HOROSCOPE JUNE 30, 2022
June 30, 2022 @ 7:00 AM
1 month ago
Views:
258
Irene Aquino2022-06-29T19:01:09+08:00
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Huwag mong hayaang masira ka o pumatol agad sa isang maling balita o impormasyon. Magiging masaya ang pakikipag-bonding mo sa iyong mga kaibigan at kasintahan. Maghahatid ito sa iyo ng positibong pananaw upang maging ganado ka sa iyong gawain o trabaho.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Dalawang bagay ang iyong ikalilito sa araw na ito. Subalit, kailangang mong makabuo ng pinal na desisyon. Masasabak ka rin sa isang malayuan o out of town na paglalakbay. Samantalahin mo ito dahil maghahatid ito sa iyo ng mas malaking grasya.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Huwag mong hayaan o pairalin ang pagiging malilimutin dahil ilang mahalagang bagay ang maaaring lumampas. Lalo na ang tanghaliin ng gising. Ihanda lagi ang sarili sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Mas maraming tasks, mas malaking biyaya ang mapapasaiyo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Dedmahin na lamang ang sinasabi ng mga taong hindi nakaiintindi sa iyong kalagayan. Madali kasing manghusga at nagkakamali sila ng palagay tungkol sa iyo. Magbubunga ng mabuti ang iyong kababaang-loob. Ibibigay nila ang nararapat na biyaya para sa iyo.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Take time to relax nang mabigyan ng quality time ang pamilya o ang iyong kasuyo. May tampo kasi siyang hindi na maibulalas sa iyo. Iwasan din ang labis na pagpupuyat at paglabas-labas sa gabi. Makatatanggap ka rin ng tawag patungkol sa bagong pinasukang transaksyon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Marami ka ngayong makakasalamuhang tao na bago sa iyong paningin. Ilang proyekto na ang maaaring masimulan na magiging dahilan ng iyong sobrang kapaguran. Gayunman, kahit pagod ka, marami ka namang paparating na grasya. Na magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng labis na kasiyahan.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Pagsabihan mo ang isang kaibigan na mag-ingat. Sa gayun ay makalihis siya sa disgrasya dahil sa pagiging kaskasero nito. Kung yayayain ka niyang uminom sa araw na ito, tanggihan ito kung wala namang pulutan, este, kung wala namang dapat ipagdiwang. Sa ibang araw mo siya pagbigyan at gawin ito sa kanilang tahanan. Para ‘di na kayo lalabas pa.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Maging ehemplo ka sa iyong mga kasamahan. Mapupuno ka, kasama sila ng kakaibang proyekto. Kaya, iresked n’yo muna ang plano n’yong paglalakbay para magrelaks. Kung bakit kailan nag-uuulan, saka naman kayo magsu-swimming. Wala sa hulog. Tapusin n’yo muna ang proyekto para may makuha kayong maraming pera rito kasama na ang komisyon.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Hindi selos ang sagot sa inyong tampuhan. Ikaw na ang gumawa ng hakbang at umunawa sa iyong kasintahan. Yayaain siyang mag-dinner sa labas at ikaw na ang sumagot. Busugin mo siya ngayon para mawala na ang tampong itik niya na nag-iinarte lang. Sa susunod na araw, babawi siya sa iyo. Bibilhan ka niya ng paboritong t-shirt mo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag bilangin ang mga biyaya. Sa halip, mainam na i-share ang grasya sa gayun ay mas doble pa ang darating sa iyo. May ilang pagbabago kang dapat na gawin para sa iyong ikauunlad. May sorpresa ring haharapin pagkatapos dumalaw sa isang kaibigang matagal nang hindi nakikita.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Tamang panahon ngayon ng pagbabago para sa iyong mga balakin. Ilang mahalagang lakad ang dapat mong unahin. Mainam na huwag magmadali o magtanong tungkol sa isang kinakaharap na proyekto. Sa gayun ay hindi isipin ng iba na hindi mo ito kayang gawin o tapusin.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Iwasan na muna ang hindi napapanahong paggastos. Maging maingat sa iyong hinahawakang salapi. Sa gayun ay may hawak kang budget para sa ilang biglaang gastos. Isang malayuang tawag mula sa isang kakilala ang magbibigay sa iyo ng kakaibang saya.
