HOROSCOPE JUNE 5, 2021



HOROSCOPE JUNE 5, 2021

June 5, 2021 @ 7:00 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Suwerte ka sa buong buwan dahil panahon mo ito. Kaya, pwede kang mamasyal basta mag-iingat lang. Magiging masaya ka rin dahil sa magandang balitang matatanggap.

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)   Huwag kang masyadong matakot  at mahiya na ipakita ang iyong galing. Ito’y dahil sa mas higit ka kaysa sa iba. Marami ang hahanga sa iyo kapag nalaman nila ang itinatago mong talento.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka na baby, kaya huwag kang masyadong pa-baby. Tumatanda ka na. Panahon na para kumilos na may gulang o matured. Mas magugustuhan ka ng mga tao dahil du’n.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Sabi nila, suplada ka. Pero, deep inside, kalog pala. Bahala sila sa buhay nila at pabayaan mo sila. Huwag kang paaapekto sa mga ganu’ng tao. Wala naman silang puhunan sa buhay mo.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Huwag kang magbibitiw ng pangako kung ‘di kayang tuparin. Mas maganda, gawin mo na lang. Mataas kasi ang expectation sa iyo ng mga tao. Kaya, mag-iingat ka.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung kelan ka walang-wala, saka ka magugulat. Papasyal sa bahay n’yo ang taong nagkaroon sa iyo ng pagkakautang. Siya ang susi ngayon upang makaraos ka sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) May bago kang kapitbahay. Maingay sila. Pero, ganu’n lang. Makasusundo mo sila after few days. Mabait naman sila at masaya kaya no problem. Maingay lang.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag mahiyang sabihin ang tunay na sitwasyon na ikaw ay kinakapos. Naghihintay lang ang mga tapat na kaibigan na magsabi ka. Sila na ang magkukusang magbigay sa iyo kapag nakita kang malungkot.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Suwerte ka kung sasabak sa food business. Magaling ka kasing magluto. Tiyak na babalik-balikan ng mga costumer ang iyong putahe. Kaya, take the opportunity at ‘di ka magsisisi.




 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Ang buhay mo ay parang unos noong mga nakaraang panahon. Pero, matatapos na ito. Enjoy mo ang masagana at panatag na 7 years sa buhay mo.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Hayaan mo ang mga taong manghusga sa iyo. Hindi lahat ng husga ay negatibo. Ang totoo, gusto ka lang nilang maging kaibigan. Kaya ka nila pinag-uusapan.

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Pagtuunan ng pansin ang iyong kalusugan. Masyado mo na ito kasing naipagwawalang-bahala. Mag-ehersisyo at kumain ng masusustansiya. Mas maganda kang tingnan kung medyo slim at charming pa.

 

 


  •  
  •  
  •