HOROSCOPE JUNE 9, 2021



HOROSCOPE JUNE 9, 2021

June 9, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang iyong kababaang-loob ang maghahatid sa iyo ng success. Maawain at matulungin ka rin kaya bubuhos sa iyo ang pagpalala.

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ang pagiging mabait mo sa mga hayop ay isang magandang katangian. Kaya, hihimukin ka ng isang grupo sa sumali sa kanilang organisasyon. Pumayag ka dahil may potensyal kang matulungan sila.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mabuti ang pagiging istrikto sa mga anak. Pero, masama ang labis. Hayaan silang umibig at ibigin. Lahat ng tao ay dumaan sa ganyan. Makatitiyak ka naman na hindi sisirain ng iyong anak na babae ang tiwala mo sa kanya.

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Huwag basta-basta kakagat sa alok ng kaibigan na sumali sa isang grupo. Lalo na’t involve rito ay pera. Sa halip, ilaan o ilagak ang pera sa bangko.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Malas ka sa pagtaya sa lotto. Kaya, itigil mo na. Hindi ka rin mananalo. Kung gagamitin mo ang iyong talento sa pag-awit o pagsayaw, ito ang magbibigay sa iyo ng malaking salapi. Bakit? Dahil pang-world class ang husay mo.



 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang oras ay ginto. Kaya, tapusin mo na ang mga naudlot na proyekto. Ito ang magpapapasok sa iyo ng biyaya o malaking pera.

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Hindi pa huli ang lahat para sa pangarap mong maging boksingero. May angkin kang lakas at husay na dapat linangin. Magiging tanyag ka sa larangan na ito. Kaya, ensayo na.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maninibago sa iyo ang iyong mga kaibigan. Kasi, hindi ka na bugnutin. Kaya matutuwa sila. May charm ka, kaya suwerte ka kung mag-o-online selling ka.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Sinong maysabi sa iyo na malas ka? Sila ang malas dahil hindi ka nila naging kaibigan. Sunod-sunod na transaksyon o ice breaks ang magagawa mo ngayong buwan. Pero, magtipid-tipid ka sa pera o biyayang dumarating sa iyo.




 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi totoo na ang buhay ay weder-weder lang. Nasa sa tao ang kanyang kapalaran kung papaano siya gagalaw at magpapasya. Kung kikilos ka ngayon, tiyak na magtatagumpay ka kaysa sa manatiling umasa sa himala.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magbubunga na rin sa wakas ang iyong pagpapagal. Makapagpapagawa ka na rin ng bahay. Gayunman, ituloy mo pa rin ang ibayong sipag at pagtitiyaga.

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May secret admirer ka. Halos isang taon na. Kilala mo siya pero, hindi halata na gusto ka niya. Panahon na upang ikaw ang kumilos. Siya kasi ang nakatadhana sa iyo.

 

 


  •  
  •  
  •