![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung hindi ka pa handang makipagrelasyon, huwag mo munang pilitin. Just take your time lang at darating ang bagong pag-ibig at ang taong nararapat para sa iyo. Kung may malapit na taong handang tumulong sa iyo upang mangibang bansa ka, sunggaban mo. Tutal, babalik ka rin naman kung saan ka nanggaling. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Madaling pumasok ang pera sa iyo. Madali ring nawawala dahil sa mga gastusin. Subalit, hindi mo ito dapat ikabahala sapagkat sa mahalagang bagay mo naman ito ginastos. Ang iyong panalangin na may mabuting motibo ay diringgin ng nasa Itaas. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Sipagan mo pa sa paggawa ng content bilang isang umuusbong na content creator o vlogger. Sapagkat, kinasasabikan ng iyong mga follower ang bago mong ipo-post. Bukod sa naglilibang ka na, kumikita ka pa. Huwag mo munang isipin ang mabilisang kita rito, bagkus, i-enjoy mo lang at idaragdag lang ito sa iyo ng Maykapal. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Magiging mabiyaya at masaya ang araw dahil sa isang kinawiwilihang gawain o aktibidad. Ang pagtitinda kasama ang ilang kaanak ay magiging libangan. May kahilingan o hihingin kang pabor sa ilang kaanak. Ngunit, hindi ka nila mapagbibigyan. Oks lang dahil may ibang aalalay sa iyo. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag kang basta-basta bigay ng bigay sa mga ilang taong humihingi sa iyo. Baka ang ilan sa kanila ay hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Suriing mabuti ang pagbibigyan upang ‘di ka magsisisi’t maghinayang. Ang pagmamalasakit mo sa iyong trabaho at sa iyong pinapasukan ay gagantimpalaan. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung balat-sibuyas ang mahal mo, huwag mo na itong biruin at asarin. Baka mapundi siya sa iyo. ‘Di baleng ikaw ang asarin niya basta may libreng kiss and hug. May magandang offer sa iyo sa ibang kompanya. Ngunit, huwag mong tanggapin. Alalahanin mo kung sino ang nagbigay sa iyo ng break. Maging tapat ka rito. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Mahalaga ang maging masipag o ang pagbabanat ng buto. Subalit, huwag sobra-sobra at baka magkasakit ka. Alalay lang. Gumawa ka ayon sa hinihingi ng iyong trabaho, kakayahan at lakas. Aksidente mong malalaman ang lihim ng isang kaibigan. Ngunit, huwag mo na siyang usisain tungkol dito. Sa gayun ay hindi rin mabunyag ang lihim mo. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Bago ka maniwala sa mga sabi-sabi o tsismis na iyong naririnig patungkol sa sinasabi sa iyo kuno ng iba, magsuri ka muna. Sa gayun ay hindi ka mukhang maging timawa. Ang paparating na salapi ay itabi at huwag ipagsabi o ipautang. Magagamit mo ito kung sakaling balak mong magtayo ng negosyo. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Para ‘di ka na mahirapan, alisin mo na siya sa sistema mo. Kasi, hindi ka makakatulog niyan ‘e. Lilipas din ‘yan. Kung balak mong lumakad o magtungo sa ibang lugar para sa raket mo, ituloy mo. Huwag kang pahahadlang kahit kanino, kahit sa loves mo o sa misis mo. Busalan mo na lang ng pera ang madaldal niyang bibig pagbalik mo, matutuwa na ‘yun. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Umiwas-iwas ka munang mag-iinom ng kape, lalo na ‘yung 3-in-1 at baka maging blockbuster ang peg mo sa palikuran. Marami kang matututunan sa isang bagong kakilala sa trabaho. Magiging magkaibigan kayo at marami siyang sasabihing sikreto sa iyo. Kala mo simple lang siya pero mula pala sa Buena pamilya. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Maluwag na ang restriksyon ngayon, pero maigi na ‘yung nakasuot ka ng face mask kapag lalabas ka o papasok ka sa iskul o work. Sa gayun, hindi bubuntot ang taong patay na patay sa iyo na parang bangkay ang hilatsa ng katawan at pagmumukha. Wala naman siyang masamang balak sa iyo, minomonitor ka lang niya. Para matigil siya, utangan mo. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Sikapin mong mapanumbalik ang dating matamis na pagsasamahan n’yo ng iyong matalik na kaibigan. Sa gayun ay hindi kayo malugi sa isa’t isa. Kung may tampuhan, maiging makipag-ayos na. Ipagpasalamat mo na nagkaroon ka ng isa pang raket kaysa sa sabihing mahihirapan ka kapag dalawa na ang inatupag mo. |