HOROSCOPE JULY 27, 2022

HOROSCOPE JULY 27, 2022

July 27, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag kang mabahala sa mangyayari bukas o sa mga susunod na araw. Dahil batid mo namang may solusyon ‘yan gaya ng dati. Huwag ka ring maglalagay ng problema sa bawat solusyon gayung solusyon na ito. Huwag mong gayahin ang iba na nagpapanggap lang na problemadong masyado gayung hindi naman.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Huwag kang makisawsaw sa paninira ng iyong kaibigan sa isang kaibigan n’yo na kanyang nakatampuhan. Maaaring naghahanap lang siya ng kakampi. Kahit may kasiraan ang isa, huwag mo itong babanggitin sa kanya. Dahil kapag nagkabati sila at kayo naman ang nagkatampuhan, ikaw naman ang iba-bad mouth niya rito at sa ibang tao.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kung lata ang iyong katawan, huwag mong ipilit na tapusin ang gawain, lalo na’t malayo pa naman sa deadline. Unahin mo na lang ang malapit na sa deadline para magawa mo pa ang iba mong piyesa na pinagkakakitaan kahit pautay-utay lang. Sa gayun ay parang ilog na patuloy sa pag-agos ang mga biyaya.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasang magkalat ng tsismis kahit ito ay totoo. Ito ay isang pangit na kaugalian. Huwag kang gumaya sa iyong kapitbahay na kaibigan na kaaliwan ang pagiging Marites. Sa halip magkuwento ka na lang ng ibang bagay para kapulutan ng aral. May maghahatid pa sa iyo ng meryenda. Gumawa ka ng vlog kaugnay sa mga nalalaman mong misteryo sa mundo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Ang makabuluhang paggawa na makapagbibigay saya sa iyo ay mainam at makabubuti sa kalusugan. Maganda na ayusin ang hardin, magdilig ng halaman o kaya ay gumawa at maglinis ng dekorasyon sa bahay. Pwede mong pagkakitaan ang hobby mo habang naglilibang.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kusang papasok sa iyo ang mainam na kalusugan at salapi kung itutuloy ang pagiging maalab sa paggawa hinggil sa socio-civic activities. Magiging maamo sa iyo ang grasya at pagpapala dahil hindi ka mapag-imbot na tao at hindi kurakot.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Sa tagal ng panahong ‘di kayo nagkita ng mukhaan, magagalak ka sa muli ninyong pagkikita ng iyong matalik na kaibigan. May pakonsuwelo siyang ibibigay sa iyo dahil sa nagawa mong tulong noon sa kanya. Maging ito man ay pera o serbisyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Gamitin mo ang iyong pisikal na kakayahan para makaakit ng mga parokyano sa iyong resto at vlog. Malakas ang karisma mo at maaaring maging social media influencer. Darami ang bibili sa iyo at pwedeng maging followers at subscribers. Kaya, maging magiliw sa lahat ng sandali.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mong isiping hindi mo na kaya ang mga kinakaharap na sitwasyon. Makakaya mo ‘yan at malalampasan sa tulong ng mga taong malapit at sumusuporta sa iyo. Makatatanggap ka rin ng isang proyektong magpapapasok sa iyo ng malaking grasya.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mainam sa iyo ang manatiling panatag at relaks sa kabila ng kinahaharap na gusot. Gusot na hindi ikaw ang may gawa at nadamay ka lang. Sa bandang huli, malalaman ng boss mo na inosente ka at itatas niya ang iyong posisyon.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) May taong nais kang sumpain at hinihiling na tuluyan kang bumagsak sa iyong hirap na kondisyon. Gayunman, kokontrahin ito ng tadhana at ng langit. Ang taong humahamak sa iyo ngayon ay siyang babagsak. Ikaw naman ang iaangat. Ito ay dahil sa nananatili kang mahinahon sa kabila ng lahat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Isang kaibigan ang mag-aalok sa iyo ng uutanging puhunan sa negosyo. Ga-yunman, huwag mo itong kakagatin dahil wala ka pang pondong pambayad. Umutang ka lamang ng halagang tiyak mong mababayaran para ‘di ka masira sa iyong uutangan.