HOROSCOPE JUNE 22, 2022

HOROSCOPE JUNE 22, 2022

June 22, 2022 @ 7:00 AM 1 week ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag kang manghinayang sa mga bagay na iyong ibinigay. Babalik at babalik din naman ito sa iyo dahil kusang loob mong ibinigay. Pero, sa ibang paraan naman. Hindi man sa materyal na bagay, maaaring sa pabor o serbisyo ito babalik sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang taong inaasahan mong hindi tutulong sa iyo, siya pa ang sorpresang dadalaw sa iyo at maghahatid ng tulong. Kaysa sa taong ilang beses mo nang hiningan ng pabor, waley pa rin. kaya, iwasan din minsan ang magbigay ng pabor sa taong may ugaling ganitong hindi mapakiusapan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Sasaya ka ngayong araw at sa susunod na linggo dahil sa magagandang mangyayari sa buhay mo. Babalik kasi sa lugar n’yo ang isang matagal nang hindi nakikitang kaibigan. Babalik din ang kaibigan mong kaklase noon na pinapakopya mo lang. May dala silang pasalubong sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Lubos kang mapapanatag dahil kapiling mo na ang mga mahal mo sa buhay na matagal mong hindi nakikita sa loob ng mahabang panahon. Isang offer din ang matatanggap mo na magiging daan upang pagkakitaan.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mararating mo ngayong araw ang isang lugar na matagal mo nang pinapangarap na marating. Ito ay dahil sa iyong matinding pagsisikap kaya ito ay matutupad. Mainam ding magpamasahe para marelaks ang katawan. Sa misis mo ikaw magpamasahe.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Lubos ang iyong kagalakan dahil sa pagkapanalo sa isang paligsahan. Gayunman, ilihim mo kung kailan mo idaraos ang salo-salo at ipaalam mo lamang ito sa mga taong tumulong sa iyo sa mga panahong ikaw ay nasa kagipitan.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Walang mawawala sa iyo kung susubukan mong gawin ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa. Pero, sa ikabubuti mo naman ito at ng mahal mo sa buhay. Hindi ka naman magbebenta ng kidney. Kundi, ibebenta mo ang iyong sarili, este, ang iyong business proposal sa isang prominentang businessman. Tiyak na magtatagumpay kang ma-close ang deal.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag ka nang maghihintay sa panahong siya’y babalik sa iyo. Ikaw na mismo ang kusang pumunta para pumanatag ang kanyang loob. Ang muli ninyong pagkakasundong magkasintahan dati ay magdudulot ng mas matamis na pagsasama sa ikalawang pagkakataon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Unawain mo na lang muna ang naglilihi mong asawa. Kung pinapahanap ka ng dragon fruit o mangosteen, maghanap ka. Tutal, ‘di mo naman pera ang ipambibili. Kundi, mula sa allowance ng 3 ninang n’yo sa kasal. Papasok ang pera sa kanyang pagdadalang-tao. Kaya, ikatuwa mo ito.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Masyadong malakas ang dating mo ngayon. Kaya, mag-ingat at baka makagayuma ka ng isang taong ‘di ka naman gusto noong una. Baka kasi ikaw rin ang maipit at magsisisi sa huli. Makabubuting tapusin mo ang task na iniatas sa iyo para makasahod ka na rin sa paluwagan.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ika’y likas na maganda kahit ikaw ay isang morena. Bakit ka pa sasabay sa beshy mo na nagpapaputi pero ‘di naman bagay. Na parang Koreanang nakalunok ng palaka ang arrive ng beauty. Huwag kang mag-alala, mas magiging mabenta ang beauty products mo kaysa sa iba.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Suwerte ka ngayong araw dahil makokorner mo ang bisor mo na kapustahan mo nitong 2022 NBA finals. Talo siya kaya magbabayad siya sa iyo. Kung kulang ang ibabayad niya, tanggapin mo, singilin mo na lang siya sa susunod na suweldo.