HOROSCOPE JUNE 1, 2022

HOROSCOPE JUNE 1, 2022

June 1, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sulitin mo ang bawat oras na kasama mo siya, ang iyong minamahal. Dahil anomang oras ay babalik na siya sa malayo. Para riin sa inyo at sa inyong mga pangarap ang kanyang gagawin.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magagalak ka sa kusang pagtulong ng iyong mga kaanak. Wala itong hinihintay na kapalit o halong panunumbat. Tumatanaw lang kasi sila ng utang na loob sa ginawa mo noon sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mahalaga ang iyong pagdalaw sa isang mahal sa buhay. Partikular sa iyong magulang. Magkakaroon sila ng lakas at sigla kapag nakita ka. Gawin mo itong regular o kahit 1 o 2 beses sa isang linggo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kung may pumapapel nang iba sa iyong boss, huwag mo munang sabayan. Hayaan mo muna siyang ilabas ang galing niya. Kapag tapos na, saka ka sumingit kapag kailangan na ng boss mo. Alam naman niya na hindi ka sipsip na empleyado.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Alagaan mo ang iyong kalusugan. Kung kailangang magpahina, magpahinga ka. Huwag mo nang gawing araw ang gabi. Hihigit naman ang biyayang darating kahit magrelaks ka ng kaunti.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Makabubuting mag-unwind ka muna upang malimutan mo ang break-up n’yo ng kasuyo mo. Sa gayun ay makalimutan mo siya at makapag move-on agad. Anoman ang iyong hiling, mangyayari dahil iyon ang mapagpapasaya sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Matutong makontento sa anong bagay mayroon ka. Huwag nang subukan ang raket ng kaibigan mo dahil wala ka roong mapapala. Mapapahamak ka lang. Ang langit na ang bahalang magpuno sa iba mo pang kailangan.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mas mainam ang pagkakaroon ng malinis na imahe at pangalan. Huwag kang pasisilaw sa salapi. Mararamdaman mo na lang na mas mamahalin ka ng mga tao dahil sa iyong kabutihan at takot sa Maykapal.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Makapagbibigay sa iyo ng suwerte ang paglilinis mo ng inyong kabahayan. May makikita ka ring bagay na labis mong ikatutuwa. Isang bisita ang darating at maghahatid siya sa iyo ng mabuting balita.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nasa iyo na ang lahat, pero feel mo parang may kulang pa. ‘Yan ay ang aspektong espirituwal. Maglaan ng oras sa pagdalo sa mga pagtitipon sa kinaaaniban mong relihiyon.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Iurong n’yo muna ang balak na pagpapakasal ngayong taon. Hindi pa ito ang panahon para r’yan. Mag-ipon muna kayo at sulitin ang precious moments na magkasama kayo.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Isang balita ang magbibigay sa iyo ng bagabag at alalahanin. Gayunman, huwag kang paaapekto sa trabaho. Malulunasan din iyan dahil positibo ang pananaw mo sa buhay.