HOROSCOPE JUNE 23, 2022

HOROSCOPE JUNE 23, 2022

June 23, 2022 @ 7:00 AM 7 days ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Suwerte sa iyo ang kulay berde ngayon. Kung mangungutang ka sa tindahan, tiyak na lusot ka. Basta huwag lang aabot ng 300 pesos. Kung may nalalaman kang isang malaking lihim, huwag mo munang ibunyag dahil maaapektuhan ang iyong trabaho at kabuhayan.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi mo man napagtagumpayan ang isang bagay na matagal mo nang puntirya, mapagtatagumpayan mo ito ngayon. Ikaw ay papasok sa isang transaksyon na pagkakatiwalaan ng mga matataas na tao. Ang iyong pagiging mahiyain ay magdudulot ng mabuti dahil hindi ka dayukdok sa promosyon at mapapel sa opisina.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kahit malayo sa minamahal, mahalaga ang regular na komunikasyon upang hindi manlamig ang pagmamahal niya sa iyo. Makabubuting ikaw na ang magsimula ng move para walang problema. Kapag ginawa mo ito, may regular kang padala sa iyong hubby.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Unti-unti mo nang matatanggap ngayon ang bago mong buhay. Na ito ay malayo sa kabihasnan dahil sa tawag ng tungkulin sa iyong trabaho. Marami kang magiging kaibigan at tiyak na ikaw ay pagpapalain sa aspetong pinansyal. Magsipag ka lang at laging manalangin sa Itaas, parang agos ng tubig sa ilog ang biyayang darating sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mahalaga ang palabra de honor sa isang taong nagtitiwala sa iyo bilang isang maginoong kausap. Tanda ito ng pagiging isang mabuting tao. Kung ano ang iyong binitawang salita, iyong tutuparin upang ikaw ay makasumpong ng biyaya sa paningin ng mga matataas na tao, lalo na sa iyong boss sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Walang masama kung magpahinga ka muna o mag-leave sa trabaho. Gusto nga rin ito ng boss mo para maka-recover ka sa hindi magandang nangyari sa buhay mo. Sa bahay mo na lang muna gawin ang tasks mo. Sikaping makihalubilo sa mga masasayang taon upang makalimutan mo ang trahedyang nangyari nitong nagdaang mga araw.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang iyong pagpapatawad ang siyang lunas upang ang isang dating nakasamaan ng loob ay lubusan nang gumaling sa kanyang karamdaman. Kalimutan mo na ang nangyari sa nagdaang panahon. May ibibigay ang taong iyon na pabor para sa iyo bilang ganti sa kabutihang gagawin mo sa kanya.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Marami mang alas ang iyong katunggali sa isang paligsahan, tiyak na mauubusan sila. Ang iyong magiging mabisang sandata ay panalangin at matinding pagsasanay. Ikaw na akala ng iba na under dog ang siyang magwawagi. Taliwas sa iyong inaasahan, marami ang lihim na kampi sa iyo pero ‘di lang nila sinasabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Isang bagong kakilala ang magpapatibok ng iyong puso nang hindi inaasahan at sinasadya. Ito ay hindi mo maiiwasan dahil magkasama pala kayo sa trabaho. Gayunman, huwag munang basta-basta magpapadala sa tukso ng inyong mga kasamahan sa work. Dahil hindi mo pa kapado ang kanyang pagkatao. Huwag sumabay sa uso nila na loveteam kahit medyo kinikilig ka na.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Maganda ang pagpapanatili mong maging tahimik na lang sa bawat sitwasyon. Dahil ang tsimosa rin ang susuko sa iyong attitude. habang sila ay minamalas, susuwertihin ka naman. Ang inaakala mong malas na sitwasyon ay maghahatid din pala sa iyo ng suwerte. Kaya, think positive palagi.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi mo man gustuhin, kusa siyang mapapalapit sa iyo. Kusa ka ring mapapalapit sa kanya. Kayong dalawa talaga ang pinagtatagpo at hinuhulma ng tadhana. May isang balitang darating na labis na magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Suwerte ka rin ngayon sa makikilala mong bagong mga kaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nahihirapan ka man mag-adjust sa ngayon sa bago mong bayan na tinitirhan, makakasanayan mo na rin. Darating ang panahon na ikaw ay magiging bantog sa lugar na iyon. Malaki ang magiging impluwensya mo sa mga tao dahil sa kakaibang estilo ng iyong pamumuhay.