HOROSCOPE JULY 6, 2022

HOROSCOPE JULY 6, 2022

July 6, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magpakita ka ng suporta at malasakit ngayon sa iyong kapwa. Ipakita mo sa inyong pamayanan na may mabuting kang kalooban. Sa gayun ay magbago ang impresyon nila sa iyo. Huwag mo munang madaliin na mahulog ang loob niya sa iyo. Hayaan mo siyang ma-fall dahil siya na mismo ang magpaparamdam sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Libangin ang sarili kasama ang mga kaibigan dahil tiyak magiging masaya ka sa araw na ito. Pag-usapan n’yo rin ang maaaring magawa ninyo para sa future. Gaya ang pagtatayo o pagsi-set-up ng small o big business. Dahil ito ang mag-aangat sa inyong pagkatao at katayuan sa lipunan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Ikaw na ang gumawa ng hakbang upang bigyang solusyon ang suliraning kinakaharap ng isang kapatid o kaibigan. Kahit tungkol man ito sa aspetong pinansyal. Kung kaya mong magbigay, gawin mo at tiyak namang darating agad ang biyaya na mas doble pa sa iyong ibinigay.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kaunting tiis pa at aahon ka na sa lusak. Makulimlim man ang katayuan sa aspetong pananalapi, agad din itong maiibsan. May mga nakabinbin kang gawain o proyekto na dapat asikasuhin. Sa gayun ay makapagbigay ito sa iyo ng galak at pagmumulan din ng grasya.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ihanda ang sarili sa mahalagang isyu na tatalakayin sa inyong trabaho. May mga taong humahanga sa iyong pagiging tahimik, pero, marami pa lang nagagawa. Nagugulat kasi sila sa resulta ng iyong trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) May mga payo kang matatanggap na sadyang ikalilito mo. Kung ano ba ang susundin, isip o ang puso. Gayunman, piliin ang siyang ‘di mo gaanong gusto dahil dito ka mas liligaya. Kaysa sa gusto mo nga sasaktan ka naman bandang huli.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May darating na tagumpay at biyaya sa araw na ito at sa mga susunod pang araw. Ito ay dahil sa iyong pagiging masigasig, sipag at tiyaga na tapusin ang mga proyektong nakabinbin. Sasamahan ka rin ng mga kaibigan upang isakatuparan ang puntiryang proyektong nais matapos.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung may sarili kang business, ang tagumpay o ang paglago nito ay makapagbibigay ng kasiyahan sa mga mahal sa buhay. Kaya simulan mo na. Maging magiliw sa mga kliyente at husayan ang serbisyo. Sa gayun ay nakatuon ang tiwala nila sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ilagak sa isang siguradong puhunan ang iyong pera dahil kung sisimulan gastusin ng walang patumangga, agad itong mauubos. Kung nakararamdam ka ng bigat sa iyong tungkulin, huwag kang bibitaw. Natural lang ‘yan. Kailangan mo ng tulong ng iyong mga kasamahan. Huwag kang mag-atubiling lumapit dahil hindi ka mabibigo.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Ito ang tamang panahon upang isakatuparan ang matagal nang binabalak. Mag-isip din ng mabuti bago tanggapin ang inilalapit sa iyo ng isang kaibigan. Huwag mo munang galawin ang iyong ipon para bilhin ang matagal mo nang gusto. Palipasin pa muna ang tatlong buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag kang matakot sa mga hamon ng buhay na kahaharapin ngayon. Mas magiging romantiko at matibay ang pagsasama ninyo ng minamahal kung marunong magtiwala sa isa’t isa. Isang paanyaya sa isang kakilala ang iyong matatanggap. Daluhan ito upang maging masaya ka.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang suliranin ng pamilya ay may kalutasan. Kung pagtutuunan ng pansin, muling manunumbalik ang harmony sa inyong tahanan. Isang kaanak ang maghahatid sa iyo ng mabuting balita kaugnay sa usaping pinansyal.