HOROSCOPE JUNE 17, 2022

HOROSCOPE JUNE 17, 2022

June 17, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Magiging kabilang ka sa isang grupo na nagsusulong para sa kapakanan ng mga kababaihan. Mahalaga ang tungkuling iyong gagampanan. Isang paanyaya rin ang matatanggap sa isang kaibigan na dumalo at maging isponsor sa kasal.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung may plano ka ngayon, huwag mo munang ipagsasabi hangga’t hindi pa ito nagkakaroon ng katuparan. Mainam ito upang maingatan mo iyong reputasyon. Ang paminsan-minsang pagrerelaks lalo tuwing weekend ay mainam upang maging masaya sa piling ng mga kaanak at mga kaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Bulag ka nga sa pag-ibig, pero hindi ka naman manhid. Kung nasasagad ka na sa panloloko niya, aba’y bitawan mo na. Nakakapagod ding magmahal na nagpapakamartir lang. Ikaw ay nakalaan sa isang tao na mamahalin ka nang husto. Siya naman ang magpapakamartir sa iyo. Pero, susuklian mo siya ng tapat na pagtingin.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Habang maaga pa o hindi pa nagtatapos ang taong ito, ayusin mo na ang problema mo sa ex mo. Kahit kasi wala na kayo ay apektado pa rin ang sistema mo. Kasi, mag-partner kayo sa negosyo. Gayunman, may pag-asa pa ring magkabalikan kayo at ikaw na ang unang gumawa ng move.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Lalo kang pagpapalain dahil pailalim ka kung apihin. Akala nila, porke mabait ka ay tanga ka na. Pero ang totoo, alam mo ang ginagawa ng iyong mga kasamahan sa trabaho at ayaw mo lang silang mapahiya. Itataas ka pang lalo dahil likas na mababa ang iyong loob.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi lahat ng gugustuhin mo ay mapapasaiyo. O kaya’y makukuha sa ngayon. Kinakailangang paghirapan ito para sureball ang tagumpay. Isang kasiyahang may kabuluhan ang iyong pupuntahan at matutuwa ang mga dating kakilala sa iyong presensya.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Sadyang hindi magbubunga ng mabuti ang pakikisama sa tsismis. Ang nangyari sa iyong kaibigan ay babala na sa iyo upang huwag sumawsaw sa problema ng iba. Kampihan mo ang isang taong nasa tama at magtatamo ka ng biyaya sa kanyang paningin.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  ‘Di baleng over ka sa pagiging pakipot. Basta, makatitiyak kang mapupunta ang matamis mong oo sa karapat-dapat na lalaki. Kung hindi pasado sa hinahanap mong qualities ang mga suitor mo ngayon, makabubuting sabihin mo na para hindi ka naiistorbo sa pagdalaw nila sa kasagsagan mo ng panonood ng Koreanobela.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Saan ka man mapadpad ngayong araw, kakapit sa iyo ang suwerte. Basta, maging positibo lang ang iyong pananaw sa buhay at maging palangiti. Isang kasamahan din sa trabaho ang magyayaya sa iyong kumain sa labas at ililibre ka niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang matakot sa anomang balakid na masusuong mo ngayong araw. Makakayanan mo ‘yan at mapagtatagumpayan. Mawawala rin ang mga isipin sa mga bayarin o due dates dahil may malaking perang paparating sa iyo.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Maganda ‘yung mas tahimik ka lang, pero magaling maglintanya. ‘Yung ‘di ka nagpapatawa, pero nakakatawa kapag nagsalita. ‘Yan ang katangian na magugustuhan sa iyo ng anak ng amo mo. Kaya, kukunin ka niya bilang isa sa personnel nito. ‘Di baling sumakit ang tiyan niya sa kakatawa, basta masaya lang siya bawat oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung alam mong wala sa mood ngayon, huwag mo muna siyang asarin. Para hindi rin masira ang araw mo sa kasuyo mo na mala-armalite ang bunganga. Makabubuting yayain mo siyang kumain sa labas at baka suwertihin pa kayo. Makikita n’yo ninang n’yo sa kasal at bibigyan kayo ng pera.