HOROSCOPE JUNE 3, 2021
June 3, 2021 @ 7:00 AM
2 years ago
Views: 2,985
Irene Aquino2021-06-01T21:10:36+08:00

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Maganda ang naisipan mong isugal ang puhunan sa online business. Tiyak na magtatagumpay ka. Ang kailangan lamang ay matuto kang magtiwala sa mga tao sa iyong paligid.
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Huwag mong isipin ang mapait na karanasan noong nakaraang taon dahil sa pandemya. Muling magbabalik ang iyong sigla at tuwa dahil sa magandang kapalarang sasapit sa iyo ngayong buwan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Maaayos ang hindi n’yo pagkakasundo ng iyong kabiyak. Simpleng ‘di pagkakaunawaan lamang iyan. Huwag nang palalain. Kung kaya mong ibaba ang iyong pride, maiging mauna ka na para maayos na ang tampuhan.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. Kaya, mag-focus ka sa bagong bagay. Pakinggan ang mabuting payo ng isang nakatatanda tungkol sa balak mong lumagay sa tahimik.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Matatapos na ang iyong pagdurusa. Unti-unti nang nagliliwanag ang iyong career. Muli kang ilalagay ng Maykapal sa itaas. Basta, manatili lang mababa ang loob.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Walang lihim na hindi mabubunyag. Malalantad sa iba ang iyong mabuting ginagawa. Kaya, mag-iiba na ang tingin ng iyong kapwa sa iyo. Mali kasi ang kanilang hinagap sa iyong pagkatao.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Matutong mag-impok kapag malaki ang income. Hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap. Sa gayun ay mayroon kang madudukot sa oras ng pangangailangan.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Isang mabuting balita ang matatanggap mula sa isang kaibigan. Ito ay may kinalaman sa trabaho na matagal mo nang dinadalangin sa Maykapal.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Paigihin ang talentong ipinagkaloob sa iyo ng Maykapal. Huwag masiraan ng loob. Huwag makinig sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga, mayroong mga taong sumusuporta sa iyo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Huwag mabahala sa mga nangyayaring negatibo sa iyong buhay. May kasabihan nga, there’s a light at the end o the tunnel.’ Huwag mawalan ng pag-asa. Magugulat ka na lang sa biglang pagbabago sa iyong buhay. Kaya, smile lang lagi.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ipagpatuloy ang nasimulang gawain sa gitna ng pandemya. Magbubunga ito ng maganda. Isang dating kaibigan din ang magpaparamdam sa iyo na matagal nang hindi mo nakauusap.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Patawarin mo na ang taong nagkasala sa iyo. Sa gayun ay makapag-move-on ka na. Malaki ang magagawa nito sa pagpapalang darating sa iyong buhay.
February 2, 2023 @6:00 PM
Views: 79
Manila, Philippines- Aminado si Seth Fedelin na naiinis siya kapag sinasabi ng iba na porke’t may hawig sila ni Daniel Padilla ay ginagaya niya ang kilos at pananalita nito.
Sa Spill or Swallow challenge ng Push.com ay game na game ngang sumabak si Seth.
At dito nga siya um-oo sa tanong kung naiinis siya tuwing may nagsasabing ginagaya niya si Daniel.
“Siguro ‘yung ano, ginagaya ko raw si kuya DJ. Minsan naiinis ako.
Nagpagupit na nga ako, eh, oh, (para hindi na maakusahang kinokopya si Daniel),” natatawang sabi ni Seth.
Dagdag niya, “Actually, hindi naman ako naiinis. Parang more on ano lang, ‘Why?’ Bakit?’
“Pero okay lang naman din. I’m thankful pa rin.”
Samantala, natanong ang binata kung may something o kung may namamagitan na sa kanila ng bago niyang ka-loveteam na si Francine Diaz.
Ang sagot niya, “Meron, and actually ‘yung namamagitan namin is I trust her, and she trusts me.
“Kasi pwedeng magkaibigan lang na magkabatian lang, pero may mga deep talks na kami. Ganu’n ang pagkakaibigan namin,” paliwanag ng aktor.
Aniya pa, single na single siya ngayon at nakasentro muna ang lahat ng kanyang atensiyon sa kanyang showbiz career.
