan ito ng mga costumer.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Masarap ang isang dakot na biyaya kaysa sa malaking batong sumpa. Panatilihin ang kalinisan ng uri ng iyong hanapbuhay. Huwag matukso sa alok ng isang kakilala. Aanhin mo ang malaking halaga kung mapapahamak ka at masasadlak pati pamilya mo sa kahihiyan.


  •  
  •  
  •