HOROSCOPE JUNE 2, 2022

HOROSCOPE JUNE 2, 2022

June 2, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Wala namang masama kung liligawan mo siya. May ibubuga ka rin naman. May matatag na trabaho at may hitsura kahit papaano. Panahon na upang bigyan mo ng panahon ang lovelife mo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Masama sa tao ang nagsusulsol pa o gumagatong sa sitwasyon. Sa halip, pahupain ang galit ng dalawa mong kaibigan. Kapag kasi lumala pa ang away nila, papipiliin ka kung sino sa kanila ang kakampihan mo at pakikisamahan mo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Masarap din minsan ang makaalam ng tsismis. Para kasi itong gasolina sa katawan. Nakapagbibigay sigla. Pero, mabuting manahimik na lang sa iyong nalalaman at huwag ipagsasabi. Sa gayun ay pagtiwalaan ka ng iyong mga kaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kung may nagawa ka mang malaking kasalanan sa nakaraang panahon, ito ang pumipigil sa iyo upang ilabas ang iyong kumpiyansa at lubos na kaligayahan. Dahil natatakot kang multuhin ng nakaraan. Huwag kang mag-alala, pinatawad ka na ng taong iyon dahil pinagsisisihan mo na ito ng lubusan.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ang kayabangan ang parang kalawang na kumakapit sa pagkatao ng isang tao. Huwag mong gayahin ang kaibigan mo. Kahit hindi kaya, sasabihing kaya. Umiwas ka muna sa kanya dahil pati ikaw ay mapeperwisyo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Lalabas din ang katotohanang ikaw ang may kagagawan ng lahat ng pagtulong sa isang taong gipit noon. Na ang taong iyon ay kaanak ng iyong ka-away. Matutuwa siya sa iyo at magiging magkaibigan kayo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Lahat ng sinabi mo ay magkakatotoo dahil mahusay kang mag-analisa ng mga pangyayari. Gayunman, ipaliwanag mo sa mga kakilala mo na hindi ka manghuhula. Kaya, hindi mo kayang hulaan ang numerong mananalo sa lotto.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Gagaling ka sa iyong sakit. Kapag dumating na ang panahong iyon, magpasalamat sa Lumikha. Sa gayun ay matuwa Siya sa iyo ay pahahabain pa niya ang buhay mo.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Darating ang sandali na magsasama rin kayo ng iyong minamahal. Kaunting panahon na lang at babalik na siya. Mangyayari lang ito kapag kongkreto na ang plano niya para sa kinabukasan nyong dalawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag mainip sa inaasahang magandang balita tungkol sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Ihabilin ang kapalaran sa Panginoon upang mapabuti ang buhay rito o kahit sa ibang bansa.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Balisa ka sa bawat gabi kasi iniisip mo ang alaga mong aso. Huwag kang mag-alala, inaalagaan siyang mabuti ng kaibigan mong pinag-iwanan mo sa kanya. Mapagkakatiwalan ang taong iyon at mapagmahal sa hayop.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mahiya ka lang. ‘Yan ang likas mong ugali, ang pagiging mahiyain. Gayunman, maraming tao ang na-wawalan ng oportunidad na makilala ka. Mabigat sa loob nila iyon. Kaya, maging magiliw sa kanila, lalo na sa mga kaopisina mo.