HOROSCOPE JUNE 29, 2022

HOROSCOPE JUNE 29, 2022

June 29, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Malapit na ang iyong kaarawan kaya mag-iingat ka. Marami ang makikikain sa inyo, wala ka namang balak maghanda. Pero, don’t worry, ang mga kaanak, kaibigan mo ang maghahanda para sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ikaw ay masosorpresa at labis kang magugulat. Sa wakas, magiging preggy na ang misis mo. Labis mo itong ikatutuwa dahil magiging daddy ka na. Ngayon pa lang, marami nang magpipresenta na magiging ninong at ninang dahil gusto nilang magkaroon ng inaanak na mala-future beauty queen.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Ang magandang pagpapaliwanag ay makatutulong upang maalis ang topak ng iyong dyowa. Sa gayun ay hindi na siya magselos. Likas kasi sa iyong trabaho ang makipag-usap sa mga tsiks, este, mga kliyente. Para walang problema, isama mo siya sa appointment basta sagot niya ang pamasahe.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ilang mahahalagang bagay ang dapat ayusin sa madaling panahon. Bigyan din ng quality time ang iyong minamahal. Kasi, ipinagmamalaki ka niya sa kanyang mga kaibigan. Ang suliranin sa kakapusan sa pinansyal ay masosolusyunan kung ibebenta mo iyong bato, este ang nakatenggang dekorasyong batong kristal sa bahay n’yo. May bibili naman tiyak nito. Papabor sa iyo ang aspetong salapi.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang pagdating ng maraming biyaya ay dapat na ingatan. Ito ay dahil sa inaani mo na ang bunga ng iyong pinagpaguran. Gayunman, huwag mong ipagkalat o ipagmayabang kahit kanino dahil pagmumulan lang ito ng inggit. Hayaan mong mag-isip at magtanong sila kung ano ang diskarte mo kung bakit mo nakamit ang tagumpay.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Hindi sa lahat ng sandali ay dapat kang masunod, lalo na sa araw na ito. Huwag kang papayag na ikaw ang bibili ng lunch n’yo sa office mula sa ambagan n’yong magkakaopisina. After 5 hours, ikaw na dapat ang masunod na ibigay na ang kokobrahin mo sa paluwagan. Ikaw ang huling sasahod at huwag nang sumali sa susunod.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maging positibo. Ang pananahimik ang magiging dahilan upang lumapit ang mga curious sa iyo. Ito rin ang magbibigay ng daan upang lumapit ang oportunidad sa iyo. Marami ang nahihiwagaan sa karakter mo dahil sa kabila ng iyong pananahimik, marami ka palang ibuguga at isang taong matalino.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Isang kakilala ang magbibigay sa iyo ng lubos na isipin. Tungkol ito sa inaalok niyang extra income. Na bagama’t gusto mo ay nag-aalangan ka dahil ‘di mo alam ang nasabing pasakot-sikot sa gayung raket. Magbigay ka na lang ng puhunan bilang partner at siya na ang bahalang magpatakbo ng business n’yo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magagamit ang kagandahan at talino sa haharaping proyekto. Makipag-usap at makipag-ayos sa isang kaibigang nakatampuhan dahil malaki ang maitutulong niya sa sinabakan mong proyekto. Hindi naman siya insecure sa iyo kaya ipi-push niyang magtagumpay ka. Dahil kapag nangyari iyon, kasama rin siya sa aangat ang pangalan at pag-uusapan ng mga tao.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Makikita mo ang isang tao na matagal nang may atraso sa iyo. Gayunman, huwag mo siyang gagawan ng hindi maganda. Maghahatid ito ng suwerte sa iyo. Sa bandang huli, mapagtatanto mong isa pala siyang mabuting kaibigan. Kikilalanin niya ang iyong wagas na pagpapatawad.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May mga naghihintay sa iyong sorpresa na labis na magpapasaya sa iyo. Kaya, magpanggap ka kunwari na hindi mo pa alam na gayun ang gagawin nila. Para maging doble ang biyayang matatanggap mo mula sa mga taong nagmamahal sa iyo. Iwasan mo rin munang magtungo sa mall at baka mautangan ka pa ng ilang kaibigan mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka makaiiwas sa pagkakasakit sa susunod na araw. Pero, agad ding gagaling, mga 24 oras lang. Huwag kang sobrang subsob sa trabaho. Tapusin lamang ang tasks sa takdang oras at huwag masyadong advance. Maghahatid ng saya ang pagpasyal sa ilang kaibigan upang makipag-bonding.