HOROSCOPE JULY 5, 2022

HOROSCOPE JULY 5, 2022

July 5, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Dumistansya sa mga kaibigang alam mong magbibigay sa iyo ng masamang impluwensya. Baka ka madamay sa kanilang mga problema lalo na ang mga utangero’t utangera. Pero, ‘di naman nagbabayad. Tsekin ang mga naipon mong barya sa nakalipas na 2 taon. Baka makabili na iyon ng bagong aircon.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Makatutulong sa kaibigan ang iyong pakikinig sa kanilang mga suliranin. Gabayan siya sa pinakakritikal na yugto ng kanyang buhay. Makatutulong din siya sa iyo sa ibang paraan lalo na sa pinansyal. Kasi, ibang problema naman ang kanyang dinadala. Kung uutang ka, epektib ang pagsasabing, bro, mare, d’yan ka muna, bili lang ako ng meryenda. Sa gayun, siya na ang huhugot ng pera sa pitaka n’ya.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Maging matapang sa pagharap sa mga taong pilit kang hinihila pababa. Nararapat ding magtiwala sa sariling kakayahan na ibinigay ng nasa Itaas, kaakibat ang labis na pagtitiwala sa Kanya. Panahon na para ikaw naman ang nasa itaas dahil matagal ka nang nasa ibaba.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magaan ang pagdadala ng trabaho kahit na kung tutuusi’y para ito sa dalawang trabaho. May inspirasyon na nagtutulak sa iyong maging mas masipag at ganado. May mapupulot kang sugatang puso na may gusto sa iyo. Pero, mapupulot niya naman ang pagtingin mo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Nararapat na matutong ibahagi ang kaalaman sa iyong kasama sa trabaho. Sa ganitong paraan mapatataas ang kanilang produktibilidad, magiging magaan at madali ang pagtapos sa tasks. Huwag mo lang ibahagi muna ang iba mong kalaaman gaya ng papaano paamuhin ang tsiks sa suplada pero mapera.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Magiging paborable sa iyo ang isinagawang paghahati-hati ng mga ari-arian ng mga yumaong kaanak. Sa iyo mapupunta ang pinakakamalaking bahagi dahil ikaw ang karapat-dapat. Magiging dahilan na rin ito upang hindi maghikahos ang iyong mga kamag-anak at magiging maligaya ang inyong buhay.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mapapayapa lamang ang kalooban at isipan kung maibabalik sa may-ari ang kanyang mamahaling gamit na iyong napulot at itinago. Alamin mo kung sino siya at kung saan makikita batay sa mga papeles at impormasyon na naiwan sa iyo. Magdudulot ito sa iyo ng suwerte at pagkakaroon ng magandang buhay.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — May romansang maaaring mabuo sa loob ng apat na sulok ng opisina. Dahil kapwa n’yo tipo ang isa’t isa, magiging mabilis ang pagliligawan. Pero, huwag munang mahulog sa tukso dahil hindi pa hinog ang inyong isipan. Gawing inspirasyon ang bawat isa upang paunlarin pa ang sarili at inyong kinabukasan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Itinalaga kang mamuno sa may mataas na ranggo sa buhay, kaya ito rin ang nagsasabing mas mataas ang personalidad mo sa karaniwang tao. Gayunman, manatili kang nakatapak sa lupa para ‘di magtampo ang biyaya. May paparating na isang balita na magdudulot sa iyo ng saya.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Makaririnig ka ng kritisismo sa loob ng inyong opisina. Pero, ipagtatanggol ka ng mga taong malapit sa iyo. Alam nilang hindi mo kinain ang isang buong cake na nasa ref dahil hindi ka naman mahilig sa matatamis na pagkain. Dahil sa mali ang iba, hihingi sila ng pasensya at magbibigay ng pambili ng meryenda.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang pagkakaroon ng sariling kabuhayan ang sagot sa madalas na problema sa trabaho. Makakaroon ka ng istabilidad kung ikaw mismo ang boss. Hawak mo pa ang oras kaya marami ka pang magagawa gaya ng pagba-vlog. Pero, bawal ang utang kahit na sitsirya sa sarili mong store. Para iwas sa mga umuutang, ilagay mo sa karatula sa tapat ng iyong tindahan, bawal ang utang, bukas pwede!

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magiging matagumpay sa negosyong nangangailangan makiharap sa mga kostumer. Maging agresibo ngunit kaaya-aya ang dating. Kumuha ng mga tauhang palangiti at ‘di nakabusangot ang pagmumukha. Sa gayun ay maraming parokyano ang bibili.