HOROSCOPE JUNE 7, 2021



HOROSCOPE JUNE 7, 2021

June 7, 2021 @ 7:00 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Huwag mong isipin ang masamang panaginip na napanaginipan mo. Hindi magkakatotoo ‘yun. Isang ‘di inaasahang bisita ang darating kaya maghanda ka. Ang taong ito ang magiging tulay para suwertehin ka.

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)   Hindi masamang maging banidosa paminsan-minsan. Oks lang ‘yan. Kung walang ginagawa, maiging umidlip sa hapon upang manumbalik ang lakas.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Tama ka, kapag may isinuksok, may madurukot. Marami kang naipon dahil matipid ka. Ilaan mo ito sa mas paki-pakinabang na gawain. Mamuhunan sa negosyong alam mong kaya mong pamahalaan.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Suplada ka, ‘yan ang impresyon nila sa iyo. Pero, ‘di nila alam, lumalabas ang pagiging kalog mo kapag close friends ang kausap mo. Hayaan mong mag-isip ang ibang tao sa iyo. Problema nila ‘yun.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Manahimik lang kapag may hindi magandang naririnig. Ito ang matindi mong sandata. Kala nila mapanganib ka dahil dito. Paghandaan din ang mga proyektong darating na maghahatid ng pinansyal na pagpapala.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang pagmamahal mo sa iyong pamilya ay hindi matatawaran. Kung kaya, gagantihan nila ng utang na loob ang iyong ginawang sakripisyo noon.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kung may ibibigay ka rin ang naman sa isang gipit na kaibigan o kamag-anak, bigyan mo. Huwag pautangin dahil hindi sila makababayad. Huwag kang mag-alala, triple-triple ang balik sa iyo nu’n.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Laging manalangin kapag may pupuntahang lakad. Mapanganib ang panahon ngayon. Magiging masaya ka kapag pinaunlakan ang yaya ng isang kaibigan.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Huwag kang manghimasok sa buhay ng iba. Magpayo ka lang. Iwasang maging co-guarantor ng isang kaibigang may utang. Baka pati ipon mo, maubos dahil du’n. Dadaloy ang biyaya sa iyo sa kalagitnaan ng buwang ito. Kaya, magtipid.




 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Malungkot ka ngayon dahil sa ‘di natuloy na transaksyon. Huwag ganyan. Maging masaya ka. Kasi, may iba pang araw at tiyak na dalawang transaksyon pa ang gagawin mo at parehong ice break ang mangyayari.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag basta-basta manghusga ng kapwa. Lalo na’t hindi mo gaanong kakilala. Magugulat ka, kung sino pa ang ‘di ko close, siya pa ang makatutulong sa iyo sa oras ng kagipitan.

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Sinong maysabing ‘di mo panahon ngayon? Nagkakatotoo na ang minimithi mo. Ang dapat mo lang gawin ay maging consistent sa iyong ginawa.

 

 


  •  
  •  
  •