HOROSCOPE JUNE 21, 2022

HOROSCOPE JUNE 21, 2022

June 21, 2022 @ 7:00 AM 1 week ago


 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag ka munang sasama sa mga kaibigan mo na mag-hang-out. Kailangan mong umuwi ng maaga sa bahay n’yo. Sa gayun ay makapagpahinga ka ng maaga at ‘di ka sumpungin ng sakit ng ulo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi sapat ang pakikipagkasundo lang sa isang nakatampuhang kaibigan. Bigyan mo siya ng regalo bilang tanda ng pakikipagkasundo. Sa gayun ay bigyan ka rin niya. Huwag kang mag-alala, mas mahal ang ibibigay niya sa iyo kasi siya ang may kasalanan sa tampuhan n’yo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung mag-i-isponsor ka sa kasal, aba’y huwag rice cooker uli lang ang ibigay mo. Nakakaumay na. Lagyan mo ito ng bigas tapos 5 digits sa loob pero huwag barya. May makikilala kang tao na nagbabalak magtayo ng negosyo at baka maging partner mo ito. Magkakasundo kayong dalawa dahil pareho kayo ng ugali, hilig at kung ano ang tipo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kung maghahanap ka rin lang ng puhunan para sa itatayo mong sari-sari store, huwag ka nang umasa sa lending. Hindi matatapos ang araw nang walang magagawang mabuti para sa sarili at sa kapwa. Isantabi muna ang pakikipagsosyalan at harapin ang mga mahahalagang aktibidad sa sariling tahanan.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magiging masaya ka sa bagong lugar na iyong pupuntahan. Doon mo na rin makikita at makikilala ang iyong future. Mas madali ang pera roon at pagpapalain ka. Sa pangyayaring ito, rito mo malalaman na maraming tao ang malulungkot sa pag-alis mo. Kasi, naging mabuti kang tao sa kanila at hindi mo sila nilamangan.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ngayong araw, kahit marami kang ginagawa o nagawa, hindi ka makararamdam ng pagod. Kasi, kasama mo sa trabaho ang kaibigan mong magaling magpatawa. Sasakit lang ang tiyan mo at kakabagin ka pagdating mo sa bahay n’yo. Isama mo itong kaibigan mo dikit kapag nag-report ka sa boss n’yo. Tiyak na magkakapera kayo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Likas kang kaakit-akit ngayong araw hanggang sa susunod na 15 araw. Ito’y kahit hindi ka naman gumagamit ng sabong pampaputi o pampakinis ng kutis. Ito ay dahil sa mga kinakain mong mga gulay at prutas kada meal. Kaya naman, marami ang magtatanong sa iyo kung ano ang sikreto mo. Pagkakaperahan mo rin ito. Kako, ikaw na ang bibili at papayag naman silang sa iyo ang sukli.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Umiwas ka muna sa dinaraanan mo lagi kapag papasok sa trabaho. Mga isang linggo lang. Mapapahamak ka kasi at yari ka sa GF mo. Inaabangan ka kasi ru’n ng isang dalagang may hitsura pero may sapak. Isang potential client naman ang interesado sa iyong proposal. Kaya, pagbutihin ang presentation mo sa kanya.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Isang magandang balita ang matatanggap mo sa susunod na araw. Pero, huwag mo munang ipagsasabi kahit sa iyong minamahal. Baka kasi mabulilyaso pa. At kahit nagkaroon na ito ng katuparan, huwag mo itong ipagkalat. Hayaan mo ang kapwa mo ang maglahad o magsabi ng iyong tagumpay. Sa gayun ay lalabas na hindi ka nagbubuhat ng bangko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang masyadong sweet sa isang lalaki na kakakakilala lang. Baka kasi isipin nito, may gusto ka sa kanya. Tamang hinala pa naman at feeling ang lalaking iyon. Magkakatotoo ang sinabi mo tungkol sa iyong kaibigan na susuwertihin siya. Kaya, may gantimpala siyang bibigay sa iyo.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Mabuti pang magpalamig ka muna sa sitwasyon nyo ngayon ng ex-mo. Masyado siyang nagalit sa iyo nang hindi mo naman alam ang dahilan, kasi ayaw niyang sabihin. Pero, huwag kang mag-alala, hindi totoo ito dahil panaginip mo lang ito. ‘Yan kasi ang epekto ng panonood mo ng mga romance movie na may halong tampuhan ang mga magkasintahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kulang sa pansin ang alaga mong aso. Kaya, lambingin mo ito para suwertihin ka. Kausapin mo siya kapag papakainin mo at kapag nangungulit sa iyo. Huwag mong pagagalitan kapag dinadambahan ka. Ang alaga mong ito ang maglalapit sa iyo sa landas patungo sa babaeng kursunada mo.