HOROSCOPE JULY 20, 2022

HOROSCOPE JULY 20, 2022

July 20, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kung mahal mo pa siya hanggang ngayon, walang masamang ipakita at ipa-dama ito sa kanya. Maiging ipaalam mo sa kanya ang iyong kwento kung bakit kay umalis noon. Tutal para rin naman sa inyong dalawa iyon. Pero, hindi lang niya nauunawaan. Ngayong may disposisyon na ang buhay mo at may ipon na, tiyak na tataas ang tingin niya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung alam mong mali ka at wala sa katwiran, makabubuting manahimik muna. Sa gayun ay hindi magliyab ang init ng ulo ng iyong kasuyo o boss dahil sa napabayaang trabaho. Bumawi ka at gawa muna ang maging resulta bago magsalita. Ilang kontrata rin ang makukuha mula sa mga kliyente na nagtiwala sa iyo. Mabagal kang magtrabaho, pero pulido.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  May mabuting ibubunga ang iyong pagtitiwala, pagiging positibo at kinikimkim na pag-asa sa puso’t isipan. Makukuna mo na ang inaasam mong proyekto at magwawagi sa isang bidding. Bukod dito, ikatutuwa rin ang pakikipagbati sa iyo ng isang kaibigang nakatampuhan noong nakaraang NBA Finals.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Walang puwang sa iyo ang madapa at mapagharian ng lungkot at saya. Bagama’t may tampo sa mga taong nakapaligid sa iyo na sa inaasahan mo sanang tutulong sa iyo, ang kanilang pangungumusta kahit papaano ay makapagbibigay sa iyo ng gaan ng kalooban. Mula rito ay makasusumpong ka ng biyaya sa kanilang paningin at sa mata ng langit.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mabibigla ka dahil ang akala mong wala na, meron pa pala. Kala mo said na ang pera mo. Pero, nakakakita ka ng pera sa mga bagay na hindi mo na ginagamit o isinusuot gaya ng bag at coin purse. Mapagtatanto mo ring ang inaakala mong mga bagay na tapos na ay hindi pa pala. Kundi, nagsisimula pa lang ito tungo sa isang positibong pagbabago.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Kahit ano pa ang gawin mo, basta alam mong nasa tama ka at malinis ang iyong konsensya, may kaakibat itong pagpapala at pera. Ang ilang beses mo nang pagpapatunay bilang isang tapat na empleyado ang maghahatid sa iyo ng mas marami pang gantimpala at mataas na pagkilala at respeto ng iyong kapwa.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Mabait sa iyo ngayon ang tadhana at sa mga susunod pang mga araw dahil sa iyong kakaibang sigla at sipag sa trabaho. Pinagbubuti mo ang bawat oras o araw na binabayaran ka. Kaya naman, abot-kamay mo na ang hindi inaasahang promosyon. Kahit hindi mo ito tanggapin, ipipilit ito sa iyo ng iyong amo.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Napapanahon ang paglalakbay ngayon lalo na’t may kinalaman sa transaksyon. Sa ganitong sitwasyon o pagkakataon kasi mapapapayag mo ang potensyal na kliyente. Masisiyahan din sa matatanggap na pakonsuwelo ng isang kakilala na tumatanaw ng utang na loob sa iyo dahil sa natulungan mo siya noon sa oras ng kagipitan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Huwag padalos-dalos sa desisyon ngayon. Isipin muna ng pitong beses bago magpasya. Sa gayun ay makaiwas ka sa maling pagkakataon o resulta. Mapakikinabangan mo rin ang payo ng isang kaibigan tungkol sa kaperahan. Mahal ang itlog ngayon kaya mag-alaga ka ng manok o pato. Maraming parokyano ang maghahanap at bibili sa iyo nito.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang isang masamang balita ay mapapalitan ng maganda. Kaya labis kang masosorpresa rito. Ito ay dahil sa ipinihit pabaliktad ng tadhana ang talagang resulta nito. Isa ring kakilala ang biglang lalapit sa iyo na dating ‘di naman kakibuan. May iaalok siya sa iyong pagkakakitaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mahahanap ang pagkakataong muling magkrus ang landas ng iyong kasuyo na nakahiwalayan. Sa gayun ay maipaliwanag mo sa kanya ang katotohanan. Mahalagang maisagawa mo ito upang muling bumalik ang tiwala’t pagmamahal niya sa iyo. Maghahatid ng buwenas ang muli ninyong pagbabalikan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag mong masyadong maliitin ang iyong sarili dahil lamang sa mga ‘di magandang nangyayari sa iyong buhay sa mga nagdaang panahon. Tila hindi mo na kasi kilala ang iyong sarili at natatakot ka na ilabas ang tunay na ikaw. Hinihintay ng iyong mga kakilala at kaibigan ang iyong dating sigla at talent na ipakitang muli dahil ito ang iyong tanging ikinabubuhay.