HOROSCOPE JUNE 10, 2021



HOROSCOPE JUNE 10, 2021

June 10, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi totoo na kapag maingay ang isang tao, walang laman ang utak. May mga taong madaldal dahil kumpiyansa sa kanilang sinasabi. Panatilihin mo ang magandang katangian na ginagawa ng iyong mga sinalita. Ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte.

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Hindi ka tanga. Mabait ka lang. Pero, ‘di nila alam, nakikiramdam ka lang. Tama nang pagbigyan ang isa hanggang tatlong pagkakamali ng iyong kapwa. ‘Pag lumagpas na ru’n, hindi masama kung iiwasan mo na siya.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mabuting makinig sa payo ng mas nakatatanda. Ito ang magiging gabay mo sa iyong binabalak na proyekto. Ang mabuting plano ay magbubunga ng tagumpay.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Iwasan mo ang mga kasamahang madadaldal. Kapag nakatalikod ka, siguradong pinag-uusapan ka rin nila. Sawayin kaagad ang mga kaibigan na ang topic na usapan ay buhay ng ibang tao. Naaapula ang apoy kapag wala nang panggatong.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Medyo nahihirapan ka sa iyong pag-iisa. Pero sanay ka na. Gayunman, gagabayan ka ng iyong guardian angel. Kaya, safe ka sa lahat ng oras.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang malaon na ninyong hinihintay na magsing-irog na magkaanak ay magkakatotoo na. Ito ay dahil sa inyong marubdob na panalangin at matiyagang paghihintay.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Huli kang dumating. Mas mauuna kang ma-promote sa trabaho. Ito ay dahil sa angkin mong kakayahan at kasanayan ng natutuhan sa paaralan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May tampuhan man kayong magsing-irog, malulutas ‘yan sa isang masinsinang usapin. ‘Yan ay kung matututong makinig sa paliwanag ng isa’t isa.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi ka under de saya. Mabait ka lang na mister. Kaya akala nila, under ka ni misis. Huwag kang makikinig sa kaibigan na nang-uupat. Hindi kakulangan sa pagkalalaki ang makinig at maging masunurin sa kanyang kabiyak.




 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maulan kaya stay ka na lang muna sa bahay. Tutal, hindi rin matutuloy ang appointment mo. Paghandaan na lang ito dahil mas malaking proyekto pa ang darating sa iyo.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung may itinanim, may aanihin. Kaya, aanihin muna ngayon ang iyong mga pinaghirapan. Suwerte ka sa aspetong pinansyal ngayong buwan.

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag masyadong maging sensitive sa kritisismo. Kailangan mo ito upang umunlad ang iyong personalidad. Nais lang nilang maging mas mahusay ka pa sa larangang tinatahak mo.

 

 


  •  
  •  
  •