HOROSCOPE JUNE 6, 2021
June 6, 2021 @ 7:00 AM
2 years ago
Views: 1,887
Irene Aquino2021-06-06T10:14:36+08:00

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Hindi mo ikalulugi kung lagi kang magbibigay. Kasi, meron ka naman. Bahala na ang Maykapal na bumalik sa iyo noon.
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Iwasang makipagtalo lalo na sa usaping pampulitika at relihiyon. Baka magkatampuhan lang kayong magkaibigan. Sa ibang bagay na lang kayo mag-healthy talk.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Kung kaya mo rin lang tapusin ang trabaho ngayong araw, tapusin mo na. Sa gayun ay may mahabang kang panahon na makapagrelaks.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Ang pagiging kalog o joker mo ang magiging pasaporte mo upang magkagusto sa iyo ang iyong crush. Natural ka lang kasing magpatawa. ‘Yan ang asset mo na gustong-gusto ng mga babae.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Pagtuunan ng pansin ang mga bagay na hilig mo noon. Makapagbibigay ito sa iyo ng happiness. Isang dating kakilala ang makikita sa mall. Bibigyan ka niya ng pasalubong.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May mga bagay sa inyong bahay na may halaga. Lalo na ‘yung mga nakatabing antique na binabalewala n’yo lang. Huwag itong itatapon lalo na ang mga lumang magazine, poster, coins at painting. Malaking pera ang halaga nito.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Hihingi ng tawad sa iyo ang dating kasintahan. Pero, huwag kang papayag na makipag-reconcile sa kanya. Sapat na ang mapatawad mo siya. Past is past.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung nahihilig ka ngayon sa paghahalaman, go ahead. Karerin mo. Magiging malaking vlogger ka rin these days. Kaya, magiging worth ang pagsisikap mo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang iyong pagiging mahiyain ang magluluklok sa iyo sa isang mataas na posisyon. Bakit nagkaganu’n? ‘E mahiyain ka! Kasi, magaling ka. Alam ‘yun ng boss mo. Marami kang itinatagong talent. Pero, inilalagay mo sa hulog. Kasi, ayaw mong magmukhang mayabang sa harapan ng ibang tao.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Bakit ka malulungkot ngayong araw? Porke hindi ka napagbigyan sa hiling ng isang kaibigan? Matutong maghintay. At magugulat ka na mas higit pa ang ipagkakaloob niya kaysa sa iyong inaasahan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Abot-kamay mo na ang tagumpay. Kaya, cheer-up. Pero, huwag mo munang sasabihin sa iyong mga kakilala. Baka maging bato ang inaasahang pera.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Lagi ka nilang binibiro sa work ng below the belt. Pero, nagpapasensya ka lang. May mabuting dulot ito lalo na sa nalalapit mong kaarawan. Babawi sila sa iyo.
February 4, 2023 @2:08 PM
Views: 64
Manila, Philippines – Can past and present women in a man’s life treat each other well?
As far as Dina Bonnevie is concerned, walang isyu sa pagitan nila ni Pauleen Luna.
Tulad ng alam ng lahat, si Dina ay bahagi na ng nakaraan ni Bossing Vic Sotto.
Dalawang supling ang naging bunga ng kanilang pagsasama: sina Danica at Oyo Boy.
Samantala, Vic’s present wife is Pauleen with whom he has one child, si Talitha or Tali.
Dina has this image na mataray sa showbiz pero pagdating sa pakikitungo niya kay Pauleen ay hindi siya kinakikitaan ng pagkamataray.
Sa guesting ni Dina sa Fast Talk with Boy Abunda, she only had nice words for Pauleen.
Ever-present pala si Pauleen sa mga family gatherings ng side ni Dina.
Partikular na hindi nami-miss puntahan ni Pauleen ang mga kaarawan ng mga anak nina Danica at Oyo.
Binanggit ni Dina how nice and respectful of Pauleen to have approached their table, saka magalang na nagpakilala.
Ani Pauleen: “Ms. D, magbibigay-pugay lang po, this is my daughter Tali.”
Sapat na raw ang gesture na ‘yon ni Pauleen for Dina to like and to get to know Vic’s present partner.
“Wala kaming angst ni Pauleen. She can talk to me, fine,” sabi pa ni Dina.
Pero ang pinakagusto raw niya kay Pauleen, “She lets my children spend time with their dad. Hindi inilalayo ni Pauleen si Vic sa mga anak niya.”
