HOROSCOPE JULY 21, 2022

HOROSCOPE JULY 21, 2022

July 21, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Darating at darating ang tamang tao at bagay na inilaan para sa iyo. Tatapusin na ng tadhana ang labis mong nararamdamang lungkot. Ang mga trahedya sa iyong buhay ay mapapalitan ng saya at sigla. Makabubuting makipag-bonding sa mga kamag-anak upang magbigay kayo ng lakas sa isa’t isa.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi pisikal na katangian ang nakikita mo sa kanya. Kundi, ang katangiang panloob. Isa ito sa mabuti mong katangian kaya ka nagugustuhan ng mga tao na maging kaibigan, lalo na ang taong nagkakainteres din sa iyo. Kung kaya mo pang tumulong sa abot ng iyong makakaya, gawin ito at ang langit na ang bahalang gumanti sa iyong kabutihan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Nawalan ka man ng isang pinanghahawakang bagay at oportunidad, may papalit agad na bago. Nagsara man ang pinto ay may bintanang magbubukas sa iyo para sa magandang kinabukasan. Pagbutihin mo pa ang iyong pag-aaral upang makamit ang malaking tagumpay.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Nahihirapan ka man ngayon sa sitwasyon, tutulungan at tutulungan ka ng nasa itaas. Gagamitin Niya ang mga taong malapit sa iyo o kahit hindi upang iangat ka sa iyong kinalalagayan. Ang pagpapanatili mong tahimik at maamo sa mga panahon ng pagsubok ay magbubunga ng mabuti.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Tapusin mo na agad ang mga nakabinbing trabaho sa opisina. Sa gayun, kapag nagkayayaan ang mga kasamahan mo na mamasyal ay makakasama ka. Mainam sa iyo ang paminsan-minsang pagsasaya basta ilagay lang sa tama. Makapagbibigay ito sa iyo ng ibayong lakas at sigla ng isipan.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Huwag mong pagurin ang sarili sa kakaisip lalo na ng mga negatibong bagay o mga maaaring mangyari. Makabuluhan ang pag-iisip ng positibo upang gayun din ang magiging resulta sa iyo. Ang pagdalaw ng mga malalapit na kaibigan sa iyo sa oras ng pagkakasakit at makapagbibigay ng agarang paggaling.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Maging maingat ka sa iyong pananalita at kilos. Isiping may mga taong hindi arok ang iyong mga sinasabi na may kalaliman at maaari nila itong bigyan ng negatibong kahulugan.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang iyong maigting na preparasyon at konsentrasyon sa isang sasalihan o dadaluhang pulong bilang isa sa representante ay magdudulot ng positibong resulta. Hahanga ang karamihan at gugustuhin ka nilang maging kaibigan. Magkakapera ka rin sa araw na ito dahil sa taong may utang sa iyo ang kusang magbabayad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Malabo ngayon na maging kayo, pero posibleng maging kayo. Hindi pa niya kasi kapado ang iyong ugali. Pinag-aaralan palang niya at inoobserbahan. Darating din ang oras na magugutuhan ka niya dahil sa ikaw ay taong masayahin at may disposisyon sa buhay. Kahit medyo kuripot ka, nakapagtatakang magugustuhan ka niya.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Malaki ang posibilidad na makukuha mo ang proyektong puntirya mo para sa pinapasukang kompanya. Makukuha mo rin ang tiwala ng ibang kasamahan upang tulungan kang magawa ito. Na malaki ang ipapasok na biyaya para sa iyo at para sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi lahat ng inaasahan sa iyo na ipinangako mo ay matutupad mo. Dahil ang iba ay posibleng matupad at hindi mo na ito kasalanan. Masyado lang silang assuming sa iyo kahit pabiro lang ang iyong mga sinabi. Bigyan ng pagkakataon ang iyong puso na umibig dahil makapagbibigay ito sa iyo ng kasiyahan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Walang mawawala kung susubukan mong gawin ang isang bagay na iyong kinatatakutan. At sa hindi mo inaasahan, magtataka ka kung papaano mo ito nagawa. Isang tawag ang iyong matatangap na makapagbibigay sa iyo ng sobrang galak. Iwasan din ang sobrang pagpupuyat upang nasa kondisyon ka kapag ginawa ang iyong tungkulin.