HOROSCOPE MARCH 1, 2022

HOROSCOPE MARCH 1, 2022

March 1, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mahirap sumuong sa isang transaksyon na walang sapat na kakayanan. Kailangan mo munang mag-aral ng mga kasanayang ito bago sumabak. Sa gayun ay ‘di mabulilyaso ang iyong plano. Makabubuting humingi ng payo o advice sa mga taong may alam sa pagpapatakbo ng negosyo.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mo munang isipin ang iyong napanaginipan noong isang araw. Huwag ka ring masyadong magpaapekto sa mga nangyayari ngayon sa iyong paligid. Intindihin mo muna ang kalat sa iyong bakuran. Sa gayun ay walang masabi ang mga kapitbahay at mga kamag-anak sa iyo.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi pa matatapos ang mundo. Habang may pakakataon ka pa, magbagong buhay na. Iwanan mo na ang mga masasamang gawa at kapilyuhan. Tatlo ng nobya mo, hindi ka ba nakokonsensya? Pinagsasabay-sabay mo sila. Doon ka lang sa original mo. Kapag kasi, hindi ka pa nagpakatino, aba’y lalong mauubos ang ipon.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magkaiba man kayo ng kulay ng iyong beshy, matutong magrespetuhan sa isa’t isa. Huwag n’yong hayaang mag-away kayo at magkaroon ng samaan ng loob dahil sa pulitika. Sikapin din ninyong magkaroon kayo ng isang papanigan. Ewan kung bakit naging mag-best friend kayo! Kampi ka sa Russia, pero kampi siya US at NATO saka Ukraine.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Malaki kang tao kaya iwasan mong mang-bully. Masama ang nang-aapi sa kapwa kahit biro lang. Huwag mo ring pintasan ang isang tao dahil sa kanyang pisikal na katangian. Kunwari ka pa na tinutukso mo siyang duling, e crush mo naman siya. Mas lalo ka lang mahihirapan kapag hindi mo pa inamin ang lihim mong pagtingin sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nagpapahupa ng galit ang pusong mahinahon at mapagpakumbaba. Kaysa sa magpadala sa init ng ulo. Alam o namang mala-armalite ang bunganga ng misis mo, inaasar mo pa na matakaw at masyoba! Iyon nagtampo sa iyo at ‘di na sumasabay sa pagkain n’yo. Humingi ka ng sorry at regaluhan mo siya. Sa gayun ay may reward ka. Payag na siyang magka-baby kayo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Nauuso na naman ang halo-halo dahil magsa-summer na. Huwag ka sanang makiuso sa mga taong Marites na nag-uumpukan sa tabi ng tindahan n’yo at halo-halo ang usapan. Magtinda ka na lang ng halo-halo at banana cue sa inyo. Gamitin mo ang kakyutan mo para magkapera kayo. Para makatulong ka sa nanay at tatay mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kapos ka man, parang hindi rin. Kasi, may tutulong sa iyo. Kaya huwag mangamba. Sa pagpasok ng second kwarter ng taon, d’yan na magsisimula ang siksik, liglig at umaapaw na suwerte mo. Darating din ang inaasahan mong sulat na malaon mo nang hinihintay.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Bakit nga ba bughaw ang langit? Ganyan ang tanong mo mula pa noong bata ka? Pero ang totoo, bakit hanggang ngayon, nasa laylayan pa rin kayo. Kaya, parang impiyerno ang hirap ng buhay n’yo ng pamilya mo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) May paparating na pera sa iyo ngayong linggo. Kaya, mamimili ka ng mamimili. Ok lang ‘yan. Kasi, stock naman ‘yan sa bahay n’yo para may nakaimbak kayong pagkain at iba pa. Huwag mo lamang bibilhin ang mga bagay na hindi naman kailangan. Sa iyong pamimili, makikita ka ng kaklase at kaibigan mo noong high school. Magkukuwento siya ng mga lihim na iyong ikagugulat.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang iyong pagpapagal kaugnay sa aspektong espiritwal ay hindi lingid sa nasa Itaas. Pagpapalain ka Niya at ang iyong sambahayan. Sa gayun ay may magamit ka sa pang-araw-araw na pangangailangan. May mga sorpresa ring mangyayari sa iyong buhay na pawang positibo. Basta huwag ka lang magsasawa na sa gawaing espiritwal.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang binhing iyong itinamin ay tutubo at mamumunga. Iyong aanihin ang mga ‘yan sa takdang panahon. Gayunman, hindi ka kakapusin sa alinmang pangangailangan dahil may mga taong gagamiting kasangkapan upang pagpalain ka ng nasa Itaas. Matuto ka lamang magsipag at magtiwala sa Kanya. Ang mga naninira sa iyo ng palihim ay mamalasin. Sapagkat, gumagawa sila ng katha patungkol sa iyo na pawang kasinungalingan. Hindi sila makatatakas sa parusa.