HOROSCOPE JUNE 16, 2022

HOROSCOPE JUNE 16, 2022

June 16, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag nang isiping gantihan ang isang taong hindi ibinalik ang sobrang sukling naibigay mo sa kanya. Pagkakataon na ang gumanti sa iyo. ‘Yung sukling ‘di naibalik, nahulog sa imburnal. Tapos ‘yung coin purse niyang nawawala, ikaw ang makakapulot.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magiging magaan ang pagdadala ng buhay kung magpapatawad ka. Mahirap kasing may mga tao kang nakakasalubong, tapos kapag nakita mo sila, sasama lang ang loob mo. Kalimutan mo na ang nangyari. Huwag mo na silang singilin sa kanilang utang. Para ‘di halata, ikaw naman ang mangutang sa kanila at tiyak na uubra ‘yun.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag masyadong overacting sa mga nararanasang problema. Alam mo namang may solusyon ‘yan agad. Kung ano man ang wala sa iyo, ibibigay naman ‘yan ng ilang tao o ng nasa Itaas. Tuparin mo rin ang hiling na pabor sa iyo ng iyong kaibigan. ‘Di naman ito may kabigatan. Kaya, tuparin mo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Sa bawat daang tinatahak, may patag at lubak sa lugar n’yo. Dumaan ka sa lubak, sapagkat d’yan ay may jackpot. Huwag muna sa patag at baka ikaw ay mahingan ng hatag ng mga tropa mong tomador. Hindi naman mag-iinuman ang mga ‘yan sa puwestong may lubak.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ang lungkot na nararamdaman mo sa mga nakalipas na araw ay iyong malalampasan. Ilan sa nagbibigay ng bagabag sa iyo ay ang kakapusan sa pinansyal, pagiging malayo sa mga mahal sa buhay. Pero, ang matindi, mas affected ka sa naiwan mong mga alagang pusa. May hatid na suwerte ang patuloy mong pagmamalasakit sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung ‘di pa ukol, ‘di pa talaga bubukol. Huwag mo muna siyang ligawan dahil ‘di pa panahon. Mga bata pa kayo. Mag-aral muna kayong mabuti. May tamang panahon para sa pagmamahalan at pagkakaroon ng kasintahan. Tutal naman, ikaw naman ang tipo ng kanyang mga magulang na kanyang maging kasintahan.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kung madalas mo siyang ilibre, huwag mo nang tangkaing sabihan siya na ilibre niya. Alam ng kaibigan mo iyon at sinisikap niya naman na mabawian ka. Sa susunod na araw, ililibre ka niya sa isang resto at may ipakikilala pa siya sa iyo. Ang future husband mo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ikaw ang isa na nakaaalam ng lihim ng iyong boss. Ang pambababae nito. Kaya, binigyan ka niya ng puwesto sa opisina kapalit ng pananahimik mo. Makabubuting umiwas ka muna sa mga lakad na niyaya ka niya. Sa gayun ay hindi ka kunan ng datus ng kanyang misis. Labas ka na sa problema nila.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ipagpaliban muna ang mahalagang lakad mo sa araw na ito. Mahalaga nga ito sa iyo pero malalagay ka naman sa alanganin. Hindi kasi seryoso sa proposal mo ang kliyente mo. Naghahanap lang ito ng kausap. Sa susunod na araw ka na lumakad at siguradong magtatagumpay ka sa isa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi man madali sa ngayon ang tinatahak mong karera, masasanay ka rin. Huwag mo nang bawiin at ituloy mo na para ‘di sumama ang loob ng iyong mga magulang. Magtatagumpay kang ibigay ang pangarap nila para sa iyo. Kapag dumating ang panahong iyon, saka mo i-push ang passion mo para wala na silang masabi baka sumuporta pa nga sila.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Huwag mainip sa inaasahang magandang balita tungkol sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Ihabilin ang kapalaran sa Panginoon upang mapabuti ang buhay rito o kahit sa ibang bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kailangang magbaon ng maraming plastic bottled water ngayon. Baka kasi uhawin ka saka ma-dehydrate. Gayundin ng payong, baka kasi biglang umulan. Magdala ka rin ng shades para iwas sa ultraviolet rays. Sumbrero para iwas init at sakit sa ulo. Maglagay ka rin ng sunblock para proteksyon sa mukha at balat. Puwesto, mapapansin ka ng crush mo.