Sobra nga ang pasasalamat ni Seth sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment dahil napasama siya sa napakalaking cast ng Kapamilya primetime series na Dirty Linen kung saan gumaganap siya bilang si Nico.
“Halos lahat is unang beses ko pa lang makatrabaho sa Dirty Linen.
Mga senior actors, si kuya Z (Zanjoe Marudo), si Tito Epy (Quizon), Tito Joel Torre, marami pa, which is sa akin parang ano ‘yun, eh, challenge talaga.
“Kumbaga kailangan kong tapatan ‘yung galawan nila. Kailangan mag-work, eh. So para sa akin challenge ‘yun. And para rin sa akin, bagong kaalaman na naman. Kasi may mga bago tayong matututunan sa mga tao doon, eh,” aniya pa. Rommel Placente
February 2, 2023 @5:32 PM
Views: 79
Manila, Philippines- Hindi na kailangang idaan sa kontra salita ang anumang sinabi ng kapwa mo. Sabi nga: “Actions speak louder than words.”
Ito ang tila paniniwala ni Gerald Anderson bilang reaksyon sa tinuran ng dating nobyang si Bea Alonzo.
Naitanong kasi ni Boy Abunda ang 35 anyos na aktres kung willing ba siyang makipagkaibigan kay Gerald, not now but in the future?
Tahasang sinagot ito ni Bea ng: “Hindi!”
Aniya, ayaw niyang maging kaibigan ang taong “I cannot trust, somebody who doesn’t take full responsibility for his actions.”
Partikular na tinukoy ni Bea ang tinuran ni Gerald sa past interview ni Boy kung saan the actor denied having ghosted Bea.
But Bea insisted on Boy’s afternoon program Fast Talk: “He did!”
Mula sa guesting na ‘yon ni Bea ay wala pang reaksyon si Gerald.
Sa halip ay makikita sa kanyang social media account ang mga sweet photos nila ng kasalukuyang nobyang si Julia Barretto.
So sweet na mula sa isang sports center sa Maynila kung saan naglaro ng basketball si Gerald hanggang makarating sila sa Botolan, Zambales ay lalanggamin sila sa sobrang ka-sweet-an.
Ayon sa mga netizens, sapat na raw ang mga litratong ‘yon bilang sagot ng aktor sa pahayag ni Bea.
Natutuwa naman ang mga netizens kay Julia na kung hindi pa raw kasama ni Gerald na mamasyal sa Botolan ay hindi pa ito maaarawan.
Laging naka-beanie at sunglasses si Julia while taking leisurely walks with her boyfriend. Ronnie Carrasco III
February 2, 2023 @12:45 PM
Views: 70
Manila, Philippines – Hindi na nakatiis si Manny Pacquiao na kinailangang linawin ang isyu sa kanila ng asawang si Jinkee.
Ayon kasi sa isang YouTube channel, nilalakad umano ni Jinkee ang annulment ng kanilang kasal.
Buntis din daw siya, ayon sa kumakalat na balita.
Kagyat namang to the rescue si Anabelle Rama na malapit sa mag-asawa.
On her Facebook page, pinasinungalingan ni Annabelle ang balita.
Kilala raw ni Annabelle ang taong responsable sa fake news.
Nitong February 1, wari’y tinuldukan na rin ni Manny ang isyu by posting a video on Tiktok kung saan magkasama sila ni Jinkee sa Starbucks sa General Santos City.
Aniya, “Sa mga Marites dyan, mamatay kayo sa inggit!”
Pinaalalahanan pa ni Manny ang mga nagkakalat ng fake news na matakot sa kaparusahan ng Diyos.
On Jinkee’s part, pinost niya na na lalong mahal daw niya si Manny sa bawat pagdaan ng araw.
Itinanggi rin ni Jinkee na nagdadalantao siya.
Earlier ay nakita pa silang magkasama in public ni Mommy Dionesia na biyenan niya.
Nadamay rin ang senador at brodkaster na si Raffy Tulfo na sinabihan umano si Jinkee na tigilan na ang harap-harapang panloloko kay Manny, bagay na itinanggi ng mambabatas dahil matagal na raw niyang hindi nakakausap ang mag-asawa. Ronnie Carrasco III
February 2, 2023 @12:40 PM
Views: 68
Manila, Philippines – Mismong si Bossing Vic Sotto ang madalas maringgan ng: “Age is just a number.”
