HOROSCOPE JULY 7, 2022

HOROSCOPE JULY 7, 2022

July 7, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Sa pagbabago ng panahon ay matutuklasan na marami rin ang kailangang baguhin sa istilo ng paghahanapbuhay. Hindi dapat mag-concentrate lamang sa kinahihiligang larangan kung walang nakikitang pag-asenso.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mahigpit kang binabantayan ng iyong ka-partner dahil sa selos. Kaya doblehin ang pag-iingat. Palibhasa ang guwapo mo kaya sori ka. Kung may appointment, isama mo ang iyong kasintahan para maiwasan ang mala-armalite na bunganga bunga ng pagdududa. Kapag nakita siya ng boss mo, matutuwa ito sa kanya. Bibigyan pa kayo ng pera hindi pa man n’yo ito kinukuhang ninong sa kasal.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Mahalin mo muna ang iyong sarili. Sa iyo muna ang niluto mong nilaga at kare-kare. Kaya ka payat dahil ang tatakaw ng mga kaibigan at kaanak mo. Samakatuwid. Unahin mo muna ang para sa sarili mo kaysa sa isipin ang kailangan ng ibang tao. Hindi ka charity institution para lapitan nila lagi. May pangangailangan at gastusin ka rin sa araw-araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Natatakot kang magbukas ng mensahe sa social media dahil sa mga iniiwasang message ng mga kakilala at kaibigan. Na baka sila ay uutang o hihingi ng pabor. Mainam na huwag ka munang mag-online. Asikasuhin mo na lang ang pinagkakaabalahan mo at kikita ka pa.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag mong kalilimutan ang pangakong iingatan ang mga bagay na ipinagkatiwala sa iyo. Huwag mong ipahihiram at itago ito para ‘di makita. May gantimpalang kapalit ito kapag kinuha na sa iyo ng may-ari. Maaaring pera o regalo. Iwasan din ang sobrang matatabang pagkain. Huwag mong ipagpalit ang laman sa taba para ulamin.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Mapagmahal at maalalahanin ka. Pero, napakaigsi ng iyong pasensya. Huwag isipin ang pagkabigo. Ang mahalaga ay sinubukan mo ang lahat ng iyong makakaya. Baka ang inaakala mong wala na ay baka siya pa ang magbigay ng tagumpay sa iyo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag maging makasarili. Kaya mo bang ubusin ang dalawang gallon ng ice cream? Huwag ganu’n baka mangilo at sumakit ang iyong ngipin. May pakinabang ang pagiging mahilig mo sa pagluluto ng bitso-bitso at kalamay-hati. Ibenta mo ito sa mga kasamahan mo sa trabaho at kikita ka ng paldo. Pero, huwag kang papayag na pwede ang utang. Baka kasi lagnatin ka at hindi makatulog.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magtatampo ang iyong minamahal kung ‘di mo tutuparin ang ipinangako mo sa kanya. Yaman din lamang na sinabi mong ikaw ang sasagot sa installation ng internet nila para makapanood siya ng palabas sa Netflix, tuparin mo. Sa gayun at tuparin niya rin ang pangako niya sa iyo na bilhan ka ng bagong pantalon at polo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag mong sayangin ang oras sa walang mga kabuluhang bagay. Libangin ang sarili habang kumikita gaya ng pagbabantay sa inyong pet shop. Makikilala mo pa ang taong magpapatibok sa iyong puso. Ang sign, bibili siya sa inyo ng kuneho at dalawang gold fish.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mong gayahin ang mga kasamahan mo. Unahin mo ang mas kailangan na bagay kaysa sa luho. Sa gayun ay hindi ka mabaon sa utang gaya nila. Maging mapagpakumbaba at magtiis muna sa ngayon. Kapag dumating ang malaking biyaya, saka mo bilhin ang nais mo na makapagbibigay ng saya sa iyong sarili dahil motibasyon iyon para lalo kang magsikap sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang pride ang magiging hadlang sa iyong progreso. Kaya sikaping baguhin ito. Huwag kang maging choosy sa trabaho. Magbabago ang iyong kapalaran sa oras na tanggapin mo ang isang alok ng mapagkakatiwalaang tao o kaibigan. Suwagin mo ang oportunidad na ito dahil para ito sa iyo at sa positibong pagbabago.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Mag-ingat dahil magkakaroon ng balakid ang pinaplanong transaksyon o negosyo. Kung may kasosyo ka rito, dapat mag-ingat dahil baka magkaroon ng mainitang pagtatalo bunga ng kapalpakan o kapabayaan. Kung kaya mo rin lang tumayong mag-isa o magpatakbo ng business, gawin mo para wala kang iisipin at ang biyaya ay bukod tanging sa iyo.