Samantala, naiulat kamakailan lang na may plano si Bossing na sundan si Tali.
Kung si Pauleen ang tatanungin, okey din lang kung hindi na siya magbuntis uli.
Unrealistic as it may sound, dalangin ni Pauleen na umabot ng 100 years old si Vic para matagal silang magsasama ni Tali.
Ninety nine years old, puwede na rin kaya? Lol! Ronnie Carrasco III
February 4, 2023 @1:56 PM
Views: 41
Manila, Philippines – Halatang umiiwas si Xian Lim sa tanong kung kailan nila balak magpakasal ng nobyang si Kim Chiu.
At a recent mediacon of the movie he directed, naitanong ang aktor tungkol sa wedding plans nila ni Kim if any.
Xian could have dodged the question by saying na napag-uusapan nila ang tungkol doon but it’s not on their priority list for now.
Puwede ring affirmative ang sagot niya but they have yet to set their altar date.
But this is how he answered the question: “Naku, sa susunod na natin ‘yan pag-usapan!”
Sa susunod bang mediacon ang ibig niyang sabihin? Sa susunod niyang directorial assignment?
Or to begin with, hindi pa ba si Kim ang “the right one” for Xian?
Samantala, proud and happy naman si Kim nang manalong Best Female TV Host sa katatapos lang na 35th Star Awards for TV.
Keber si Kim sa mga hanash ng mga bashers na mas deserving daw si Anne Curtis o Amy Perez na kapwa niya kasamahan sa It’s Showtime.
Basta as far as Kim is concerned, napatunayan daw niya na isa siyang legit host with her victory.
Masasabing vindication para kay Kim ang kanyang pagkapanalo.
Kung matatandaan, nagsilbing reliever si Kim habang nasa Australia si Anne na naabutan ng pananalasa ng pandemic.
At nang makabalik si Anne sa nasabing noontime program ay nabalitang tatanggalin si Kim.
Kim stayed on, proving her worth as its host sa kabila ng mga inaabot niyang pintas. Ronnie Carrasco III
February 4, 2023 @12:48 PM
Views: 71
Manila, Philippines- May katapat na si Boss Vic del Rosario ng Viva Films bilang pursigidong bisnesman sa pagpo-produce ng mga pelikula, ke may pandemic man o wala. Siya ay walang iba kundi si Jojo Flores with matching wife Maricar Moina aka Angel Flores of Jams Artist Productions and Jamsap Entertainment Corporation.
At hindi lang pag-produce ng mga pelikula kundi pati TV shows at TV series ay balak rin nilang pasukin kung papayag ang mga bossings ng Kapuso Network, TV5 at Kapamilya na makipag-collab sa kanila.
Bukod dito ay bibili rin sila ng Apps via streamline or sa Netflix para maipalabas din sa mga ito ang kanilang mga gagawing projects.
Nagsimula lang sina Jojo at Maricar bilang talent suppliers sa mga network pero kalaunan ay nagtayo sila ng acting workshop.
Maraming kawikaan si Jojo para matupad lahat ang kanilang pangarap na mag-asawa. At ito ay binatay niya sa ginawa niyang official video ng kanilang productions that goes, “Sa bawat pangarap na dala ng mundo…sana huwag hatakin ng pagsuko kundi laging ilagay sa isip ninyo na may liwanag sa dilim na dala ng iyong kuwento.
“Kung tayo’y nakadaranas ng paghihirap ngayon, tayo’y lumaban at hindi dapat tayo sumuko. Umiikot ang mundo at pagkakataon, darating ang araw na papabor ito sa iyo.
“Lagi nating tandaan na ang bawa’t isa ay may angking galing, talino at talento na bigay ng Maykapal.
“Ang tunay na sikreto ng tagumpay ay ang pagsisikap ..at patuloy na pagbangon sa lahat ng bagay…tayo mismo ang magsisilbing liwanag sa ating mga pangarap upang ito ay ating makamtam. Ito ang kuwento ng ating mga pangarap at bagong pag-asa.”
So very true. Kaya naman nang inalok namin na sila ang mag-produce ng 35th PMPC Star Awards For TV ay nag-yes agad si Jojo hindi lamang para kumita kundi for more exposure daw lalo na sa kanilang mga Jams Artist models, singers, would be actors and actress.
And in pernes ay naging very successful naman ang nasabing event na dinaluhan ng mga big celebrities tulad nina QC Mayor Joy Belmonte, Raffy Tulfo, Kuh Ledesma, Connie Angeles, Lani Misalucha and a lot more. Ang nagsilbi namang mga hosts ay sina Pops Fernandez, Aiko Melendez at John Estrada.
