HOROSCOPE JULY 8, 2021

HOROSCOPE JULY 8, 2021

July 8, 2021 @ 7:00 AM 1 year ago


 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nasa tamang landas ng suwerte kaya ipagpatuloy ang mga aktibidad na may kaugnayan sa paghahanapbuhay. Kung likas ang angking talino, malalantad ito kahit hindi ipagyabang.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Matutuon ang isipan sa maraming mahahalagang pagbabago na gustong maisagawa pero hindi agad maisasakatuparan. Mapatutunayan ngayon na totoo ang kasabihan na “kung sadyang ukol ay bubukol.”

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Malalampasan ang mga pagsubok sa career o negosyo dahil sa pagmamahal sa trabaho. Isang kaibigan o kamag-anak ang maaaring makasamaan ng loob dahil sa pananalapi.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ang araw na ito ay magiging inspirasyon sa loob ng tahanan. Maaaring makalalasap ng malaking kaligayahan sa pag-ibig kundi paiiralin ang “tulak ng bibig, kabig ng dibdib.”



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May nakaambang kalungkutan pero mapagtatagumpayan dahil sa magagandang pananaw sa buhay. Makikita ang magandang bunga ng pagtitipid at pag-iimpok.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Maaaring maging magulo ngayon ang isipan at mawalan ng konsentrasyon sa trabaho dahil sa problema. May darating na magandang kapalaran sa usapin ng pananalapi sa susunod na araw.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magiging masaya ang araw sa piling ng mga kaibigan kung ‘di hahaluan ng inuman o kalayawan. Dapat magtaglay ng malakas na karakter upang makaagapay sa mga mapagbirong kasamahan.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magiging problema sa araw na ito ang pagiging mahiyain upang magtagumpay sa mga suliranin. May magandang bukas na darating kung babaguhin ang maling asal at pag-uugali sa paghahanapbuhay.



 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kabi-kabilang offer sa nililinyahang trabaho ang matatanggap kaya magiging abala sa mga araw na darating. Hanapan ng panahon ang nagtatampong kaibigan o minamahal.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — May magandang mapapala ang kusang palo sa trabaho dahil malaki ang pag-asang ma-promote sa puwesto. Kung may sariling negosyo, mangangailangan ng lakas ng loob upang makamit ang inaasam na pag-asenso.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Magiging malaking hamon sa buhay ang pag-uukol ng lihim na pag-ibig sa isang kasamahan sa trabaho. Ang magandang pakikipagrelasyon sa sariling tahanan ay may magandang bunga.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Walang masyadong pagkakaabalahan sa araw na ito pero may darating na mga panauhin na hindi inaasahan. Mas mapalad ang nagbibigay kaysa tumanggap kaya hindi dapat magkait ng tulong sa nangangailangan.