August 9, 2022 @10:59 AM
Views:
24
Manila, Philippines – SI Sean de Guzman ang bida sa pelikulang The Influencer mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions. Gumaganap siya bilang si Yexel na isang sikat na influencer.
Kasama sa pelikula si Cloe Barreto bilang si Nina na sobrang in-love at obsessed kay Sean. Sa tanong kay Cloe kung gaano kalapit sa personalidad niya ‘yung papel niya na nababaliw sa pag-ibig, ang sagot niya na natatawa ay, Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. ‘Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! ‘Yun po, medyo malapit din po du’n. Pero hindi naman po ako nagtatali ng lalaki. Ha! Ha! Ha! Ha! Ako po ‘yung itinatali, charing! Ha! Ha! Ha!”
Kaya nasabi ni Cloe na hindi siya nagtatali dahil sa The Influencer ay may eksena sila ni Sean na tinali niya ito dahil sa galit niya rito sa pagiging babaero.
Sina Sean at Cloe ay parehong nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Managament ni Ma’m Len Carrillo.
Para kay Cloe, pinaka-daring sa kanya ang naging role niya sa The Influencer.
“Kung daring ako sa Tahan, mas daring ang role ko sa The influencer. Malakas lang talaga ang loob ko na gawin ang mga ganu’ng eksena,” sabi naman ni Cloe.
Ang The Influencer ay mapapanood na simula sa Agosto 12, Biyernes, sa Vivamax. Idinirek ito ni Louie Ignacio, at mula sa panulat ni Quinn Carrillo. Rommel Placente
August 9, 2022 @9:41 AM
Views:
49
Manila, Philippines – Hindi inakala ng dating Viva artist na si Jobelle Salvador na ikakapahamak niya ang walang kamali-malisyang post niya patungkol kay Agot Isidro.
Nagtanong lang naman si Jobelle kung si Agot ang nasa picture, dahil ayon daw sa kanyang kaibigan ay kamukha ito ng babaeng pulubi sa C5.
Doon na nagsimulang i-bash ang ‘di na aktibong aktres, na ang hinala niya’y kagagawan ng mga trolls.
Himutok ni Jobelle, binura na nga raw niya ang post na ‘yon ay kung bakit ayaw pa rin siyang tantanan ng mga basher.
Sa inis ay rumesbak na rin siya.
Aniya, wala raw siyang pakialam kung wala man siyang project dito sa bansa dahil ‘di hamak na mas malaki ang kinikita niya.
Na kung tutuusin daw ay mas malaki pa sa kinikita ng “idol” na ipinagtatanggol ng mga basher.
Obyus na parunggit ‘yon kay Agot.
Sabihin na rin daw na mas maganda si Agot kesa sa kanya ay wala siyang keber.
Sa sobrang inis nga’y ibinalik niya ang binurang post.
Wala pang reaksyon si Agot sa mga pahayag ni Jobelle.
Saan kaya mauuwi ito? Abangan! Ronnie Carrasco III
August 9, 2022 @8:03 AM
Views:
39
Manila, Philippines – If the name Andrew Ramsay rings a bell, ito’y dahil siya ang nakababatang kapatid ni Derek.
At tulad ng kanyang kuya ay pinasok na rin ni Andrew ang local showbiz.
But don’t get him wrong. Hindi siya bagito sa pinasok na larangan.
Back in Los Angeles, lumabas na siya sa theatre play na Macbeth, isa sa mga tragedies ni William Shakespeare.
Dito naman ay tampok siya sa pelikulang Ginhawa, isa sa mga kalahok sa ongoing na Cinemalaya 2022.
Siya ang co-writer ng script na sinimulan daw niyang buuin noong pandemya.
Isa ring film producer si Andrew who co-owns Cutaway Productions.
Marami ang nagsasabing malayo ang itsura niya sa kanyang Kuya Derek.
