HOROSCOPE JUNE 3, 2022

HOROSCOPE JUNE 3, 2022

June 3, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Huwag ipagkatiwala sa iba ang iyong trabaho dahil hindi sila gaya mo na pulido kung gumawa. Mas maiingatan mo pa ang reputasyon mo at imahe kapag ikaw ang talagang gagawa.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Kung luluwas ka ng ibang lugar, mainam na gawin mo na ito. Sa gayun ay makabalik ka sa takdang oras sa iyong pamilya. Isang tao rin ang magbibigay sa iyo ng magandang balita kaugnay sa transaksyong pinasok mo.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung nahihirapan ka sa pagdadala ng buhay, mas nahihirapan ang iyong kaibigan. Sa halip na hingan siya ng pabor ay tulungan mo siya. Magtulungan kayo. Mas mainam ang dalawa kaysa sa isa.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kung kaya mo rin lang gawin ang tama sa abot ng iyong makakaya, gawin mo. Huwag itong ipagwalang bahala. Sapagkat, sa nakaaalam ng mabuti at hindi ito ginawa ay kasalanan nga. May gantimpalang naghihintay sa iyo kapag ginawa mo ang mabuti.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magbubunga ng mabuti ang iyong pananahimik. Hayaan mo ang mga tsismosa na pagpiyestahan ng buhay mo. Wala rin namang maniniwala sa kanila dahil kilala ka ng mga taong nagmamahal sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Sikaping makapag-ipon ng sapat na halaga upang may magamit sa selebrasyon sa kaarawan ng iyong anak. Matagal na niya itong pinakiusap at pinakisuyo sa iyo. Yaman din lamang na nangako ka, tuparin mo ito upang sumaya siya.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Huwag kang matakot na kausapin ang iyong boss kung talagang kailangan mo ng tulong. Kahit masungit iyon, mararamdaman niya ang iyong sinseridad. Kaya, hindi ka mabibigo.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi ka lugi kung mananatiling mababa ang loob. Tama ang ginagawa mong pagpapakaamo dahil sa bandang huli, ikaw ang ituturing na panauhing pandangal at pauupuin sa maringal na upuan.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Matutong magpasalamat kahit sa maliit na bagay na natatanggap. Matutuwa sa iyo ang mga taong nagkaloob nito. At higit sa lahat, mas matutuwa ang nasa Itaas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang buhay ay weder-weder lang. Totoo ‘yan kung papayag kang magkatotoo ang sinasabi ng iba tungkol sa buhay mo. Kumilos ka habang maaga at patunayan mong mali ang kanilang hinuha. Nasa ibaba ka ngayon, pero nakatakda ka nang ilagay sa itaas.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Sikapin mong maging produktibo bawat araw. Sa gayun ay marami kang grasyang maiuwi sa pamilya mo. Mabibili mo rin kung ano ang gusto mo pati ng mga kaanak mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Madali kang ma-inlove pero madali ring nawawala. Parang sipon lang. Kumbaga, seasonal ka lang kiligin. Kaya, huwag mong dayain ngayon ang sarili mo na gusto mo siya at baka makompromiso ka.