HOROSCOPE JULY 22, 2022

HOROSCOPE JULY 22, 2022

July 22, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Huwag mong isipin ang mapait na karanasan noong nakaraang taon dahil sa pandemya. Muling magbabalik ang iyong sigla at tuwa dahil sa magandang kapalarang sasapit sa iyo ngayong buwan.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Maaayos ang hindi n’yo pagkakasundo ng iyong kabiyak. Simpleng ‘di pagkakaunawaan lamang iyan. Huwag nang palalain. Kung kaya mong ibaba ang iyong pride, maiging mauna ka na para maayos na ang tampuhan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. Kaya, mag-focus ka sa bagong bagay. Pakinggan ang mabuting payo ng isang nakatatanda tungkol sa balak mong lumagay sa tahimik.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Matatapos na ang iyong pagdurusa. Unti-unti nang nagliliwanag ang iyong career. Muli kang ilalagay ng Maykapal sa itaas. Basta, manatiling mababa ang loob.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Walang lihim na hindi mabubunyag. Malalantad sa iba ang iyong mabuting ginagawa. Kaya, mag-iiba na ang tingin ng iyong kapwa sa iyo. Mali kasi ang kanilang hinagap sa iyong pagkatao.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Matutong mag-impok kapag malaki ang income. Hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap. Sa gayun ay mayroon kang madudukot sa oras ng pangangailangan.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Isang mabuting balita ang matatanggap mula sa isang kaibigan. Ito ay may kinalaman sa trabaho na matagal mo nang dinadalangin sa Maykapal.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Paigihin ang talentong ipinagkaloob sa iyo ng Maykapal. Huwag masiraan ng loob. Huwag makinig sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga, mayroong mga taong sumusuporta sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag mabahala sa mga nangyayaring negatibo sa iyong buhay. May kasabihan nga, there’s a light at the end of the tunnel. Huwag mawalan ng pag-asa. Magugulat ka na lang sa biglang pagbabago sa iyong buhay. Kaya, smile lang lagi.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Ipagpatuloy ang nasimulang gawain sa gitna ng pandemya. Magbubunga ito ng maganda. Isang dating kaibigan din ang magpaparamdam sa iyo na matagal nang hindi mo nakakausap.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Patawarin mo na ang taong nagkasala sa iyo. Sa gayun ay makapag-move on ka na. Malaki ang magagawa nito sa pagpapalang darating sa iyong buhay.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maganda ang naisipan mong isugal ang puhunan sa online business. Tiyak na magtatagumpay ka. Ang kailangan lamang ay matuto kang magtiwala sa mga tao nasa iyong paligid.