HOROSCOPE JUNE 8, 2022

HOROSCOPE JUNE 8, 2022

June 8, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Kapalaran na ang nagpiring sa kanyang mga mata. Kahit hindi ka kagandahan, maaakit siya sa iyo. Mahuhumaling siya sa iyong beauty. Siyempre, mas turn-on siya sa iyong good qualities. Kaya, inggit to the max ang mga amiga mo sa iyo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ikaw ay natural na Pilipina at hindi Koreana. Kaya kung nagpapa-beauty ka, pagpapaputi mo’y kalimutan na. Mas kaakit-akit kang tingnan sa kutis mong morena. Iba pa rin kasi ang natural. Hindi naman masamang magpaputi, basta huwag lang sobra.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kung loko-loko ang business partner mo, unawain mo na lang siya. Hindi naman siya masiba sa pera. Hindi mo lang kursunada ang trato niya sa mga tao n’yo. Ikaw ang mabait, ikaw na ang magpuno ng pang-unawa at pagmamahal sa kanila. Mas gaganahan silang magtrabaho dahil sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Sinong lalaki ang nanaising maging katipan ang beshy mong batugan? Na walang ginawa kundi maghapong nasa kama at nagti-TikTok lang. Tapos, magtataka siya kung bakit walang nagkakagusto sa kanya? Porke may kaya sila, ganu’n lang. Yayain mong mag-business at ikaw ang mamahala, papayag ‘yun.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Dahil walang nangyayari sa buhay mo, papauwiin ka na ng mga magulang mo sa probinsya. Kaysa sa nagtitiis kang manuluyan kung saan-saan, may sarili kayong bahay ru’n, sakahan at ne-gosyo. Makabubuti sa iyo ‘yun. Pwede mo namang dalawin ang mga kaibigan mo kung kay time ka.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung tutulong ka sa nagipit na kaibigan, huwag mo na itong bilangin o maging alas sa panunumbat kapag naka-recover siya at may hindi kayo pagkakaunawaan. Masidhi ang paghahangad niya na makabawi ng utang na loob sa iyo. Kapag nakapag-abroad siya, 30 percent ng suweldo niya, ibibigay niya sa iyo. Basta, pautangin mo muna siya ng pamadyak.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ang kursunada mo ay isang aspiring vlogger na model, pero ang nagkakagusto sa iyo ay isang cute na tindera ng isda sa talipapa. Piliin mo ang huli dahil liligaya ka sa kanya. Saka ‘di hamak na mas ‘di nakakasawa ang beauty niya kaysa sa vlogger na napapaganda lang ng make-up.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Tularan mo ang langgam na kahit walang lider ay masikap at sinasamantala ang tag-araw o oportunidad sa buhay. Sa gayun ay hindi ka na lamang mabubuhay sa inggit dahil mabibili mo rin ang gusto mo. Kaya, lalo pang maging dedicated sa iyong bagong trabaho.

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Suwerte ka ngayong araw. Magkakapera ka na, magkaka-instant love affair ka pa. Makakapulot ka lang naman ng pera sa labas ng fast food. Tapos, ililibre mo ang isang babaeng nawalan ng isanlibong piso saka bibigyan pa ng pamasahe. Buti kako may extra kang cash dahil sa napulot mong isanlibo rin. Magpapalitan kayo ng number at magtsa-chat kalaunan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang kabiguan sa pag-ibig ay panandalian lamang. Kaya, huwag mo nang isipin ang ex mo na kinuwartahan ka lang. Halos 7 alkansya ang binasag mo dahil sa luho nito. Huwag kang mag-alala, may magkakagusto sa iyo at siya naman ang mapera. Ibibigay niya ang luho mo dahil mahal ka niya.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Maging abala ka sa iyong trabaho, magkakapera ka pa. Kaysa sa makipagdaldalan sa mga amiga mo. Masasayang lang ang oras mo, mahihingan ka pa ng ambag sa meryenda sa daldalan nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Bagama’t short ka ngayon at nataong may excursion na gagawin sa work mo, makakasama ka pa rin dito. Dahil joker ka at kwela, pwedeng sagot mo na ang kuwento, este, ang ibang kailangan gaya ng paghahanap sa marerentahang sasakyan. Saka, pwede ikaw rin ang mag-ihaw-ihaw at magluto ng kakainin n’yo.