Pero ayon kay Andrew, nagkakapareho sila sa nunal.
Ikinukumpara rin ang acting ng magkapatid. Andrew’s co-star Ruby Ruiz says na mas mahusay raw siyang umarte kesa sa mister ni Ellen Adarna.
Bilang co-owner ng isang film company, wish ni Andrew na magprodyus ng pelikula kung saan ang kuya niya ang bida.
Okey lang daw sa kanya if he plays support to his elder brother.
Ang problema, hindi pa raw handa si Derek na balikan ang pag-arte, “He’s so much in love with Ellen!”
Aminado si Andrew that with his looks, maraming bading ang nagkakagusto sa kanya.
And he holds nothing against them. LOL! Ronnie Carrasco III
August 8, 2022 @8:00 PM
Views:
73
Manila, Philippines – Hindi maiwasang mabahiran ng inggit ang pagbati ni Dennis Padilla ng happy birthday sa kaibigang Cesar Montano.
Sa social media idinaan ng komedyante ang kanyang greeting as Cesar turned 60 last August 1.
Kumpleto ang mga anak ni Buboy (palayaw ni Cesar) mula sa mga babaeng nakarelasyon niya.
Wish ni Dennis, sana raw kapag nagdiwang siya ng kanyang 61st birthday sa February 9, 2023 ay kumpleto rin ang mga anak niya.
Dennis sires Julia, Claudia and Leon with Marjorie Barretto.
Matatandaang naglabas ng hinampo ang komedyante noong hindi man lang siya nakatikim ng Happy Father’s Day greeting mula sa tatlong anak.
Sa halip ay may mahabang post si Leon na nagpaliwanag tungkol sa diperensya ni Dennis partikular sa pakikitungo sa kanyang mga anak.
Marami ang sumang-ayon sa binata kung paanong marami rin ang nakaunawa sa sentimyento ni Dennis bilang magulang.
Kung tutuusin, barely six months from now pa ang kaarawan ni Dennis, kaya malay natin, baka matupad ang kanyang birthday wish? Ronnie Carrasco III
August 8, 2022 @7:40 PM
Views:
73
Manila, Philippines – Pinagmamalaki ng president ng Mowelfund na si Rez Cortez na ginawa niyang self-sufficient financially ang institution kahit wala pang funding galing sa Metro Manila Film Festival.
Ayon kay Rez, kahit paano ay may pondo pa rin daw ang Mowelfund kahit walang dumating na budget mula Metro Manila Development Authority (MMDA). Wala kasing income na nanggagaling ngayon mula sa Metro Manila Film Festival.
Ang nasa batas kasi, ang proceeds ng income ng MMFF ay mapupunta sa welfare fund ng Mowelfund para sa benipisyo ng movie workers.
Nanatiling sandigan ng film workers ang Mowelfund.
Dahil sa outsourcing of funds, na-sustain ng Mowelfund ang activities ng mga member para sa kanilang medical, health, housing, training and livelihood programs. Tuloy din ang mga film workshops, film festivals and other film education-based endeavors.
FYI, Noong 2018, pagkatapos ng 6 years of due diligence and negotiations, pumirma ang Mowelfund board ng joint development contract with Victor Consunji Development Corporation (VCDC) that afforded the foundation a new 6-story building.
Ang bagong gusali ng ay nagtataglay ng state-of-the-art prodution facilities. Kasama rin dito ang 54-seat theater na ipinangalan sa late, revered Director Of Photography (DOP) Conrado “Dengcar” Baltazar.
Ang bagong Mowelfund Center ay sama-samang effort ng board na binubuo ng Founding Chairman na si Joseph Ejercito Estrada, Chairman Boots Anson Roa Rodrigo, Vice Chairman Gina Alajar. President Rez Cortez, Vice President Julius Topacio and Trustees Jaime “Jim” Baltazar and Direk Edgardo.
Noong 1979 pa itinatag ang Mowelfund Film Institute to provide and subsidize film education benefits to Mowelfund beneficiaries and the public at large. Noel Asinas