HOROSCOPE JULY 7, 2021

HOROSCOPE JULY 7, 2021

July 7, 2021 @ 7:00 AM 1 year ago


 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wala ka ngayong magagawa para pagtakpan ang pagkakamali ng isang tapat na kaibigan. Mabubunyag na ang kanyang lihim. Hindi mo kasalanan na isa ka sa instrumento para maihayag iyon. Pero, dahil du’n, mapabubuti siya at ikaw. Patatawarin kayo ng boss n’yo.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Dumating na ang oras upang magpaalam ka sa iyong mga kaibigan at mga kaanak. Magtutungo ka na kasi sa ibang bansa upang magtrabaho. Huwag malungkot, dahil nagsisimula pa lang ng bagong kabanata ng iyong buhay.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Magpasalamat sa taong pinagkakautangan mo ng loob. Kung hindi dahil sa kanya, wala ka sa kinaroroonan mo ngayon. Bilang ganti, tumulong ka rin naman ng walang hinihinging kapalit. Nakikita ng langit ang iyong ginagawa. Kaya, lalo kang pagpapalain.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Noong mga nagdaang panahon, ikaw ang tumutulong sa gipit mong mga kaibigan. Ngayong ikaw naman ang gipit, tutulungan ka rin nila. Ito ang bunga ng itinamim mong kabutihan at pagiging mapagbigay.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mas mabuti na ‘yung manahimik na may ibubuga kaysa sa maingay na wala namang pera. Simple ka lang kasi. Pero, ‘di ka kinakapos. Sampal sa mukha ng mga taong humahamak sa iyo ang iyong tagumpay.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Itinutuwid mo ang pagkakamali ng iba kaya naiinis sila sa iyo. Pero, nagmamalasakit ka lang. Gayunman, mapagtatanto nila na para sa ikabubuti nila ang iyong ginagawa. Kaya, masasabi nila, worth kang maging kaibigan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Matitiis mo ngayon na mawalay sa iyong kasintahan. Pero, mararamdaman mong mangungulila ka. Tiisin mo lang dahil pinag-iipunan mo at pinaghahandaan ang inyong pagpapakasal, 2 taon mula ngayon.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi kalugihan na magbigay ng way para sa iba. May napatunayan ka na. Kailangan mo ng katuwang sa mahihirap at maraming tasks sa work. Mabuti kang team lider kaya huwag mong solohin. Mas gagaan ang trabaho at matatapos kaagad kapag may katulong ka.



 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nasa iyo ang pagpapasya kung mananatili ka sa comfort zone mo o hindi. Kailangan mong tanggapin na dahil sa pandemic ay mahirap sa kagaya mo ang makaalpas ngayon. Kinakapos ka. Dapat sumubok ka ng ibang way para kumita. Pero, hindi ibig sabihin ay iiwanan mo na ang minahal mong propesyon.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang balitang makararating sa iyo ay negatibo. Pero, magugulat ka na may positibo itong resulta. In short, kapag may nagsarang pinto, may bintanang bubukas para sa iyo. Kaya, manatiling positibo.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mali ang impresyon ng ibang tao sa iyo na ikaw ay isang maangas at mayabang. Problema na nila iyon. Hindi nila nauunawaan ang iyong culture. Pero, sa oras na makilala ka nila at maging kaibigan, saka nila masasabing mabait ka pala at may takot sa Diyos.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tatagan mo ang iyong loob sa mga darating na araw. Susubukin ang tatag ng pagmamahalan n’yo ng iyong kabiyak o kasintahan. Pero, buwenas ka naman sa pera. Sa buhay kasi na ito, may kapalit ang bawat natatanggap sa buhay. Pero, pwede naman baliin ang ganitong jinx ng buhay.