HOROSCOPE MARCH 16, 2023

HOROSCOPE MARCH 16, 2023

March 16, 2023 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Walang patutunguhan ang iyong damdamin kung mananatiling pinid ang iyong labi. Kung sa pakiramdam mo ay tipo ka rin niya, magpahaging ka. Baka naman kasi hinihintay ka lang niyang magsabi. Malalaman mo ang sagot niya kapag nagsabi ka na. Kapag nalaman mo na, rito mo timbangin ang lahat. Kung itutuloy mo o hindi ang panunuyo sa kanya.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” May time na wala ka pero masaya ka pa rin. Sa pagkakataong ito, iniisip mo pa lang ay ibibigay na ng langit ang biyaya para sa iyo. Kaya, magalak ka at alisin ang hinanakit at pagdududa sa Maykapal. Subukin mo Siya sa tamang paraan at malalaman mo ang magagawa ng Kanyang kapangyarihan. Na kahit dugyot ka ay kaya ka Niyang gawing kagalang-galang.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Huwag mong isipin na may tampo ang langit sa iyo. Ikaw kasi, pabandying-bandying ka sa obligasyong espirituwal mo. Ibigay mo ang para sa Kanya at ibibigay rin Niya ang para sa iyo. Para ano ba naman ang isang oras lang. Alam mo bang sa simbahan mo matatagpuan ang iyong one and only?

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Magiging kawili-wili sa iyo ngayon ang pamamasyal sa magagandang tanawin. Napapalakas nito ang iyong aura at katawan. Ang pagtitinda ngayong summer ay gawin kung hilig mo. Magsama ka ng isa o dalawang katuwang mo. Ang perang inaasahan ay darating sa takdang oras.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Bigyang pansin ang sarili at katawan. Huwag masyadong ibuhos ang sarili sa pagtatrabaho. Baka ika’y magkasakit ang kawawa ang pamilya mo. Magpahinga sa bahay kung walang pasok kaysa sa suungan ang isa o dalawa pang raket. Kung β€˜di maiiwasan, sa bahay mo gawin ang trabaho para alalay lang ang puwersa mo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Habang dahan-dahan kang umaakyat sa pedestal ng tagumpay, tingnan mo ang iyong tinatapakan. Lumingon ka sa iyong pinanggalingan at gawin mo pang motibasyon upang magtagumpay pa. Huwag kang gagaya sa iba na nalunod agad sa isang basong tubig. Mas nananatili ang kinang ng mababa ang loob kaysa sa mga paimbabaw.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ugaliin mo ang maging masayahin upang kagiliwan ka ng mga tao. Huwag nga lang sosobra para β€˜di ka pagkamalang ewan. Abalahin ang sarili sa mga makabulubang gawain upang sumaya at lumakas ang pangangatawan. Ang alok ng isang kaibigan na makisosyo ka sa business niya ay sunggaban. Huwag magduda. Sapagkat, kailangan mong subukan ang isang sinasabing ginto kung ito ay dalisay.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Hindi mawawala ang tampuhan sa mga magkasuyo at magkakaibigan. Kala ng iba normal lang ito pero hindi. Kaya marami ang nasanay na ganu’n na lang dahil normal lang ito, sa tao. Kasi lahat naman nagkakamali. Bumalikwas ka sa paniniwalang ito upang β€˜di ka maging abnormal. Suwerte ka kung papasok ka ng maaga, baka makapulot ka ng pera.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Huwag kang magdamdam kung ang dati mong ngiti ay sa iyo nang karibal. Talagang hindi ka mananalo kung ang pinag-aalayan mo ng pagmamahal at materyal na bagay ang pamantayan sa isang tao at hindi ang puso. Panlabas na anyo at hindi katangiang panloob. Pero, magsisisi ang taong iyon at mapagtatanto niyang mahal ka rin niya. Pero, huli na ang lahat.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Kung batid mong walang nagmamalasakit sa isang taong kapuspalad, at tapos ay ikaw ang inuudyukan na gumawa ng kawanggawa; gawin mo, may nakakakita man o wala. Sapagkat sa ganyan padadaluyin ng nasa itaas ang biyaya para sa iyo. Sa gayun ay marami ka pang matulungan. β€˜Yung talagang gipit at hindi naggigipit-gipitan lang.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Huwag kang magpapaunlak sa bahay ng isang taong mainitin ang ulo kapag niyaya kang kumain o uminom. Baka mapaaway ka sa taong iyon. Iwasan mo ring makipagtalo kahit alam mong tama ka. Hayaan mo ang iyong kausap ang lumabas na magaling, subalit ipapahamak sila ng kanyang kahambugan. Tipirin ang perang kinita at baka may biglaan kang pakakagastusan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Uso ang harbatan ng mga sasakyan ngayon, lalo na ang single o motor. Para safe ang motor mo, iparada mo ito sa puwesto na may maraming aso. Doon mo rin kadenahan. Tapos, kunan mo muna ng gasolina, para kahit mapitik ay hindi aandar. Aalukin ka ng isang kaibigan na mangibayong-dagat. Sunggaban ito pero sa susunod na taon ka na umalis.