![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Alam mo ba na gusto ka rin ng taong gusto mo? Pero, iwasan ang masyadong showy at baka matsipan siya sa iyo. Medyo sumimangot-mangot ka pa rin nang kaunti pero naka-smile ang puso mo. Pagsabihan mo rin at paalalahanan ang mga tsismosa mong beshy, maging ito ay sa iskul o sa trabaho. Baka ikaw ay topic na rin nila sa kwentuhan kapag wala ka. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Maririnig mo ang theme song nyo noon ng ex mo sa sinasakyan mo. Pakiusap lang, huwag kang mag-emote. Kasi, awkward na kapag ginawa mo ‘yun. Senti ang tugtog tapos susundan ‘yun ng pampabuhay na song na ‘ting, ting, dong-dong,’ basta, ganu’n. Tapos emote ka pa rin ate? Masosorpresa ka kapag tiningnan mo ang analytics mo sa iyong vlog. Pumapalo na ito. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — May matatanggap kang tawag pero huwag mong sasagutin basta-basta. Lalo na kung hindi ka pamilyar sa number. Kung pitong beses na itong tumawag, sagutin mo na at baka importante iyon. Ang ilusyon mo at day dreaming ay magkakatotoo dahil kumikilos ka naman para mangyari ito. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Pabor ang araw na ito na pasyalan ang mga kaibigan na malapit lang ang bahay sa inyo. Sa halip na magtsismisan na alam naman nating kinaaliwan n’yo, pag-usapan n’yo ang gagawing raket ngayong summer. Magtinda kayo ng halo-halo o anoman para may pagkaabalahan. Tapos, magtsismisan kayo habang nagtitinda para bumalik-balik ang kostumer sa pwesto n’yo. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung kinakausap ka ng isang sekta o relihiyon na umatend sa Bible Study nila, sumama ka kaysa sa makipagtomaan sa tropa mo. May matutunan ka pa. Doon ay masosorpresa ka sa taong iyong makikita. Huwag malulungkot kung natalo ka sa isang patimpalak. Basta, tuloy ka lang sa passion mo at mula rito ay sunod-sunod na tagumpay na ang iyong matatamo. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag mong masyadong karerin ang iyong pigura. Ang totoo, cute ka pa rin kahit ganun. Kung ‘di mo kayang mag-gym, huwag mo. Kung gusto mong kumain ng gusto mo, kumain ka. Subalit, huwag lang sosobra. Iba na ang kahulugan ng maganda ngayon. Ang angking husay sa pagsusulat ay ipamalas at baka magustuhan ito ng mga tao. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kahit walang abiso ng water interruption, mag-ipon ka ng tubig. Para kapag nawalan, ‘e pa-relaks-relaks ka na lang. May magbabayad sa iyo ng utang sa linggong ito. Pero, hindi pera ang ibabayad niya, kundi serbisyo at ibang commodities. Halimbawa ay bigas at sibuyas. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magiging positibo ka at masaya dahil sa pagdating ng magandang pagkakataon at oportunidad. Gayunman, huwag kang papayag o paaapekto sa sasabihin ng ibang tao, ke positibo man ito o hindi. Sunggaban mo na ito, dahil ito ang magpapabago sa buhay mo. Kung magsusuot ka ng yellow o blue ngayon, tulo laway siya sa karisma mo. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Dahil sa pagsisikap at tapat, magiging maayos ang takbo ng inyong business. Hindi lamang ‘yan, magiging maayos din ang relasyon nyong magsing-irog dahil pareho kayong hardworking. Maging maingat lamang sa mga taong mapagsamantala. Huwag basta-basta kakagat sa alok na tindang murang bigas at baka ma-1, 2, 3 kayo. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ang problema ay madali mong magagawan ng lunas kung kikilos ka talaga. Huwag kang gumaya sa iba na iniaasa na lang sa himala ang solusyon. May mangyayari ba sa iyo kung tutunganga ka lang buong araw? Kung malas ang iba sa pag-ibig, blooming naman ang sa iyo. Ang meron ay magiging matatag, ang mga walang lovelife ay magkakaroon. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Kung magdi-date kayo ng loves mo, huwag mong solohin ang gastos. Share kayo dahil medyo short ka rin. Madali naman siyang kausap at papayag siya. Ang inaasam na komisyon sa isang transaksyon ay matatanggap na sa linggong ito. Kaya huwag mainip, okay. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Kung sino pa ang hindi mo gaanong malapit na kaibigan, siya pa ang magmamalasakit sa iyo. Kaya, pahalagahan mo ang taong iyon dahil may halaga ka sa kanya. Kung nakainom ka, huwag kang magmamaneho nang lasing. ‘Yung kasama mo na lang na kasama mong uminom, este joke lang. Maigi na mag-commute na lang kayo, pero mag-behave kayo. |