HOROSCOPE JULY 8, 2022

HOROSCOPE JULY 8, 2022

July 8, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Medyo hectic ang iskedyul mo dahil sa hinahabol na deadline. Kaya, nakakailang tasa ka ng kape. Medyo dahan-dahan lang. Kala mo kasi, magiging gising ka o nasa kondisyon ka kapag nakakainom ng kape. Pero, baliktad ang katawan mo. Aantukin ka.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ihanda ang sarili sa isang mas mabibigat na gampanin sa trabaho. Kasi naman, puro nanghihina ang mga kasamahan mo after na mabakunahan. Side effect daw. Kaya, sa iyo ia-assign ng amo n’yo ang task. Huwag kang mabahala dahil kayang-kaya mong gawin at tapusin iyon. At pagkatapos nu’n, mapo-promote ka sa position.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Hayaan mo silang magdadadakdak tungkol sa iyo. Wala naman kasi silang alam. Lagi kang laman o topic ng usapan nila. Hindi mo sila kasi pinapansin. Tama lang na hindi mo binibigyan ang ilang tao sa paligid ng atensyon. Kasi, mga wala silang disposisyon sa buhay. Baka maimpluwensyahan ka lang nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Makararamdam ka ng pananakit ng katawan dahil sa sobra mong pagtatrabaho at pag-iisip. Alalay lang. Huwag pabayaan ang sarili. Sisinatin ka rin ng tatlong araw at dadalawin ka ng GF mo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag mo nang singilin ang mga taong may utang sa iyo. ‘Yan ay kung nakikita mong lulungo-lungo ang ulo nila at malamlam ang mga mata kapag nakikita ka. Walang-wala talaga sila. Kung magbabayad sila sa iyo, wala na silang kakainin o kakapusin sa budget. Mapapansin mo na lang na sunod-sunod ang mga dumarating na biyaya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Maganda, seksi at may height ang anak mong babae. Suporta-han mo ang pangarap niyang maging model o maging beauty queen. Huwag mong ipilit sa kanya ang propesyon na ayaw niya. Magiging alas ng pamilya n’yo ang anak n’yo at magdadala ito ng pagpapalang pinansyal sa mga darating na panahon.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May 20 araw ka na lang para magkaayos kayo ng iyong kasintahan. Iyan ang itinakda niyang palugit sa isipan niya para makipagbati ka sa kanya. Ibaba ang iyong pride kahit siya pa ang may pagkakamali. Sa pamamagitan nito, mapatutunayan mo sa kanya na pinatawad at talagang mahal mo siya.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Masyado kang magugulat sa malaking pagbabago ng ex mo. Kung dating manlulupa lang ang tingin mo sa kanya, ngayon ay artistahin na. Kaya, mahuhumaling ka uli sa kanya at nais mong makipagbalikan. Huwag mo itong gagawin kung sa panlabas na anyo ka lang bumabatay para magmahal. Kung talagang mahal mo siya, magbabago ka na rin at makipag-reconcile ka sa kanya. Kasi, mahal ka pa naman niya hanggang ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ok lang na kahit nagkakaedad ka na ay nangongolekta ka ng mga action figure. Wala namang masama rito kahit pinaglalaanan mo ito ng budget. Gayunman man, isang kakilala ang magkakainteres na bilhin ang isang figure. Dahil kinakapos ka na rin, pwedeng ipagbili ito. Tutal tatlong piraso naman ang collection mo nu’n.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Daig ng maagap ang masipag. Ganyan ang nangyari sa iyo at sa kaibigan mo. Kayo ang naka-close deal ng transaksyon dahil sa inyong pagiging maagap. Ngayong nasa inyo na ang oportunidad, sipagan na ninyo ang paggawa ng items. Dahil ito ang magpapasok sa inyo ng malaking pera.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Kaya lagi feeling bloated ka at masakit ang sikmura ay dahil sa dami ng kinakain mo. Hindi ka masyadong natutunawan. Dahan-dahan lang besh. Dahil d’yan, magkakasakit ka. Mga 3 days ang itatagal. Dahil d’yan, padadalhan ka ng boss mo ng extra budget at allowance. Marami rin ang mangangamusta na matagal nang ‘di nagpaparamdam sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Naiinis ka na sa kabaduyan ng BF mo. ‘E sa ‘yun ang trip niya, sakyan mo na lang. Pero, ganu’n talaga ang pagmamahal. ‘Di bale nang baduy, marami namang pera. Para magbago siya, subukan mo ring magpaka-baduy. Magsuot ka ng orange na t-shirt at dilaw na pantalon. Tapos ‘yung sapatos mo, green.