HOROSCOPE JUNE 8, 2021



HOROSCOPE JUNE 8, 2021

June 8, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung uutang ka, tiyakin mong ikaw ay magbabayad. May tiwala naman sa iyo ang uutangan mo kaya pauutangin ka niya. Magkaroon ng isang salita.

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Suwerte sa iyo ang mag-alaga ng pets. Lalo na ang aso, pusa o gold fish. Magbibigay ito sa iyo ng magandang mood ay suwerte sa negosyo.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mag-ingat sa halik ng isang kaibigan kaysa sa hampas ng kaaway. Ang inaakala mong kaibigan ay siya palang magkakanulo sa iyo. Kaya, huwag basta-basta magkukwento ng sikreto.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Ang iyong charm ay malakas ngayon. Gamitin ito upang makaakit ng suwerte. Kung hihingi ka ng pabor, tiyak na mapagbibigyan ka.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Huwag kang malungkot sa nangyayaring negatibo ngayon sa buhay mo. Sa halip, magtiis dahil pagpapala ang kasunod nito. Panatilihin din ang kababaang-loob.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ikaw ‘yung tipo ng tao na makalat pero naaayos mo. Isa pa, natatapos mo ang trabaho kahit wala pa sa deadline. Cheer-up, malapit ka nang i-promote sa position mo sa trabaho.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Malaki ang utang na loob sa iyo ng isang kaibigang lumisan. Ikaw ang nagpahiram sa kanya ng pera para magtrabaho sa ibang bansa. Kaya, magugulat ka sa kanyang isusukli sa iyo.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Iwasan ang pagiging hot tempered kung minsan. Nakasisira ito ng iyong pagkatao. Ang gusto ng tao sa iyo ay ang iyong pagiging masayahin. Paghandaan ang isang proyektong darating sa susunod na mga araw.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Walang sumusunod na napahamak. Masunurin ka kaya maabot mo ang iyong minimithi. Ang iyong tagumpay ay magbibigay ng labis na galak sa iyong mga magulang.




 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mahigpit na pagdisiplina sa sarili ang kailangan upang hindi magkaproblema sa pananalapi. Bigyang prayoridad muna ang mga bagay na magiging daan sa pag-asenso.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Maganda ka, kaya huwag kang insecure sa iba. Baka ang kinaaayawan mo sa iyong sarili ay kinaiinggitan naman ng iba. Lalo na ang iyong mga mata at labi. Makatatanggap ka rin ng good news next week.

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May makikilala kang bagong kaibigan. Siya ang sagot sa prayers mo. Matutulungan ka niyang matupad ang iyong proyekto.

 

 


  •  
  •  
  •