![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung gusto mong magbakasyon, gawin mo. Bumawi ka sa revenge travel tutal may badget ka naman para rito. Kailangan mo rin ito upang mapanatag at ma-refresh ang iyong isipan. Sa pamamagitan nito, makabubuo ka ng bagong mga ideya para sa iyong vlog; na magpapahusay sa iyong creativity para sa content. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Magbabago ngayon ang iyong mga pananaw sa buhay; na labis naman na makaaapekto sa iba. Lalo na ang pagdududa at kawalan ng tiwala sa iyong kapwa. Akala mo, minamata ka nila dahil sa iyong kalagayan ngayon. Sa kabila nito, may maganda itong epekto dahil magiging maalwan ang buhay mo dahil malalayo ka sa mga taong toxic. Sarili at ang pamilya mo muna ang isipin at unahin mo ngayon. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang mga sasabihin mo ngayon ay parang bulaklak na may tinik, subalit matamis naman ang lasa. Ganyan mo pagsabihan ang iyong mga kasama sa raket para sa ikabubuti ng inyong performance. Ang pera ay nariyan lang kung ikikilos ang mga kamay. Subalit, huwag kang magsama ng taong tamad sa trabaho at baka ipahamak lang ka lang nito. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Hindi maiiwasan na magduda sa iyo ang iyong kasintahan o kasuyo dahil sa tila pananamlay at pananalamig ng pakikitungo mo sa kanya. Kahit pagod ka sa work, bigyan siya ng panahon o atensyon. Kapag muli kayong nagkita, bigyan mo siya ng gusto niya at busugin sa foods para mawala ang tampo. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang iyong dedikasyon at sipag sa isang tungkulin ay aani ng respeto at karangalan. Kahit ano man ang gawin ng iba na ibagsak ka, lalo na ang may lihim na inggit at galit sa iyo ay hindi magtatagumpay. Kaya, ipagpatuloy ang karakter mong may isa at tapat sa pananalita. Sapagkat may kaukulan itong biyaya. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang iyong hindi inaakalang mangyari ay siyang mangyayari; at ang inaasahan ang siyang hindi. Ang mga taong iyong iniiwasan ang siyang gustong maging malapit sa iyo. At ang mga gusto mo ang siya namang umiiwas sa iyo. Huwag mong ipilit ang sarili sa ayaw sa iyo at sa mga taong gusto ka pero ayaw mo. Makipagkaibigan ka sa bagong kakilala para makaiwas sa mga matang mapanghusga. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Siguraduhin mo na ang taong laging binibigyan mo ng pabor ay may isang salita. ‘Yung kapag ikaw naman ang hihingi, mapagbibigyan ka kahit isa lang sa sampu mong pabor. Sapagkat kung hindi, kawawa ka at dapat mo nang putulin ito. Paghandaan ang isang biglaang raket na magdaragdag ng iyong kita. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi ka dapat matakot at mangamba ngayon, kahit na may kinakaharap kang suliranin. Malalagpasan mo ito at bigla ka na lang sasaya. May mga bagay ka na gustong makuha kahit ‘di mo kaya. Pigilan ang sobrang obsesyon kung ‘di tama ang gagawin. Daanin mo ito sa tamang paraan. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ito na ang oras upang ikaw ay kuminang sa iyong mga kasamahan. Mapapansin din sa work n’yo ang iyong husay at galing. Kung may ipinipintas pa sa iyo hanggang ngayon ang mga kasama, unti-unti itong baguhin. Sa gayun, para silang bumabato ng uling sa wala. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Masakit man ang nangyari o paglisan ng isang minamahal, maging positibo ka pa rin at kalmante. Hindi pa ito ang katapusan ng lahat, kundi simula pa lamang ng mabuting kapalaran para sa inyo. Dahil ikaw ang kanyang blueprint upang mabuo ang isang pangarap. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Ang nangyari noong ikaw, disi-siete ay tila muling mauulit. Nasa iyo namang pangangambahan dahil may bahid ito ng pagkakamali. Paghandaan mo ito upang alam mo na ang gagawin. Gayunman, maghahatid naman ng good vibes ang pagiging cheerful mo sa iyong crush. Baka ma-develop na siya sa iyo kaya tuloy lang ang pagpapakengkoy. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Ang iyong pinag-aralan, kagandahang-asal at takot sa Diyos ang iyong magiging sandata upang makamit mo ang respeto at paghanga ng mga tao. Lalo na ang taong pagpapakitaan mo ng iyong proposal. Hindi mo man hingin ang mga bagay kahit na kailangan mo ito ay kusang darating sa iyo. |