HOROSCOPE JULY 31, 2020

HOROSCOPE JULY 31, 2020

July 31, 2020 @ 7:00 AM 4 days ago

Share

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Dapat matutong tumanggap ng mga bagong ideya at suhestyon sa mga kaibigan o kapamilya. Mapapagtanto sa araw na ito na kailangang palawakin ang koneksyon sa nililinyahang hanapbuhay upang umunlad.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Sa pangingibabaw ng positibong isipan, makahahanap ng solusyon sa pinapasang problema. Makabubuti sa interes ng buong pamilya ang pag-iisip at paghahanap ng ekstrang pagkakakitaan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Ang talas ng isipan ay mapakikinabangan sa pagpasok ng bagong pagkakakitaan. Huwag magdalawang isip na tumulong sa mga taong magpaparamdan ng saklolo sa araw na ito.

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magiging mahalaga sa araw na ito ang pagdalo sa isang pagtitipon dahil makatatagpo ng isang bagong kaibigan na maaaring makatulong sa career o negosyo. Sa mga walang asawa, ito ang tulay sa panibagong ikasisigla ng puso.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kailangang maglaan ng mahabang pasensya sa isang kasamahan sa trabaho na makasasalungat ng ideya o plano sa araw na ito. Sa mga may asawa, mahihirapang mapaligaya ang minamahal kung hindi malulutas ang problema sa pananalapi.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag mag-invest ng puhunan sa isang negosyo o kasunduan kung hindi lubusang kilala ang pagkatao ng katransaksyon. Pumapabor ngayon ang mga pagkakataon upang magkaroon ng masayang karanasan sa pag-ibig.

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —Sa larangan ng pag-ibig, mahalagang sundin kung ano ang isinisigaw ng puso o damdamin. Umaayon ang galaw ng mga bituin upang maging mabuting instrumento ng pagpapatatag ng relasyon sa mga kapamilya.

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ang panahon ay umaayon sa binabalak na pagnenegosyo o pagkakaroon ng proyektong pangkabuhayan. Malalagay ang sarili sa isang alanganing sitwasyon dahil sa pagiging mapusok o mapangahas ng kaibigan o minamahal.

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mapakokondisyon ngayon ang isipan at damdamin para sa darating na magandang kapalaran sa mga susunod na araw. Ang hinihintay na pagkakaperahan ay maaaring maantala kaya dapat munang gumawa ng mga paraan.

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Dapat makuntento sa kasalukuyang trabaho kung walang ibang mapapasukan o mapagkakakitaan. Ang taglay na talento kung lalakipan ng sipag at tiyaga ay hindi masasayang dahil ito ang magiging daan sa hinahangad na tagumpay.

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Isang matalik na kaibigan ang makatutulong sa problemang may kaugnayan sa usapin ng puso. Ang matagal nang inaasam na kaligayahan ay mangyayari sa malapit na hinaharap sa panahong hindi inaasahan.

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Umiwas ngayon sa mga usap-usapan na karaniwang nagiging ugat ng pakikipag-alitan. Dapat maging mahinahon at madiplomasya sa pakikitungo sa mga kasamahan sa hanapbuhay na maiinggitin at may makating dila.

 

 

Share

Comments (4)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...