Para kasing big deal sa tuwing magdiriwang siya ng kaarawan.
Pero hindi na nga isyu ang edad sa veteran TV host-comedian.
In the same manner na non-issue rin sa dati niyang asawa na si Dina Bonnevie ang edad.
Dina celebrated her 61st birthday recently without much fanfare.
Pero sino ang magsasabing isa na siyang senior citizen?
Hindi man kasi pinangalanan sa kanyang podcast, mahihinuhang ang tinutukoy ni Alex Gonzaga na “matandang artista” na tinarayan daw siya mula ulo hanggang paa while working on a TV project ay si Dina.
Magkasama sina Dina at Alex sa teleseryeng PS I Love You ng TV5 noong 2011.
Nauna rito, noong 2019 ay natanong si Dina sa presscon kung may nakatrabaho na siya na umastang prima donna.
Bagama’t hindi rin tinukoy ni Dina kung sino, inamin niyang she gave that actress hell.
Putting both stories together, lumabas ngang sina Dina at Alex ang mga bida sa kanilang kuwentong idinaan sa blind item.
Sa guesting ni Dina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong January 31, Lunes ay tinanong ni Boy if the actress got offended by such ŕeference bilang matandang artista.
Sagot ni Dina: “No, it’s true na matanda na ako. I’m 61 but I’d like to see people at 61 still looking fresh. Sorry Boy, but I feel fresh and I think I look fresh.”
Hindi raw ang isyu ng edad ang kinainisan ni Dina kundi ang palabasing she was the “bad guy.”
Depensa niya, such statement made her look bad: “That means I was just inventing stories. No, I was telling the truth. Pero tapos na ‘yon. Hindi ako galit kay Alex.”
From any film producer’s point of view, magandang ideyang pagsamahin sina Dina at Alex sa isang pelikula dahil sa isyung kinapalooban nila.
Pre-sold na ang pelikula no need to spend too much on publicity! Ronnie Carrasco III
February 2, 2023 @11:45 AM
Views: 62
Manila, Philippines – Namayani ang katuwaan sa dapat sana’y seryosong pagbubukas ng Senate Session 45 nitong February 1, Miyerkules.
Sa halip kasi na magsimula ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga batas ay nagsalita muna si Senator Grace Poe.
Nagpasintabi muna si Poe kay Senate President Migz Zubiri.
Anito, sa ngalan daw ng bawat mambabatas ay nais nilang iwelkam ang kasamahan at seatmate na si Chiz.
In a long time daw ay ngayon lang ulii nasilayan ang ngiti sa mukha ni Chiz.
Sinusugan naman ito ni Zubiri na ‘yun daw ang dahilan kung bakit nila sinuspindi ang session.
Hirit naman ni Senator Joel Villanueva, “We heart Chiz,” replacing the word love with the name of Chiz’s wife.
Nag-second the motion naman si Senator Loren Legarda, taking notice of Chiz’s aura.
Sa bandang huli, nagsalita muli si Poe, “If there’s any lesson we learn from this is that love is worth fighting for.”
Nakapagtatakang walang “ambag” sa biruan ang mga senador na galing mismo sa larangan ng showbiz, gayong ang mga ito dapat ang updated sa mga kaganapan sa entertainment world.
Matatandaang August 2022 nang lumikha ng ingay ang pagtanggal ni Heart ng married name niyang Escudero sa mga social media accounts niya.
Buwan din ng Agosto nang mapansin ng mga netizens na hindi na suot ni Heart ang kanilang wedding ring.
The whole time ay hindi nagsalita si Heart tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Chiz.
Instead ang nababalitaan tungkol kay Heart ay ang mga pagbiyahe niya sa Milan, Italy at Paris, France to fulfill her faahion-related work.
Nitong nagdaang Pasko, tinotoo ni Heart ang pangako to see her husband.
Bagong Taon nang muling magkasama ang couple sa mga biyahe nila sa Paris at Japan. Ronnie Carrasco III