HOROSCOPE JUNE 28, 2022

HOROSCOPE JUNE 28, 2022

June 28, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Huwag asahan na mapupunta sa iyo ang gusto mo na hindi pinaghirapan. Isang bagong kakilala ang magpapadama sa iyo ng pag-ibig. Subukan mong tanggapin ang kanyang panunuyo dahil tapat naman siyang tao. Panahon na upang maging makulay ang lovelife mo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Huwag bibili ng ‘di mahahalagang gamit. Marami ka pang nakaabang na bayarin. Kapag bayad ka nang lahat, huwag ka rin munang bibili. Ibang tao ang bibili nu’n para sa iyo. Siya ang taong malaki ang utang na loob sa iyo. Kung ‘di dahil sa iyo, ‘di siya makaka-graduate at makakapag-abroad at magiging maalwan sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Lulutang ang iyong talino sa loob ng trabaho. Hindi makatutulong sa mga Marites ang matabil nilang dila tungkol sa iyo para mapaamo nila ang taong may tiwala at dikit sa iyo. Itong mga Marites na ito ay magiging kaibigan mo rin at malalaman mo na masarap pala silang kausap. Kaya, buksan mo rin ang pakikisama mo sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Dapat kang tumanggap ng suhestiyon na mula sa iba lalo na sa mga taong marurunong. Sa gayun ay higit na magiging malawak ang iyong koneksyon sa paglalakbay. Ang problema mo sa budget at ilang gastusin ay masosolusyunan mula sa mga bagay na mula sa koleksyon mo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasan ang sobrang matatamis na pagkain at baka langgamin ka sa iyong pagtulog. Pati na rin ang sobrang alkohol sa katawan. Ang iyong pigura ang iyong puhunan upang manatili kang charming sa negosyo. Gayundin ang pagiging popular sa inyong barangay. Pwede kang maging Zumba instructor at magkakapera ka pa rito.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) —  Huwag kang maniniwala sa dumadalaw sa inyo na therapist na mahina raw ang iyong panunaw. Istayl niya lang iyon para bumili ka ng ibinebenta nilang aparato. Asahan din na may mga taong magbibigay sa iyo ng mga bagay na labis na makapagpapasaya sa araw-araw.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mag-isip mabuti dahil hindi mo na mababawi ang isang bagay kapag sumabak ka sa ‘di pinag-aralan. Asahan na papabor sa iyo ang aspetong pag-ibig dahil sa pareho ninyong pananaw ng isang tao. Ang iyong pagiging matulungin ang maghahatid sa iyo ng biyaya, sa gayun ay lalo ka pang makatulong sa iba.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag mong sobrang asahan na magiging maluwag ang pasok ng biyaya dahil maiipit ka sa mga bayarin sa linggong ito. Iwasan mo rin ang isang kapitbahay na naghahatid sa iyo ng tsismis. Iwasan mo siya kahit may dala pa siyang ulam lagi kapag pumupunta sa inyo. Kako, pakiiwan na lang niya ang ulam saka panghimagas na prutas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — May haharapin kang problema na hindi mo inaasahan. Pero, sa halip na ma-stress ka, matutuwa ka pa. Kasi ibang klaseng stress ito dahil nakatataba ng puso. Ito ay offer mula sa ilang kliyente na gustong kunin ang iyong pormula. Kung alin ang mas matimbang sa iyo, iyon ang piliin mo.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Ang kagaya mo ay parang tunay na ginto. Kahit anong tubog sa hamon ng mga pagsubok, hindi kukupas o iitim. Mawawalan ka ng ulirat dahil sa isang magandang balita. At pagkagising mo, katabi mo na ang isang bagay na matagal mo nang hinihiling.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Tinitigyawat ka hindi dahil sa inlove ka. Kundi, dahil sa problemado ka kung kaninong offer ng kliyente ang iyong kakagatin o tatanggapin. Pero, iisa lang ang pagkatao mo at katawan mo. Kung ano ang mas matimbang sa iyo at kung sa tingin mo ay roon ka sasaya, ‘yun ang tanggapin mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Tumingin ka rin sa iyong paligid at matutong tanggapin ang mga pagbabago. Ilang trabaho ang hindi magawa dahil sa iyong pagiging mapili. Mai-nam din naman ito kung tutuusin dahil wala ring halaga ang isang trabaho kung hindi ka magiging masaya. Huwag kang mag-alala, darating agad ang trabaho na sang-ayon sa passion mo o talagang gusto mo.