HOROSCOPE JULY 9, 2021

HOROSCOPE JULY 9, 2021

July 9, 2021 @ 7:00 AM 1 year ago


 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kailangan mo rin talaga ng extreme make-over. Kasi, na-haggard ka dahil sa pandemya. Kailangan mo ito para manatiling mainit ang inyong romance ng iyong mister. Isang good news din ang matatanggap sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang iyong maalab at malaking pananampalataya ang magbibigay sa iyo ng biyaya. Walang imposible. Anoman ang iyong hilingin ay magkakaroon ng katuparan. Ikaw kasi ay lumalakad ng matuwid sa mata ng langit.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Magiging masaya ka na sa darating na araw. Muling mabubuo ang iyong pamilya. Babalik ang iyong alibughang anak na matagumpay na bilang manager ng isang firm. Siya ang gagastos sa pagpapagamot sa iyong karamdaman.

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Hiniling mo ang mga biyaya at darating ito sa iyo. Pero, matatambakan ka ng trabaho. Mas mabuti na ‘yung may pinagkakaabalahan kaysa sa wala. Kaya, balewala sa iyo ang mapagod dahil may katumbas na biyaya ang bawat pagpatak ng iyong pawis.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag mabuburyong sa iyong mga costumer na nagmamadaling mai-serve ang kanilang orders. Atat lang kasi sila at sabik makakain sa inyong tapsihan. Masarap ang luto at ayos ang gimik mo kaya darami pa ang mga parokyano.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) ‘Di ka makapaniwala na ang isang bagay na akala mo’y ‘di uukol sa iyo, bubukol pala. Karapat-dapat ka sa gantimpala dahil isa kang taong tapat. Napag-aaralan naman ang isang kasanayan. Kaya, tanggapin mo ang promosyon mo sa trabaho.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Strict ang parents mo. Kaya ka naiinis. Actually, protective lang sila sa iyo. May tiwala sila sa iyo pero walang tiwala sa paligid mo. Huwag kang mag-aalala, ipasusundo ka nila sa work mo kapag uwian na sa taong pinagkakatiwalaan nila. At ang taong iyon ay ang prince charming mo.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kahit ikaw ay isang balot vendor lang, ipinagmamalaki ka ng mga anak at mga kaibigan mo. May susubok sa iyong katapatan. Maging matatag. Makapupulot ka ang maleta at isasauli mo sa may-ari. Dito na magbabago ang payak n’yong pamumuhay.



 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tunay na masarap muling maging bata. Pero, hindi na maibabalik ang mga nakaraan. Nagsisisi ka dahil dinispatsa mo ang mga laruan mo noon na may value na ngayon. Hindi pa huli ang lahat, muli kang mangolekta ng mga item na makapagbibigay ng saya sa iyo. Sa gayun ay bumuti ang iyong kalusugan.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Sagrado ang kasal. Hindi ito pagkain na kapag isinubo’t napaso ka, iluluwa mo. Pag-isipan mo ng 1,000 beses bago  magpasyang lumagay sa tahimik. Kung hindi ka pa handa, better say sa fiance mo na saka na muna.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Naghihinala ka sa iyong kabiyak na mayroon siyang iba. Puwes, tsismis lang ‘yun. Kung ano-ano kasi ang sumasagi sa isipan ng mga tao dahil wala silang magawa sa buhay. Paglabahin mo na lang ng damit ang kapitbahay mong tsismosa para kumita. Mag-e-enjoy ka rin sa tsismis kapag nagsalita na siya.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kwentong barbero, ‘yan ang kwentong naririnig mo sa nakatatanda. Pero, sa siste mo, totoo ang inilahad ng isang nakatatanda sa iyo. May ginto nga sa bakanteng lote mo. Pero, ‘di literal na ginto. Kaysa sa nakatiwangwang, magtanim ka ng gulay at prutas para pagkakitaan ito balang-araw.