Umabot rin ng milyones ang nagastos ng Jams Artist Production at Jamsap Entertainment sa ginanap na 35th PMPC Star Awards For TV pero ayon mismo kay Jojo, hindi sila susuko tulad nang hindi pagsuko ni Boss Vic del Rosario of Viva Films na kahit sa kasagsagan ng pandemic ay kada linggo gumagawa ng mga pelikula para sa kanilang Vivamax Films streamline, at ngayon nauman ay tututok sa paggawa ng mga primetime projects para sa Viva Prime.
At kung kailan naman muling bubuksan ni Mother Lily ang kanilang Regal Films Production ay palaisipan or titigil na sila sa paggawa ng mga pelikula.
Well, may saying nga na kung gusto may paraan, kung ayaw ay may dahilan. Boom, ganernn! Mercy Lejarde
February 4, 2023 @11:35 AM
Views: 53
Manila, Philippines – Matagal na palang pinupuntirya ni Jillian Ward ang nagdisenyo ng winning gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Mak Tumang.
Who will ever forget Catriona’s red lava gown na mataas ang slit which she wore until the finals at maputungan ng korona?
Dahil literal na winner ang gown na ‘yon kung kaya’t bet ni Jillian na magmukha rin siyang winner in the eyes of her 700 guests expected to show up on her 18th birthday.
May pagka-regionalistic pala si Jillian for her choice of Mak dahil pareho silang cabalen.
Kapampangan pride nga ang paglalarawan ng dalaga kay Mak.
Now, you might be curious to ask: bakit 700 ang inaasahan niyang dadalo sa February 23?
Mukhang nag-head count si Jillian who invited her close friends at pati na rin mga dati niyang nakatrabaho.
Seriuos? Aba, ang dami niyon!
Balita kasing inimbitahan niya ang mga nakasama niya sa Trudis Liit, noong panahong she was just learning her ABC hanggang sa mga workmates niya sa Abot-Kamay ang Pangarap.
May pa-intriga effect pa si Jillian dahil sinesekreto niya ang theme o motif ng kanyang engrandeng debut.
Pero teka, sa 700 guests ba niyang ‘yon ay naliligaw ang pangalan ni Sophia Pablo?
Dati na silang magkasama sa Prima Donnas ng GMA yet they never became close daw.
To begin with, nag-e-expect ba naman si Sophia?
Ang pagiging hindi niya invited sa debut ni Jillian ay be-all and end-all ba ng kanyang mortal existence?
Kunsabagay. Ronnie Carrasco III
February 4, 2023 @10:23 AM
Views: 55
Manila, Philippines – What do Willie Revillame’s Wowowin, Toni Gonzaga’s eponymous show Toni and Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez and Ciara Sotto’s M.O.M have in common?
All three programs on the Villar-owned AllTV had a soft launch in September last year.
But wait, meron pang commonality ang mga nasabing programa.
Pansamantala munang hindi eere ang mga ito dahil may mga production-related concerns na kailangang i-address.
Supposedly, gaya ng napaulat ay ngayong 2023 nakatakdang mag-full blast ang AllTV.
Ang problema nga lang ay hindi pa tapos ang construction ng mga gagamiting studio na matatagpuan sa Star Mall along EDSA sa Mandaluyong City.
Pero paniniyak ng pamunuan ng istasyon, walang dapat ikabahala ang mga kinontratang artista.
Ipagkakaloob pa rin sa kanila ang napagkasunduang talent fee alinsunod sa isinasaad ng mga pinirmahan nilang kontrata.
As for the network employees, nauunawaan naman daw ng mga ito ang sitwasyon bagama’t hindi maiaalis na ikalungkot nila ang desisyon.
Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng AllTV kaugnay ng work stoppage.
Matatandaang around this time last year nang mamaalam ang Wowowin sa GMA.
Naging tapat ang main host nitong si Willie na hindi na siya magre-renew ng kontrata sa Kapuso network dahil may offer sa kanya ang business tycoon na si Manny Villar.
Sinasabing nakapag-swing ng magandang deal si Willie kung saan bukod sa pagiging network talent ay may kapangyarihan pa siyang bumuo ng mga programa.
Itinanggi naman ni Willie na sinusulot niya ang mga artista mula sa mainstream channel para lumipat sa AllTV. Ronnie Carrasco III