![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung nais mo nang lumagay sa tahimik, tiyakin mong handa ka na talaga. Baka may mga bagay ka na matutuklasan sa iyong kasintahan na iyong ikadidismaya. Walang perpektong manginginig at iniibig. Kaya lawakan ang pang-unawa sa isa’t isa. Maghintay ka pa muna ng isa pang taon bago makipag-isang dibdib. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ang iyong pagiging matiisin sa harap ng mga hamon ng buhay ay gagantimpalaan. Dahil sa kabila nito ay hindi ka nag-iisip ng negatibo. Ke sa panahon ng kaigihan at kahirapan ay nananatili kang matuwid at hindi nanumbat sa mga tao, lalo na sa Diyos. Asahan din ang tuloy-tuloy na pasok ng pagkakakitaan dahil natutuwa sa iyo ang Maykapal. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kagaya mo ay parang isang bunga na bubot pa sa turing. Kaya, huwag ka munang magmadali sa pag-ibig. Makinig ka sa iyong mga magulang at mag-aral ng mabuti. Gawin mong inspirasyon ang magmahal ng palihim sa taong iyong napupusuan. Kapag kaya mo nang tumayo sa sariling paa, may karapatan ka nang magmahal. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ang nasimulang maliit na negosyo ay lalago kung magpo-pokus muna sa ilang produkto at serbisyo. Maging handa lamang sa kompetisyon dahil hindi ito maiiwasan. Ang iniaatang sa iyong tungkulin sa isang pamayanan ay tanggihan dahil hindi ito makabubuti sa iyo. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Pag-aralan mo munang mabuti ang ugali ng isang tao bago ka magbigay ng payo. Sa gayun, makaiwas ka na parang tupa na tumabi sa natutulog na lobo. Ang pinupuntiryang adhikain kung mabuti naman ang layunin ay makukuha. Lakipan lamang ito ng pagtitiyaga at pagsangguni sa Maykapal. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag mong pagtatakpan ang mga maling gawain ng iyong mga kasamahan sa trabaho, Isumbong mo sila ng palihim sa inyong amo bago ka pa madamay sa kanilang kalokokan. Bago mo gawin ito ay huwag kang magkakamaling pabantaan sila; dahil magkakaroon sila ng ideya na ikaw ang nagsuplong. Gagantimpalaan ang iyong kapatapan sa iyong panginoon sa laman o bossing. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Magkaroon ng paninindigan sa iyong sinabi. Kung prinsipyo mo na ang ‘utos ng hari, ‘di mababali’, tindigan mo ito. Mapapatunayan mo sa iyong kausap o taong pinangakuan na may isa kang salita. Iwasan ang pagkain ng sobrang matataba at matatamis dahil hindi ito mabuti sa iyong kalusugan. Sikapin din ng magkaroon ng oras sa pag-eehersisyo. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Darating sa iyong buhay ngayon ang kakaibang oportunidad na iyong labis na ikagagalak. Kung baga sa roleta ng kapalaran, ikaw ngayon ay ipipihit patungo sa itaas ng gulong ng kapalaran. Gayunman, huwag kang makalilimot lumingon sa pinanggalingan mo at sa itaas. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag kang bibitiw sa iyong mga bagay na nasimulan. Sa una ka lang tila malas. Pero, ang kasunod ay puro tagumpay. Matuto ring magtiwala sa mga taong iyong katransaksyon upang pagkatiwalaan ka rin ng iba. May biglaan kang darating na bisita. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung gusto mong lumago ang iyong pera, huwag mong iasa sa madaliang kita. Lalo na ang paglagak ng iyong pera sa walang katiyakan. Nagkalat ngayon ang mga taong manloloko. Ilagak mo ito sa bangko at magtayo ka ng negosyo. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Huwag mo nang isipin ang maghiganti sa mga tao, lalo na sa mga kaanak mong nagawan ka ng masama o inapi ka. Kalimutan mo na ang mga bagay na iyon dahil itinaas ka na ng langit. Kaya, iwaksi mo na ang hinanakit dahil lalamunin ka lang nito sa hindi panatag na kalagayan. Ang totoo, kinukumusta ka nila at nais ding makadaupang palad. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Hindi mo na kinakailangang mangibang bayan para hanapin ang iyong sarili. Gayundin upang umunlad ang pamumuhay. Nasa bayang kinalalagayan mo ang iyong pag-asenso. Kung nasa isipan mong ibenta ang isang parte ng inyong lupain, gawin mo at dito mo kunin ang inyong pagsisimula para sa isang negosyo. |